24/08/2025
Ating ipagdiwang ang sining at kulturang Filipino sa SANLAHI 2025!
Sa Agosto 29–30, 2025, magkita-kita tayo sa Our Lady of Mt. Carmel College, Baliwag, Bulacan para sa SANLAHI Filipino Arts Festival 2025—dalawang araw ng pagkamalikhain, pamanang kultural, at pagkakaisa ng komunidad.
Handog ng Our Lady of Mt. Carmel College at Lourdes College of Bulacan bilang bahagi ng Buwan ng Wika 2025, tampok sa SANLAHI ang sari-saring pagtatanghal, mga paligsahang pangkultura, exhibit, workshop, tradisyunal na laro, pista ng pagkain and kalakalan, at isang espesyal na konsiyerto na tunay na Pilipino ang dating.
Bukas ito para sa lahat—estudyante, g**o, magulang, at buong komunidad. Kaya’y isama na ang barkada at pamilya—sabay-sabay nating gawing makulay at masaya ang SANLAHI 2025!