28/09/2026
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ | ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐น๐ฎ๐
๐๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ๐ญ๐ข ๐. ๐๐ถ๐ฎ๐ฐ๐ค๐ฎ๐ข๐ต
Sa dulong pahina nitong ika-siyam na buwan
Isang aktibidad ang inilunsad at inumpisahan
na siyang tunay na naging makabuluhan
Nag-iwan ng markang โdi mabubura kailanman
Kaganapang nagpaliyab sa sulo
ng bawat lider-estudyante tulad ng isang pangulo
Naging daan sa panibagong bulo
Leadership Summit 2026, kanyang titulo
Idinaos sa loob ng tatlong araw
kung saan bawat miyembroโy natutong gumalaw
Manindigan at buong pusong isigaw
Kabutihan ng mga organisasyon ay natatanaw
Isip ay nabusog ng kaalaman
Pusoโy naging totoo at nahanap ay kapayapaan
Katauhan ay natutong makipagkaibigan
Sariliโy napabuti, handa ng magsilbi sa bayan
Puting kamiseta, kadalasang kasuotan
Ngunit ito ay may malalim na kahulugan
Lider-estudyante na may kadalisayan
Sa paglilingkod sa kapwa niya Kabataan
Bulwagang pampalakasan
Napuno ng tawanan at hiyawan
ngunit kanya ring nasaksihan
Ang pagpapakatotoo na tayo ay may kahinaan
Mga miyembro, โdi lamang natuto ng leksiyon
Bagkus nagkaroon din ng realisasyon
Nakapulot ng panibagong motibasyon
Handang gawing matibay na pundasyon
Taong hahangaan, โcrushโ, maaari ring natagpuan
Nagpaalon sa dibdib, dahil sa kabang nararamdaman
โDi batid, paano siya kakausapin o lalapitan
Kakatwa, sa dulo, nagkaroon pa rin ng larawan
Seremonyaโy tunay na natuldukan
ngunit hindi ito ang hangganan
Isang misyon kailangang simulan
ng bawat lider-estudyante nitong pamantasan
Ako, ikaw, tayo ay may sariling kulay
Kahit minsan, โdi makita, halagaโy walang makakapantay
Bilang lider-estudyante, lahat ating kilalaning tunay
At isapuso, kahulugan ng kulay na kanilang taglay
Sa pamumuno, kaakibat ang mga problemaโt unos
Tulad ng gunting at teyp na unti-unting naubos
Sa pagbuo ng toreng tila baโy mga kumupas
Ngunit sa huli, napatayo at nagawang wakas
Kandilang may lasong berde at dilaw
Sa ating buhay siyaโy may napukaw
Mula sa ningas na nagliyab at sumilaw
Halika tayo naโt magsilbing ilaw
Sa dulo isang bisyon ang natanaw
Kandilang nauupos ngunit nakakasilaw
Tunay na ako at ikaw
Kaibigan, tayo ang munting tanglaw