31/08/2026
BUWAN NG WIKA 2026 |
PROGRAMA SA GABI |
IKALIMA NA BAHAGI
Isang gabing puno ng talento, kultura, at pagmamalaki sa pagiging Pilipino!
Noong Agosto 28, 2026, naging makulay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa PSU–Brooke’s Point Campus. Sinimulan ang programa sa isang masigla at maringal na Entrance Walk, kung saan buong kumpiyansang ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasuotan at personalidad.
Nasaksihan din ang iba't ibang pagtatanghal na tunay na nagbigay-buhay sa ating wika at kultura, mula sa Lakan at Lakambini, Spoken Poetry, Pag-awit, Sabayang Pagbigkas, hanggang sa masiglang Cultural Dance. 🎤🎶💃🕺
Bawat pagtatanghal ay hindi lamang pagpapakita ng talento, kundi isang pagpapahayag ng pagmamahal sa wikang Filipino, kulturang Pilipino, at pagkakaisa.
Sa gabing ito, muli nating pinatunayan na ang wika ay hindi lamang salita, ito ay tinig ng ating pagkakakilanlan, salamin ng ating kultura, at tulay tungo sa pagkakaisa.✨
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!