22/08/2026
COMMUNITY KITCHEN | HOT MEALS FOR CALAMITY-AFFECTED COMMUNITIES
Ang Lokal na Konseho ng Kampus ng Meneses kabilang ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, Kolehiyo ng Pamamahalang Panghospitalidad at Panturismo, Kolehiyo ng Inhinyeriya, at Kolehiyo ng Isports, Ehersisyo, at Rekreasyon, sa pamamagitan ng Bayanihan Tayo Committee ay magsasagawa ng Community Kitchen Initiative upang makapaghatid ng mainit na pagkain at kaagapay na kalinga sa mga komunidad na nasalanta ng matinding pag-ulan at pagbaha.
Sa gitna ng kalamidad, muling umiigting ang diwa ng malasakit at bayanihan sa ating pamantasan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga konseho, organisasyon, at kabataan, nagkakaisa tayo sa layuning makapaghatid ng tulong, init, at pag-asa sa mga pamilyang lubos na naapektuhan.
Para sa monetary donations, maaaring magpadala sa:
GCash: 09693966069 – Louella J. D
BPI Bank: 4719466139 – Lanze D. S. F.
Para sa in-kind donations, mangyaring makipag-ugnayan sa aming mga opisyal na page:
• BulSU SG CSSP Local Student Council
• BulSU CHTM Local Student Council
• BulSU COE Local Student Council
• BulSU CSER Local Student Council
• Meneses Campus Local Student Council
Sa panahon ng unos, ang pagkakaisa at malasakit natin ang tunay na nagbibigay-init at pag-asa. Sa bawat ambag, sama-sama nating naihahatid ang tulong sa mga nangangailangan.
Para sa mga katanungan o karagdagang detalye, magpadala lamang ng mensahe sa mga nabanggit na opisyal na page o direkta kina BM Josh Ricardo, BM Lanze Suerte Felipe, BM Rhea, Gov Blue, at Gov John Vic.