02/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ (๐๐๐๐)
Ipinababatid sa lahat na narito ang opisyal na talaan ng mga nakatalagang kampus, room assignment, at oras ng pagsusulit para sa mga rehistradong aplikante ng ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฌ๐ญ (๐๐๐๐) para sa ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐ ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐โ๐๐๐๐, na gaganapin sa ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐จ, ๐๐๐๐.
Ang nasabing opisyal na talaan ay nakapaskil din sa mga bulletin board ng dalawang (2) kampus ng Dalubhasaan.
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐.
Para sa karagdagang impormasyon at paglilinaw, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Pagtanggap ng mga Mag-aaral, o makipag-ugnayan sa pamamagitan ng telepono o mensahe sa ๐๐๐๐-๐๐๐-๐๐๐๐, o magpadala ng mensahe sa page na ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐๐๐๐ข๐๐.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
1. Dumating nang hindi bababa sa tatlumpung (30) minuto bago ang itinakdang oras ng pagsusulit.
2. Dalhin ang mga kinakailangang kagamitan tulad ng itim na panulat (ballpen), lapis na Mongol #2, admission examination slip, at balidong kard ng pagkakakilanlan (ID).
3. Siguraduhing makapirma sa attendance sheet.
4. Magsuot ng puting t-shirt o polo shirt, disenteng kasuotan sa ibaba, at saradong sapatos sa araw ng pagsusulit.
5. Isagawa ang mga personal na pangangailangan bago magsimula ang pagsusulit.
6. Agad na lisanin ang silid-aralan matapos sagutan ang test paper.
7. Iwasan ang pagtanggap o pagkuha ng anumang bagay, kabilang ang pagkain, mula sa sinuman habang isinasagawa ang pagsusulit.
8. Iwasan ang pag-iikot, pakikipag-usap, o pagtalakay ng mga sagot sa loob ng silid o sa pasilyo.
9. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pandaraya tulad ng panunuhol, pangongopya, paggamit ng kodigo, at pagdadala ng electronic devices.
10. Panatilihin ang kaayusan at disiplina sa lahat ng oras.
Dahil sa inaasahang mainit na panahon, pinapayuhan ang lahat na magdala ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration. Maaari ring magdala ng mini fan o pamaypay upang makatulong sa pagpapanatili ng kaginhawaan habang isinasagawa ang pagsusulit.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.