19/08/2026
๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ช
Agosto na naman. Panahon na upang ipagdiwang ang wikang Filipino: magpaligsahan sa pagsulat, magsuot ng barong, mag-post ng โ๐๐ข๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ธ๐ช๐ฌ๐ข,โ at pagkatapos ay humingi sa AI ng caption tungkol dito.
Ngayong taon, ang opisyal na tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay โ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.โ
Walang masama sa paggamit ng artificial intelligence. Sa edukasyon, maaari itong maging kapaki-pakinabang na katuwang sa pagsusulat, pag-aanalisa, at pagkatuto. Ngunit nagiging kabalintunaan ang lahat kapag ginagamit natin ang AI upang magsulat tungkol sa pagmamahal sa Filipino habang tayo mismo ay patuloy na naniniwalang mas โmatalino,โ โpropesyonal,โ at โakademikoโ ang isang ideyang nakasulat sa Ingles. Nanatiling mas malawak ang representasyon ng Ingles sa generative AI, samantalang maraming wika ang kulang sa digital resources (Kshetri, 2024; Guevara et al., 2024).
At dito pumapasok ang ating paboritong pambansang kasinungalingan: mahal natin ang Filipino kapag Agosto...lang.
Mas malalim pa rito ang problema. Kapag ipinauubaya natin sa AI ang pagsusulat, hindi lamang mga salita ang ipinapagawa natin sa makina. Ipinauubaya rin natin ang ๐ฉ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐๐จ ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฐ๐ข๐ค๐.
Ang wika ay hindi simpleng koleksiyon ng mga salitang maaaring ayusin ng isang ๐ข๐ญ๐จ๐ฐ๐ณ๐ช๐ต๐ฉ๐ฎ. Bawat salita ay may kasaysayan; bawat idyoma ay may pinagmulan; bawat paraan ng pagsasalita ay hinubog ng karanasan ng mga taong gumamit nito. Ang โ๐ฌ๐ข๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข?โ ay hindi lamang tanong tungkol sa pagkain. May pag-aalala, pakikipagkapwa, at isang partikular na anyo ng kulturang Pilipino sa likod nito. Ang โ๐๐๐ก๐๐ฅ๐ ๐ง๐,โ โ๐ฉ๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ฌ๐๐ฆ๐,โ โ๐ก๐ข๐ฒ๐,โ at โ๐ฎ๐ญ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฅ๐จ๐จ๐โ ay hindi basta mailalagay sa isang database. Mga konsepto silang nabuo mula sa mahabang karanasan ng pagiging tao; sa ating konteksto, ng pagiging Pilipino.
Halimbawa, alam mo bang ang kinilaw ay matagal nang bahagi ng ating pagkain kahit pa bago dumating ang mga mananakop? Ayon sa mga historyador gaya ni William Henry Scott sa Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society (1994), sa mga sinaunang pamayanang Austronesian sa kapuluan, matagal nang umiiral ang paraan ng paghahanda ng sariwang isda o lamang-dagat na nilalagyan ng s**a, katas ng kalamansi, o iba pang asim upang โlutuinโ nang hindi gumagamit ng apoy.
Sa mga tala ng mga unang manlalakbay at sa mga oral na tradisyon ng mga baybayin at Visayas, makikita na ang kinilaw ay hindi lamang pagkain kundi bahagi ng pamumuhay sa tabing-dagat; isang praktikal na tugon sa yaman ng katubigan at sa kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa pagpreserba at lasa. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ito ng ibaโt ibang anyo at pangalan sa ibaโt ibang rehiyon, ngunit nanatili ang diwa nito bilang pagkaing nakaugat sa lupaing ito at sa mga taong matagal nang naninirahan dito.
At kailanman, hindi lubos na malalaman o mararamdaman ng AI ang lasa ng kinilaw; ang tamang timpla ng asim, alat, at anghang na may kasamang amoy ng dagat at alaala ng baybayin dahil ito ay hindi lamang datos o recipe. Ito ay bunga ng mahabang kulturang Pilipino: ng mga kamay na naghiwa, ng mga pamilyang sabay-sabay kumakain, ng mga pangingisdang umuuwi sa dapithapon, at ng mga salitang hindi kayang isalin nang buo sa kahit anong algorithm.
Sa ganitong pananaw, ang wika bilang pundasyon ng kultura ay bunga ng ilang siglo ng pagiging tao ng mga taong nagsasalita nito. Ito ay nabubuhay dahil ginagamit, binabago, nagkakamali, pinagtatawanan, minamahal, at minamana. Kapag hinayaan nating ang makina ang palaging pumili ng ating mga salita, may panganib na maging malinis nga ang pangungusap ngunit wala nang bakas ng taong nagsulat nito.
Dito nagiging nakakatawa ang ating pagdiriwang. May estudyanteng nagsusuot ng barong para sa Buwan ng Wika ngunit ipinapagawa sa AI ang kaniyang sanaysay tungkol sa โpagkakakilanlang Pilipino.โ May poster na nagsasabing โIpinagmamalaki ko ang sariling wika,โ ngunit ang mismong teksto ay isinulat ng isang makinang hindi kailanman nakaranas sumakay ng jeep, makipagtawaran sa palengke, makipag-โpoโ at โopo,โ o sabihan ng nanay na โkumain ka na ba?โ
Hindi kaaway ng Filipino ang AI. Ang mas malaking kaaway ay ang paniniwalang kailangang maging Ingles ang isang ideya upang maging matalino, at kailangang maging AI-generated ang isang teksto upang maging mahusay.
Maaaring gayahin ng AI ang Filipino. Maaari nitong ayusin ang balarila, dagdagan ang talasalitaan, at bumuo ng tila makabuluhang talata. Ngunit hindi nito maaaring angkinin ang mismong karanasang nagbigay-buhay sa wika.
Kaya ngayong Buwan ng Wika, marahil ay dapat nating itanong hindi lamang, โMahal mo ba ang Filipino?โ kundi:
โ๐๐๐ซ๐ข๐ซ๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฆ๐จ ๐ฉ๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐๐ฎ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐๐ข๐ ๐ฆ๐จ?โ
Sapagkat kung pati ang ating mga salita, damdamin, at paraan ng pagpapahayag ay palagi nating ipinagagawa sa makina, baka dumating ang araw na ๐ฉ๐๐ซ๐ฉ๐๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ง๐ข๐ญ๐จ.
๐๐ฆ๐ฆ๐ญ ๐ง๐ณ๐ฆ๐ฆ ๐ต๐ฐ ๐ฎ๐ฐ๐ฅ๐ช๐ง๐บ ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ ๐ฐ๐ณ ๐ต๐ข๐ช๐ญ๐ฐ๐ณ ๐ช๐ต ๐ต๐ฐ ๐บ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ค๐ช๐ง๐ช๐ค ๐ฏ๐ฆ๐ฆ๐ฅ๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฃ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ง๐ช๐ต๐ดโฆ๐ด๐บ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฆ ๐ฃ๐ช๐ณ๐ฐ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ.
Isinulat ni SNDR
Dibuho ni Grasiya