12/08/2026
Serbisyo at Malasakit sa Panahon ng Kalamidad 🫡
Handog ng Tau Gamma Phi – Bambang Community Based Chapter, pagbibigay ng tulong at malasakit sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo.
Namahagi tayo ng mainit na lugaw at itlog upang kahit sa simpleng paraan ay makatulong, makapagbigay ng lakas, at makapaghatid ng kaunting ginhawa sa ating mga kababayan.
📍 Bambang Elementary School
📍 Bulakan Evacuation Center
Sa panahon ng pagsubok, walang maliit na tulong kapag ito ay bukal sa puso. 🤝❤️
Tau Gamma Phi – Bambang Community Based Chapter
Maraming salamat sa mga brod, na nakasama at sumuporta sa gampaning ito. 🫡