14/11/2020
Sharing this post from the URSB Alumni Association, feel free to share COB students:
Mga ka-alumni:
Ibayong pagsubok na po ang ating hinarap at patuloy na hinaharap ngayong 2020. Nariyan ang pagsabog ng bulkang Taal, ang pandaigdigang COVID-19 pandemic at ang sunud-sunod na bagyong pilit tayong iginugupo.
Ngunit tayo'y nananatiling matatag at patuloy na nagpupunyagi hanggang sa ngayon, sa biyaya ng ating Poong Maykapal. Subalit marami sa ating mga kababayan, lalo na ang ating mga mag-aaral sa URS Binangonan, ang lugmok na sa kahirapan na lalo pang pinalala ng sunud-sunod na unos ngayong mga nakaraang linggo.
Kaya naman kami po sa URSB Alumni Association ay muling kumakatok sa inyong puso upang humingi ng kaunting tulong pinansyal na maari nating maibigay sa ating mga kamag-aaral sa URS Binangonan. Ano man pong halaga, pag pinagsama sama, malaking tulong na po ito sa ating kapwa. Ito po ay proyekto sa pangunguna ng Office of the Campus Director, Office of the Student Development Services at Office of Public and Alumni Affairs.
Mangyari pong ipadala ang anumang tulong sa mga sumusunod na accounts:
BDO - 003000428806
BPI - 1919111271
GCASH - 09174732456
ACCOUNT NAME: Michael Angelo C. Madarang
Paki-"screenshot" po ang inyong transaksyon, sabihin ang inyong PANGALAN, COURSE at BATCH (Ex. Juan Dela Cruz, BSBA Marketing, 2010) at ipadala sa ating Alumni page para po sa tamang pagtatala at nararapat na pagkilala. Ano man pong tulong ang inyong maibabahagi, maluwag po namin itong tatanggapin para sa ating mga kapwa-URSBiano.
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta.
Ang aking pagsaludo sa inyong kabutihang loob,
JEFFREY M. AZOR
President, URSB Alumni Association
Kasama ang lahat ng opisyal ng URSBAA