04/09/2026
๐๐๐ฅ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐๐ฆ ๐ฆ๐ฃ๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ก๐๐๐๐
๐ฃ๐บ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ ๐๐ฆ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ณ
Dumarating ang BER months na may hanging malamig,
may ulang humahalik sa bubong nang tahimik,
may bagyong kumakatok sa gabing madilim,
at mga tahanang naghihintay sa ilaw na napapatid.
Kapag nilalamon ng baha ang mga daan
at kinukuha ng unos ang kuryente,
isang munting apoy ang nananatiliโ
hindi sapat upang talunin ang dilim,
ngunit sapat upang may makitang daan pauwi.
Ang kandilaโy nagbibigay ng init
habang unti-unting inuubos ng apoy ang sarili.
Bawat patak ng natutunaw nitong katawan
ay piraso ng liwanag na ipinauubaya sa gabi.
At marahil, iyon ang pinakamalungkot na ganda nito:
๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ช๐๐ค๐จ
๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ช๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐ช๐ฃ๐ค๐ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ข.
Kaya sa bawat gabing umuulan,
sa bawat tahanang nilalamig,
sa bawat pusong pagod nang maghintayโ
maging kandila tayo.
Kung hindi man natin kayang paalisin ang bagyo,
maging munting init tayo.
Kung hindi man natin kayang sindihan ang buong mundo,
maging liwanag tayo para sa isang taong
naghihintay lamang na sumikat ang umaga.