01/06/2026
✂️ MATAGUMPAY NA LIBRENG GUPITAN 2026 ✂️
Matagumpay na naisagawa ang Libreng Gupitan ng Tau Gamma Phi Sorosoro Ibaba Chapter para sa 65 estudyante ng TISISI at 100 estudyante ng Brgy. Sorosoro Ibaba! 💈
Sa pangunguna nina GT Christopher Ardid at Hon. Sherwin Bagon, kasama ang buong suporta ni Brgy. Captain Hon. Jerry Bagsit, muli nating naipakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at paglilingkod sa komunidad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Jobert Barber Shop sa pakikiisa at suporta upang maging matagumpay ang programang ito para sa ating mga kabataan at mag-aaral.
Ipinapakita rin ng Tau Gamma Phi Sorosoro Ibaba Chapter ang buong suporta nito sa mga programang pang-barangay at mga gawaing makakatulong sa kabataan, estudyante, at mamamayan ng Sorosoro Ibaba.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong. Tuloy-tuloy lang ang pagtulong at pagseserbisyo para sa komunidad. ❤️🖤