UB Indayog Kultura Dance Company

UB Indayog Kultura Dance Company Official Folk Dance Group of University of Batangas

Indayog Kultura, buong pusong ipinagmamalaki ang pagtatanghal ng “Mabuhay Ka, Pilipino” sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng...
26/02/2026

Indayog Kultura, buong pusong ipinagmamalaki ang pagtatanghal ng “Mabuhay Ka, Pilipino” sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng EDSA Revolution 🇵🇭✨

Sa bawat indak at galaw, buhay ang diwa ng pagkakaisa, tapang, at pagmamahal sa bayan.

Patuloy nating alalahanin ang kasaysayan at panindigan ang kalayaan na ipinaglaban ng ating mga bayani. Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ❤️

📸: The Westernian Advocate

Lubos po kaming nagpapasalamat sa tiwala at oportunidad na ibinigay sa Indayog Kultura upang maging bahagi na makapagtan...
14/02/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa tiwala at oportunidad na ibinigay sa Indayog Kultura upang maging bahagi na makapagtanghal sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng University of Batangas.

Isang malaking karangalan para sa amin na maipakita ang aming talento at pagmamahal sa sining sa napakahalagang okasyong ito. Ang tiwalang ibinigay ninyo ay inspirasyon para mas pagbutihin pa namin ang bawat galaw at bawat pagtatanghal.

Maraming salamat sa oportunidad na maging kabahagi ng makasaysayang selebrasyon na ito. Patuloy po kaming maglilingkod at magbibigay-pugay sa kultura at sining para sa ating pamantasan. 💛♥️

Happy Birthday sa nakababata naming kapatid sa sayaw! 💙Nakakatuwa makita kung paano ka mag-grow, mula sa simpleng pagsun...
12/02/2026

Happy Birthday sa nakababata naming kapatid sa sayaw! 💙

Nakakatuwa makita kung paano ka mag-grow, mula sa simpleng pagsunod sa steps hanggang sa pagbigay ng buong puso mo sa sayaw. Hindi lang talent ang pinapakita mo, kundi magandang ugali at tunay na passion. Bilang mga ate at kuya mo sa grupo, proud kami sa’yo at sa potential na nakikita namin sa’yo. Huwag kang matakot mangarap nang mas malaki—nandito lang kami para gumabay at sumuporta sa bawat hakbang mo.

Keep shining, Leb. The stage is yours, and we’ll always be cheering for you. 🥳

Maligayang kaarawan, Rovic! 🥳Salamat sa sipag at dedikasyon na dala mo sa bawat practice at pagtatanghal. Bilang junior ...
08/02/2026

Maligayang kaarawan, Rovic! 🥳

Salamat sa sipag at dedikasyon na dala mo sa bawat practice at pagtatanghal. Bilang junior at ka-dance namin sa grupo, inspirasyon ka sa pagpapakita ng disiplina at pagmamahal sa kultura. Nawa’y maging masaya, makulay, at puno ng tagumpay ang bagong yugto ng buhay mo— sa sayaw at sa lahat ng pangarap mo. Tuloy lang sa pag-indayog at pagningning sa entablado!

Maligayang kaarawan sa isang bagong bituin ng sining at kultura, Eron!Sa pagsisimula mo ng iyong paglalakbay bilang isan...
31/01/2026

Maligayang kaarawan sa isang bagong bituin ng sining at kultura, Eron!

Sa pagsisimula mo ng iyong paglalakbay bilang isang mananayaw, nawa'y patuloy mong yakapin ang kagandahan ng sining at ipagmalaki ang yaman ng ating kultura. Huwag kang matakot sumayaw ayon sa tibok ng iyong puso, sapagkat ang bawat hakbang mo ay isang bagong kwentong isinasayaw para sa mundo. Ipagdiwang mo ang iyong espesyal na araw nang may sigla at inspirasyon, ito ay simula pa lamang ng isang makulay at masining na paglalakbay.

Maligayang kaarawan sa aming makulit at masipag na miyembro, Matt! Nais naming iparating sa iyo ang aming taos-pusong pa...
18/01/2026

Maligayang kaarawan sa aming makulit at masipag na miyembro, Matt!

Nais naming iparating sa iyo ang aming taos-pusong pagbati sa espesyal na araw na ito. Patuloy sana mong panatilihin ang iyong magandang ugali at laging tandaan na ikaw ay isang napakahusay na mananayaw at lubos na mahalaga sa bawat isa sa amin.

Nawa’y patuloy mong pahalagahan ang sining ng pagsasayaw na iyong ginagalawan, at magpatuloy kang magsilbing ilaw sa entablado bilang isang mananayaw na may malalim na pagmamahal at dedikasyon sa kanyang gawain. Palagi mong tatandaan na ang Indayog ay hindi lamang isang grupo kundi isang pamilya – nandito kami para gabayan ka sa iyong mga landas at ibigay ang buong aming suporta sa lahat ng iyong mga layunin.

Patuloy kang magningning at sumayaw ng may pag-ibig at pagiging masigasig, Matt! 💙✨

Ang University of Batangas Indayog Kultura ay lumahok sa pagdiriwang ng pananampalataya para sa Santo Niño ng Batangan n...
09/01/2026

Ang University of Batangas Indayog Kultura ay lumahok sa pagdiriwang ng pananampalataya para sa Santo Niño ng Batangan noong Enero 7, 2025, at buong puso nitong sumama sa prusisyon bilang isang panata. Ginanap ang mahalagang pagdiriwang sa Calumpang Bridge bilang bahagi ng taunang Alay sa Santo Niño, na nagpapakita ng debosyon, kultura, at pagkakaisa.

Maligayang kaarawan sa isang bagong bituin ng sining at kultura, Bb. Raini!Sa pagsisimula mo ng iyong paglalakbay bilang...
05/01/2026

Maligayang kaarawan sa isang bagong bituin ng sining at kultura, Bb. Raini!

Sa pagsisimula mo ng iyong paglalakbay bilang isang mananayaw, nawa'y patuloy mong yakapin ang kagandahan ng sining at ipagmalaki ang yaman ng ating kultura.

Huwag kang matakot sumayaw ayon sa tibok ng iyong puso, sapagkat ang bawat hakbang mo ay isang bagong kwentong isinasayaw para sa mundo.

Maligayang Kaawaran, Raini!💖

UBIK 2025 Bingo!  Ilan sa mga epic fails na 'to ang naranasan mo na rin? Aminin na, lahat tayo dumaan na diyan!Huwag mo ...
31/12/2025

UBIK 2025 Bingo! Ilan sa mga epic fails na 'to ang naranasan mo na rin? Aminin na, lahat tayo dumaan na diyan!

Huwag mo rin kalimutan i-mention ang iyong mga ka-dancer para malaman natin kung nagawa na din nila ang mga ito. Maaari mo ring ilagay sa comment section ang iyong bingo card!

Manigong Bagong Taon, mga ka-Indak!

Maligayang Pasko sa lahat! Sa panahong ito ng pagbibigayan at pagmamahalan, nawa’y pagpalain tayong lahat ng mabuting ka...
25/12/2025

Maligayang Pasko sa lahat! Sa panahong ito ng pagbibigayan at pagmamahalan, nawa’y pagpalain tayong lahat ng mabuting kalusugan at payapang isipan. Sana ay mas maintindihan natin ang tunay na diwa ng Pasko—hindi lamang ito tungkol sa mga regalong nakabalot sa magagandang pabalat, kundi sa mga regalong hindi nakikita ngunit tunay na mahalaga. Nawa’y makatanggap tayo ng mga biyayang puno ng pagmamahal, taos-pusong kaligayahan, pag-asa, at tagumpay sa buhay. Higit sa lahat, nawa’y maibahagi rin natin ang mga regalong ito sa iba. ✨

Maligayang Kaarawan sa pinakamasipag at pinakamamahal naming president, Kuya Jai! 🕺🏻Hiling namin ang mas matibay na laka...
22/12/2025

Maligayang Kaarawan sa pinakamasipag at pinakamamahal naming president, Kuya Jai! 🕺🏻

Hiling namin ang mas matibay na lakas ng loob, mas maraming pagkakataong maipamalas ang galing, at mas marami pang tagumpay sa landas ng sining at buhay. Maraming salamat sa pagiging isang inspirasyon sa bawat ensayo, bawat pawis, at bawat hakbang sa entablado na puno ng disiplina at pagmamahal sa kulturang Pilipino. Nawa’y mas marami pang pagkakataon na maipakita ang kagandahan ng ating kultura at mas marami ka pang kabataang mahikayat na mahalin ang sining at kultura.

Mahal ka namin, lagi’t lagi! ❤️

Keep safe, everyone! We’ll dance with you soon. 🌧️💃
09/11/2025

Keep safe, everyone! We’ll dance with you soon. 🌧️💃

Address

Hilltop Road
Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UB Indayog Kultura Dance Company posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share