20/04/2026
Matagumpay na Bread and Pastry NC II Assessment Isinagawa sa BSU-Bokod Campus
Naging matagumpay ang isinagawang National Certificate II Assessment sa BSU-Bokod noong Ika-18 ng Marso Hanggang Ika- 16 ng Abril taong 2026 na dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula sa iba't ibang kurso ng BSU-Bokod Campus at ilang miyembro ng Women's Association Ng Bokod.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng mga miyembro ng Kalipunan ng mga kababaihan ng Bokod sa pakikipag-ugnayan ng MSWD-Bokod kasama ang BSU-Bokod Campus at PTC Benguet Tesda sa pangunguna ni Ma'am Jeribel Lamian, ang tagapagdaloy ng programa, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sertipikasyon sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa trabaho. Layunin ng NC II Assessment na masukat ang kakayahan ng mga kalahok batay sa pamantayan ng industriya.
Ilan sa mga kalahok ay apat na mag-aaral mula sa BTVTEd na hinubog ng batikang g**o na si Ma'am Williana Bato,tatlo mula sa BIT sa pagsasanay ni Ma'am Geraldine Claudio at labing-walong kababaihan mula sa iba't ibang organisasyon Ng Bokod, na sumailalim sa pagtatayang institutional at praktikal na pagsusulit. Ayon sa tagapagsanay na si Ma'am Caroline P. Dimaano, malaking tulong ang pagtataya upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kumpiyansa sa kanilang napiling larangan
Samantala, isinagawa ang pagsusuri sa ilalim ng pamumuno ng accredited evaluator na si Ma'am Gwendolyn Selling,na tiniyak ng maayos at patas na proseso ng pagtataya.
Sa kabuuan, ang mga kalahok ay nakakuha ng Isang daang porsiyentong pasado sa naturang pagtataya. Inaasahang makatutulong ang NC II certification sa pagtaas ng oportunidad sa trabaho ng mga kalahok at sa patuloy na pagpapaunlad ng kanilang kasanayan.
📸 ma'am Geraldine