12/08/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฌ! ๐ฑ
Ngayong International Youth Day, ipinagdiriwang natin ang kabataan hindi lamang bilang mga susunod na lider, kundi bilang mga kabataang may kakayahang makilahok, magsalita, kumilos, at gumawa ng pagbabago ngayon.
Bilang mga Social Work students, naniniwala kami na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagsusulong ng isang mas makatarungan, inklusibo, at makataong lipunan. Ang bawat boses na pinakikinggan, karanasang inuunawa, at isyung ipinaglalaban ay maaaring maging simula ng makabuluhang pagbabago.
Ang pagiging kabataan ay hindi hadlang upang magkaroon ng ambag sa komunidad. Sa bawat volunteer work, pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad, pagbabahagi ng tamang impormasyon, at pag-unawa sa kalagayan ng ating kapwa, naisasabuhay natin ang diwa ng service, empathy, empowerment, at social justice.
Bilang mga future social workers, responsibilidad nating matutong makinig nang walang panghuhusga, umunawa sa karanasan ng bawat isa, at maging katuwang ng mga indibidwal, pamilya, at komunidad sa pagharap sa kanilang mga hamon.
Hindi lamang natin hinihintay ang pagbabago nakikilahok tayo sa pagbuo nito.
๐ฌ๐ผ๐๐ฟ ๐ฒ๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ต๐ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐. ๐ฌ๐ผ๐๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐. ๐ฌ๐ผ๐๐ฟ ๐๐ผ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ท๐๐๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐บ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ๐.
Ngayong , gamitin natin ang ating boses, kaalaman, at kakayahan upang maging bahagi ng isang komunidad at lipunang mas inclusive, compassionate, responsible, at makatarungan para sa lahat.
Bilang Social Work students, kabataan tayo na natututong makinig, makilahok, maglingkod, at maging bahagi ng pagbabago. ๐ค