06/11/2025
๐๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐๐ฆ ๐ฎ-๐ ๐ฆ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ ๐ง๐ข ๐ฉ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ ๐๐ก ๐๐ค๐จ๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ ๐๐ค๐จ๐๐ญ๐จ๐ ๐๐.
From Class to Splash: Social Studies 2-B, Champion sa Aquazumba.
๐๐๐จ๐๐๐ฌ, ๐๐๐ง๐๐๐ก โ Sa ipinamalas na husay, sigla, at pagkakaisa, kinoronahan ang BSED Social Studies 2-B bilang kampeon sa Aquazumba competition ng taunang Aqualympics 2025 na ginanap nitong Huwebes sa Villa Amanda Resort, Abucay, Bataan.
Ipinakita ng grupo ang kahusayan sa ritmo, koordinasyon, at teamwork habang buong lakas na sinabayan ang saliw ng musika sa tubigโisang kombinasyon ng sayaw at ehersisyo na tumampok bilang isa sa mga pinakamasiglang patimpalak ng Aqualympics.
Nakipagtagisan sila sa labinlimang (15) iba pang block mula sa apat na kolehiyo ng Bataan Peninsula State University โ Balanga Campus, kung saan naging tampok ang pagiging makabago at masiglang pagpapakita ng bawat grupo.
Ang Aqualympics ay taunang kaganapan na layuning itaguyod ang kalusugan, sportsmanship, at camaraderie sa hanay ng mga estudyante ng BPSU. Sa pagtatapos ng kompetisyon, iniwan ng BSED Social Studies 2-B ang isang inspirasyonโna sa bawat pag-indak at bawat patak ng tubig, tagumpay ang nakukuha ng pusong sabay-sabay tumitibok para sa isang layunin.
๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐ฆ๐๐ฌ!
๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ โ ๐ง๐๐ ๐๐๐ฆ๐ง ๐๐ ๐ข๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ง! ๐ฅ๐ฅ