18/08/2026
๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ ๐๐๐งร๐ฅ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐ง๐จ๐ฅร.
Araw-araw na hamon sa mga g**o kung paano itatawid ang talakayan sa isang silid na animong sardinas ang mga mag-aaral. Kung paano matutugunan ang pangangailangan sa kakulangan ng kagamitan, kung paano pa papasanin ang tambak na gawain, at mga suliraning lampas na sa apat na sulok ng paaralan. Datapwat ganito, patuloy silang humaharap sa mga mag-aaral dala-dala ang pagmamahal, bitbit ang sinumpaan nilang tungkulin na magbahagi at magturo hindi lamang ng kaalaman, bagkus ng magandang asal, respeto, disiplina, at tamang pagpapahalaga sa mga kabataan.
Ngunit, sa kabila ng pagpapagal na ito, mabigat na paratang pa ang naging sukliโpaninisi. Sa isang bansang mahirap magturo ng tama, ganon na lang kadali para sa pamahalaan na magturo ng masisi sa isang pagkakamali.
Walang g**o ang magtuturo sa kanyang mga mag-aaral na gumawa ng mali, maging walang modo, at huwag igalang ang kapwa lalong higit na ang mga nakatatanda. Isang malaking sampal sa hanay ng mga g**o ang naging pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang paratang ng pagiging pasimuno ng kawalan ng moralidad ng mga mag-aaral, kaugnay ng naganap na insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City nitong ika-18 ng Agosto.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ, ๐ป๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ปโ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ถ๐น๐ฎ ๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ถ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ, ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ถ. Maaari tayong pumuna ng mali at magpanagot ng mga nagkamali, ngunit dapat malinaw, may batayan, at may konteksto ang bawat bibitawan nating paratangโlalong higit sa mga tunay na nagmamahal sa bansa at sa mga nagtitiis na lang sa sistema. Dito nabigo si USEC Claire, madaling magbigay ng salita, ngunit kaya ba niyang panindigan ang bigat ng pananagutan na dala ng mga salitang dumulas na sa kanyang dila?
Kung ugat ang hinahanap ng pamahalaan, bantad dapat sa kanila ang pagkakaiba nito sa sanga lamang dahil hindi na lang moralidad ang nakataya sa bawat salitang ating bibitawan sa hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon, bagkus pananagutan. Sapagkat magkaiba ang naghahain at naghahanap ng konkretong solusyon sa usaping naghahanap lamang ng masisisi sa isang problemang sangkot ang buong sistemaโmula sa mga ugat hanggang bunga.
Ang moralidad ay hindi lamang produkto ng isang institusyon, ito ay bunga ng mga salik na nagmumula sa lipunang kanyang kinamulatan. Kaya bago natin idiin ang mga g**o na pasimuno ng kawalan ng moralidad, dapat din nating tanungin ang ating mga sarili, lalong higit na ang pamahalaan, kung sapat na ba ang ginagawa nilang aksyon para tugunan ang hamong ito.
Dahil sa mga ganitong uri ng usapin, hindi na tayo para magsisihan pa. Kung tunay ngang ang pamahalaan ay determinadong mahanap ang ugat ng mga suliranin, huwag lamang tayong tumuon sa pagputol ng sanga at sabihing nalutas na ang puno. ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป, ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ ๐ธ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐ธ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป.
โ๏ธ: Bahagsubay