01/02/2026
Matagumpay na naisagawa ngayon Pebrero 01, 2026, ang isang pagpupulong sa pangunguna ng ating Pangulo na si Nhadz Kiee at ng ating kagalang-galang na Konsehal Baben, ukol sa mga paghahandang gagawin para sa pag-uukol ng tulong sa ating kabarangay na si Helen Cayao Jesus na residente ng Purok 3, San Roque, lalo na sa pagbibigay ng oxygen tank na kanyang gagamitin araw-araw. Ang aming mga respetadong Tagapayo, Opisyal, at Miyembro ay nagpakita ng lubos na pagkakaisa at buong pagsang-ayon sa lahat ng mahahalagang bagay at desisyong tinalakay. Nhadz Kiee Helen Cayao Jesus