Msu-Tcto Sentro ng Wika at Kultura

Msu-Tcto Sentro ng Wika at Kultura Isang page na nakatuon sa pagsusulong ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika sa Pilipinas.

โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐—ž๐—ฎ๐—ปโ€ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป: ๐— ๐—ฆ๐—จ ๐—ง๐—–๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—ช๐—ž, ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ช๐—™, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒNoong ...
02/05/2026

โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐—ž๐—ฎ๐—ปโ€ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป: ๐— ๐—ฆ๐—จ ๐—ง๐—–๐—ง๐—ข ๐—ฆ๐—ช๐—ž, ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ช๐—™, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Noong Abril 29, 2026, matagumpay na isinagawa ng MSU Sentro ng Wika at Kultura (SWK), sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang Tertulyang Pampanitikan 2026 sa Marine Science Museum bilang pakikiisa sa Pambansang Buwan ng Panitikan.

Ang pambansang tema ng pagdiriwang ay โ€œBekรซt Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan,โ€ at bilang tugon dito ay inilunsad ng MSU TCTO SWK ang programang may pamagat na โ€œPaKan (Panitikan at Kalikasan): Palihan sa Malikhaing Pagsulat Para sa Kamalayang Pangkalikasan.โ€ Ang salitang โ€œpakanโ€ ay mula sa wikang Sinama na nangangahulugang โ€œmagpakain.โ€ Sa konteksto ng programa, ipinahihiwatig nito ang layuning magbusog sa diwa at kamalayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng panitikan, isang anyo ng โ€œnutrisyonโ€ na hindi lamang para sa isip, kundi para rin sa pagpapalalim ng malasakit sa kalikasan.

Bilang tagapanayam, tinalakay ni Kaw. Prop. Sitti-Rasham S. Alang, Miyembro ng Fakultad ng Departamento ng Edukasyong Pangwika, ang malikhaing pagsulat ng tula, habang inilahad naman ni Kaw. Prop. Glenda O. Abdul, PhD, Tagapangulo ng Departamento ng Araling Pampanitikan at Kultuural, ang ecocriticism bilang lente sa ugnayan ng panitikan at kalikasan. Sa palihan, nakalikha ang mga BSEd-Filipino na mag-aaral ng mga tulang pangkat at indibidwal na sanaysay na tumugon sa temang pangkalikasan. Sa kabuuan, napalalim ng gawain ang pagtingin sa panitikan bilang tinig ng katwiran at daluyan ng kamalayang pangkalikasan.

Lubos na pinasasalamatan ng MSU TCTO SWK ang KWF, na pinangungunahan ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan. Taos-pusong pasasalamat din sa aming butihing Tsanselor, Prop. Mary Joyce Z. Guinto-Sali, PhD sa walang sawang pagsuporta sa mga programang pangwika at pampanitikan. Gayundin, ipinapaabot ang aming pasasalamat kay Direktor Rasul M. Sabal sa pagpapahiram ng venue na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng tertulya.






๐—ง๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!Isang makabuluhang pagtitipon ang naghihintay para sa buong pamilya ng BSEd-Fili...
28/04/2026

๐—ง๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!

Isang makabuluhang pagtitipon ang naghihintay para sa buong pamilya ng BSEd-Filipino!

Inihahandog ng MSU TCTO Sentro ng Wika at Kultura, sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral ng BSEd-Filipino, mula sa Unang Taon hanggang Ikaapat na Taon, pati na ang lahat ng miyembro ng Filipino faculty ng ating pamantasan, na makibahagi sa kaganapang ito.

Sa temang "๐˜‰๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ฆฬˆ๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ: ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ธ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ," at sa paksang "๐˜—๐˜ข๐˜’๐˜ข๐˜ฏ (๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ): ๐˜—๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ,โ€ sabay-sabay nating tuklasin ang kapangyarihan ng panulat sa paghubog ng ating kamalayang pangkalikasan.

Ikinagagalak nating makasama ang ating mga kagalang-galang na tagapanayam:

๐—ž๐—”๐—ช. ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฃ. ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—ง๐—œ-๐—ฅ๐—”๐—ฆ๐—›๐—”๐—  ๐—ฆ. ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š
Kasapi ng Fakultad
Departamento ng Edukasyong Pangwika

๐—ž๐—”๐—ช. ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฃ. ๐—š๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐——๐—” ๐—ข. ๐—”๐—•๐——๐—จ๐—Ÿ, ๐—ฃ๐—ต๐——
Tagapangulo
Departamento ng Araling Pampanitikan at Kultural

๐Ÿ—“ Kailan? Abril 29, 2026
๐Ÿ•— Anong oras? 8:00 n.u. - 5:00 n.h.
๐Ÿ“ Saan? Marine Science Museum

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na matuto, makibahagi, at mag-ambag sa pag-aalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng panitikan. Magkita-kita tayo roon!





๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—กSa panahong higit na kailangan ang pagkakaisa at pagbibigkis para sa katwiran at pangangala...
01/04/2026

๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก

Sa panahong higit na kailangan ang pagkakaisa at pagbibigkis para sa katwiran at pangangalaga sa kalikasan, hindi baโ€™t panitikan ang isa sa pinakamakapangyarihang ugnayan na nagbubuklod sa bayan?

Nakikiisa ang MSU TCTO Sentro ng Wika at Kultura sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan ngayong Abril, kasama ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), at National Book Development Board โ€“ Philippines (NBDB), sa temang: ๐˜ฝ๐™š๐™ รซ๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ: ๐™‹๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ฌ๐™ž๐™ง๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ.

May gaganaping Tertulyang Pampanitikan ang Sentro sa loob ng buwan bilang espasyo ng pagninilay, pagbibigkis, at kritikal na talakayan. Abangan ang mga detalye!

Makiisa sa mga gawain at pagdiriwang. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://ncca.gov.ph/nlm-2026/

Address

Sanga-Sanga
Bongao
7500

Telephone

+639050695469

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Msu-Tcto Sentro ng Wika at Kultura posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share