22/02/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก| ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฎ: ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐ต๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ผ
Sabi nila, libre ang mangarap. Ngunit para sa isang panganay na ang tanging baon sa bulsa ay kinse (15) pesos lamang, ang pangarap ay isang bagay na napakaimposibleng makamit kaagad bagkus ito ay isang misyon.
Sa likod ng titulong โEngineerโ na nakakabit na ngayon sa kanyang pangalan, ay ang kwento ng isang lalaking minsang nangarap sa gitna ng gutom, pagod, at tila walang hanggang hamon ng buhay lalo na sa aspetong pinansyal.
Bilang panganay sa walong magkakapatid, namulat na si Charold Alota Noynay, dating mag-aaral sa NVSU-Bambang Campus at ngayoโy isa nang lisensyadong inhinyero, sa hirap at realidad ng buhay sa musmos niyang edad. Nakatatak na sa kaniyang pusoโt isipan ang panahong pinagkakasya nila ang dalawang 'Homi' noodles sa sampung miyembro ng pamilya.
โHindi muna mahanap ang pancit noodles sa dami ng tubig na sabaw, ngunit ang mahalaga ay makapagtapos,โ aniya.
Dahil sa kakapusan sa perang pangtustos sa kaniyang pag-aaral, ang landas ng pag-abot sa kaniyang pangarap ay hindi naging madali at magaan. Minsan na siyang tumigil sa pag-aaral ng Marine Engineering dahil kahit pambili ng uniporme ay wala. Sa lungsod ng Cebu, siyaโy nakipagsapalaran ฬถ nagtrabaho siya sa Mang Inasal Consolacion. Tiniis niya ang hirap ng mag-isa. Naging saksi rin siya sa bawat butil ng pawis ng kaniyang ina sa paglalako ng isda at ng kaniyang ama sa pagsisid sa dagat sa kabila ng masamang panahon at kakulangan ng tulog.
Napagtanto niya ang sarap ng pag-aaral kung kayaโt ummuwi siya sa kanilang probinsya upang kumuha ng kursong Bachelor of General Education. Hindi naging hadlang sa kaniya ang kawalan ng sapat na pamasahe. Tinatakbo niya minsan ang papuntang CNU Medellin dahil ang kinse hanggang bente piso ay hindi kailanman sasapat na baon niya sa isang araw. Mula sa pagtitinda ng Hopia, paggawa ng proyekto ng kaklase niya, hanggang sa pagkakarpintero tuwing weekends at mag-part time sa isang fast-food restaurant, lahat ay pinasok niya sa kagustuhan niyang matustusan ang kaniyang pag-aaral.
Ngunit tila mas may malaking plano ang Panginoon para sa kaniya. Sa pamamagitan ng mga taong naging instrumento ฬถ ang pamilyang Esnara at iba pang mga taong tumulong at itinuring siya bilang isang anak, ay nakarating siya rito sa Nueva Vizcaya. Dito, bagamat nag-shift siya mula sa ikatlong taon sa kolehiyo ng pagtuturo sa unang taon sa engineering, bitbit ang lakas ng pagtitiwala niya sa Panginoon ay hindi siya nagpadaig sa mga hamon ng buhay.
Naging labandero ng kaniyang mga boardmate, working student sa Deanโs Office, tagalinis ng bakuran ng mga magulang ng kaniyang mga kamag-aral at pati catering na rin ay walang pagdadalawang-isip niyang pinasok -- bastaโt marangal na paraan para sa kaniyang pag-aaral.
Ang bawat hirap na kaniyang napagdaanan ay may katumbas na tagumpay at pagpapala. Sa tulong ng Prime Review Center at sa walang sawang suporta ng kaniyang pamilya, kaibigan, at mga pastor, ang batang minsang walang pambili ng uniporme at nagtitiis sa kinse piso lamang na baon ay isa na ngayong ganap na engineer.
โDi man naging madali ang laban na yun, ang mahalaga sa lahat ng bagay na napagdaanan mo ipagkaloob niyo po ito lagi sa ating Poong may dakilang pagmamahal sa atin,โ aniya.
Ngayong nakamit na niya ang rurok ng kaniyang pangarap, hindi nakalimot si Noynay na lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Ang kaniyang tagumpay ay handog niya sa kaniyang โfirst loveโ ฬถ ang kaniyang mga magulang at sa kaniyang pitong kapatid na hinahangad niyang mabigyan ng magandang kinabukasan. Labis din ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng taong ginamit Niya para tulungan siya sa kaniyang kabuuang paglalakbay sa pag-abot sa kaniyang pangarap.
โHuwag po tayong sumuko sa hamon ng buhay kung sa tingin natin ay mahirap at imposible, lagi nating isipin saan at para kanino tayo lumalaban,โ pahayag niya lalo na para sa mga mag-aaral na humaharap ngayon sa ibaโt ibang hamon sa kanilang pag-aaral. โHigit sa lahat, magtiwala tayo sa plano ng Panginoon, ito ay proven at tested ko na that, Godโs plan is not for better than our dreams but for the best,โ saad pa niya.
Mula sa malabnaw na sabaw ng noodles tungo sa matibay na pundasyon ng engineering, napatunayan ni Engr. Noynay na ang pinakamahirap na pagsubok ay paghahanda lamang para sa isang pinakamatamis na katagang, โEngineer na po tayo!โ
Isinulat ni Sabel Melio
Layout ni Gabriel Penetrante