21/09/2026
๐ง๐๐ ๐ก๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ฅ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ช๐๐๐ง ๐๐๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ ๐ ๐จ๐ฆ๐ง ๐ก๐ข๐ง ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ง.
Nine years of military rule from 1972 to 1981. 11,103 recognized human rights victims. 70,000 arrested and detained. 3,257 verified deaths. 34,000 tortured.
Hindi natin maaaring ituring na simpleng bahagi ng nakaraan ang isang panahong nilapastangan ang karapatang pantao at ginamit ang kapangyarihan upang supilin ang mga tinig ng pagtutol. May mga Pilipinong ikinulong, tinorture, dinukot, pinatay, at pinatahimik dahil tumindig sila laban sa pang-aabuso. May mga pamilyang hanggang ngayon ay pasan ang bigat ng pagkawala at kawalan ng hustisya.
Hindi sapat ang sabihing lumipas na ang lahat. Ang panahon ay maaaring lumipas, ngunit hindi nito binubura ang pananagutan. Hindi rin natin maaaring payagang ang kasaysayan ay rebisahin upang pagtakpan ang mga krimen at gawing katanggap-tanggap ang pang-aabuso sa kapangyarihan.
Ang paggunita ay hindi pagsamba sa nakaraan. Ito ay pagtutol sa pagtatangkang burahin ito.
Sa pagtatangkang patahimikin ang katotohanan, tungkulin nating magsalita. Sa pagbaluktot ng kasaysayan, tungkulin nating manindigan. Higit sa lahat, tungkulin nating tumutol kapag nalalagay sa panganib ang kalayaan at karapatang pantao.
Hindi dapat manahimik upang maging maginhawa ang kasinungalingan. Hindi dapat manaig ang paglimot kaysa katotohanan. Patuloy na ipaglaban ang katotohanan, katarungan, at kalayaan, hindi lamang para sa mga biktima ng nakaraan, kundi para sa bawat Pilipinong nabubuhay sa kasalukuyan.
May we continue to seek truth, remember the victims, and protect the freedoms that were once taken away.
๐ง๐ต๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐๐ ๐ถ๐ ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ. ๐ง๐ต๐ฒ ๐น๐ฒ๐๐๐ผ๐ป๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐๐ฟ๐ฒ. ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฟ๐๐๐ต ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐.
๐ช๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ป๐๐ผ๐๐๐น๐ ๐ฟ๐ฒ๐ณ๐๐๐ฒ ๐๐ผ ๐ณ๐ผ๐ฟ๐ด๐ฒ๐.
๐ป | JJ Tayaba & Ralp Morriz Paulmitan
๐ | Press Relations Officer