30/04/2022
| Noong Abril 30, 1937, may 447,725 na Filipina ang bumoto upang palawigin ang karapatan sa pagboto ng mga kababaihang Pilipino. Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 2346 noong 1984, idineklara ang Abril 30 ng bawat taon bilang Araw ng Pagboto ng Babae upang gunitain ang makasaysayang kaganapang ito para sa mga kababaihan ng Pilipinas.
Sa paggunita natin ng ika-85 anibersaryo ng Women's Suffrage sa Pilipinas, at sa nalalapit na 2022 National Election, ang Philippine Commission on Women ay patuloy na hinihikayat ang bawat Juans at Juanas na maghalal ng mga pinunong kwalipikado, may kakayahan, at nagtataglay ng katangiang nagpapahalaga at gumagalang sa mga karapatan ng lahat ng tao, lalo na ng mga kababaihan.