17/08/2026
𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗪𝗔𝗚𝗜! 🏆🇵🇭
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, tampok ang tema na “Wika at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” naging makulay at makabuluhan ang mga isinagawang patimpalak noong Agosto 12 at 13, 2026. Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento, pagkamalikhain, kaalaman, at pagmamahal sa kulturang Pilipino at Wika sa iba’t ibang larangan tulad ng Debate, Katutubong Kasuotan, Poster at Slogan Making, OPM, at Lutong Pinoy.
Mula sa matatalas na argumento sa Debate, malikhaing obra ng Poster at Slogan, makukulay at makabuluhan na Katutubong Kasuotan, husay sa pag-awit ng Orihinal na Pilipinong Musika, hanggang sa mga Pagkain at Lutong Pinoy. Bawat kalahok ay nagbigay ng kanilang buong husay at dedikasyon. Tunay na naging daan ang mga gawaing ito upang higit na maipakita ang yaman ng ating wika, kultura, talento, at ang pagka-Pilipino.
𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗔𝗧𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 sa lahat ng nagwagi! 🏆👏 Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at malikhaing puso. Saludo rin sa lahat ng lumahok at nagbigay ng kanilang pinakamahusay dahil sa bawat pagtatanghal at ambag, mas lalo nating pinayayabong ang pagmamahal sa ating sariling wika at kultura. 🇵🇭🛖✨
Sa Agosto 19, 2026 (Miyerkules) makukuha ang inyong parangal