14/09/2026
Sa panahon ng pagsubok, tunay na nasusukat ang lakas ng pagkakaisa, malasakit, at kapatiran.
Sa pangunguna ng Bay Municipal Triskelion Council at Bay Municipal Sigma Council, nais naming ipaabot ang munting tulong sa ating mga minamahal na Brods at Sisses na naapektuhan ng nagdaang bagyo. Sa pamamagitan ng relief operation na ito, nais nating iparamdam na sa panahon ng pangangailangan, walang Brod o Sis na nag-iisa.
Taos-puso ang aming pasasalamat kina Cong. Jose βBongβ Joson Teves Jr ng TGP Partylist, Sir Iso ng TGP Partylist, Gov. Gen. Ruslan, Board Member Neptali Bagnes, Board Member Tutti Caringal, at Chairman Edz Pelegrina ng Los BaΓ±os Triskelion Council sa kanilang walang sawang suporta, tulong, at malasakit upang maisakatuparan ang relief operation na ito.
Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at sa patuloy na pagtulong sa ating mga Brods at Sisses na nangangailangan. Ang inyong suporta ay malaking bagay sa ating pagkakaisa at pagtutulungan.
Maraming Salamat rin po sa suporta ng mga nasa loob ng konseho ng Bae. Chairman Andrew Licardo, FCM Ryan Sulit, Mga Adviser ng Dila Chapter, at kay Acting Kap. Rebong.
Salute!