31/03/2026
๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ถ๐น๐ฎ, ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ
Nakagagalit ang limitahan ka sa isang buwan lamang sa isang taonโna tila ba ang halaga ng kababaihaโy limitado sa tatlumpuโt isang araw ng pagkilala, at pagkatapos ay muling isinasantabi. Nakakagalit na ang lakas, ambag, at pakikibaka ng kababaihan ay ginagawang selebrasyon lamang, sa halip na isang paninindigang dapat isabuhay sa araw-araw.
Mariing tinututulan ng The Freethinker ang pagtrato sa ๐ธ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ฏ ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ธ๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต bilang isang pana-panahong kampanya. Hindi lamang ito tungkol sa kulay na lila. Hindi lamang ito buwan ng Marso. At lalong hindi ito nasusukat sa mga programang natatapos kasabay ng paglipas ng pahina ng kalendaryo. Sapagkat ang karapatan ng kababaihan ay hindi kailanman โ๐ด๐ฆ๐ข๐ด๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญโโito ay usapin ng katarungan.
Ang mga pagdiriwang at pagkilala tulad ng buwan ng Marso ay mahalagaโmga ilaw na nagbibigay-daan upang mas mailahad ang boses ng kababaihan at mas maipamalas ang kanilang ambag sa kasaysayan. Sa mga sandaling ito, ang kulay lila ay nagiging sagisag ng pagkakaisa, ng paggunita, at ng pag-asa. Ngunit ang tunay na saysay ng mga ito ay hindi natatapos sa pagwawagayway ng bandila o sa pagdaraos ng programa. Sa halip, ito ay nagiging binhiโisang paanyaya upang dalhin ang kamalayang ito sa pang-araw-araw na pagkilos, sa tahimik na pagpili, at sa maliliit na desisyong humuhubog sa ating lipunan.
Isang nakababahalang datos ang ibinunyag ng United Nations Development Programme noong 2023, ipinapakita ng Gender Social Norms Index na laganap ang bias laban sa kababaihan sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, kung saan 99.5% ng mga pilipinoโkabilang ang kababaihanโang naniniwalang mas angkop ang kalalakihan sa pamumuno.
Sa loob ng Kongreso ng Pilipinas, 27.3% lamang ng mga mambabatas ay kababaihan (Inter-Parliamentary Union, 2024). Sa larangan ng negosyo, mas mataas ang representasyon: 43% ng senior management roles ay hawak ng kababaihan, ngunit nananatiling mababa ang kanilang presensya sa pinakamataas na antas ng pamumuno tulad ng mga CEO at board chair positions (World Economic Forum, 2024).
Hindi lamang bias ang nagpapahirap sa kababaihan. Ayon sa Philippine Statistics Authority at Philippine National Police, tinatayang isa sa limang kababaihan ang nakaranas ng karahasan mula sa kanilang kapareha, at noong mga nakalipas na taon, libo-libong kaso ng karahasan laban sa kababaihan ang naitala sa bansa (Philippine Statistics Authority, n.d.; Philippine National Police, 2024). Ang mga bilang na ito ay patunay na ang pang-aabuso at karahasan laban sa kababaihan ay hindi lamang usapin ng indibidwal na karanasan, kundi isang malawak na suliranin ng lipunan.
Sa mga lansangan, araw-araw na nararanasan ng kababaihan ang pangmamaliit sa pamamagitan ng catcalling, wolf-whistling, at iba pang anyo ng street harassment. Bagamat ipinagbawal na ito sa ilalim ng Safe Spaces Act (Republic Act No. 11313, 2019), nananatiling laganap ang ganitong gawain. Ipinapakita nito na ang batas lamang ay hindi sapat kung hindi ito sinusundan ng pagbabago sa kultura at kamalayan ng lipunan.
Higit pang nakakabahala, ang kawalang-galang sa kababaihan ay hindi lamang matatagpuan sa lansangan o sa pribadong espasyoโito ay lantaran ding umiiral sa mismong bulwagan ng kapangyarihan. Sa loob ng Kongreso ng Pilipinas, ang mga ulat ng tuwirang pambabastosโmga seksistang biro, mapanghamak na pananalita, at pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihanโay patunay na ang problema ay sistemiko. Kung ang mga inaasahang tagapagtaguyod ng batas ang siyang lumalabag sa dignidad, paano pa aasahan ang pagbabago sa mas malawak na lipunan?
Ito ang malinaw na katotohanan: habang ipinagdiriwang ang kababaihan sa entablado, sila naman ay binabastos sa harap at likod ng publiko, lantaran at walang pagkukubli. Habang may mga plakard na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, may mga tinig na patuloy na ginagapos ito. Ang ganitong uri ng pagkukunwari ay hindi lamang nakakainsultoโito ay isang indikasyon ng patuloy na umiiral na sistemikong diskriminasyon.
Hindi sapat ang simbolismo. Hindi sapat ang selebrasyon. Ang kailangan ay konkretong pagbabagoโpantay na oportunidad sa trabaho, tunay na representasyon sa pamumuno, at isang kulturang hindi kinukunsinti ang anumang anyo ng diskriminasyon at pang-aabuso.
Ang empowerment ay hindi dekorasyon; ito ay isang patuloy na proseso ng pagbabago.
Kung kaya, hindi dapat manatiling paalala lamang ang buwan ng Marso. Ito ay dapat maging hamonโisang panawagan sa bawat institusyon at bawat indibidwal na wakasan ang kultura ng pangmamaliit at itaguyod ang isang lipunang may tunay na paggalang at pagkakapantay-pantay. Sapagkat hanggaโt ang kababaihan ay patuloy na nililimitahanโsa espasyo, sa oportunidad, at maging sa paggalangโwalang saysay ang anumang selebrasyon. At hanggaโt may kababaihang binabastos, kahit pa sa loob ng mga bulwagang inaasahang nagtatanggol sa kanilang karapatan, mananatiling hungkag ang bawat pagdiriwang ng kanilang lakas
Ang kababaihan ay hindi lamang para sa Marso, at ang kanilang halaga ay hindi kailanman dapat ikahon dito.