KASAMA BulSU - Bustos Campus

KASAMA BulSU - Bustos Campus Ito ang Katipunan Student Movement. Lahat KASAMA sa paglahok at paglaban, tungo sa paglaya;

๐—•๐˜‚๐—น๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™Ang pagtindig na ito ay bunga ng tiwala, paninindigan, at sama-samang pagkilos ...
26/03/2026

๐—•๐˜‚๐—น๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™

Ang pagtindig na ito ay bunga ng tiwala, paninindigan, at sama-samang pagkilos ng bawat naging KASAMA. Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naniwala, sumuporta, at nagbigay-lakas upang maipagpatuloy ang adhikaing hubugin ang isang mas proaktibong Konseho.

Ang tiwalang ipinagkaloob ninyo ang aming gabay sa bawat hakbang na tatahakin namin. Hindi ito mananatiling pangako lamang, kundi magiging pamantayan upang higitan pa ang aming mga sinimulan, paghusayan ang paglilingkod, at patuloy na patunayan na ang serbisyong estudyante ang tunay na inuuna.

At hanggaโ€™t may komunidad na handang magkaisa, mananatili tayong magkakasamang titindigโ€”dala ang iisang layunin: isang konsehong bukas at tunay na para sa estudyante.

๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด!


BulSUans, muli naming ipinakikilala ang ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” nating handang tumindig para sa kapakanan ng bawat mag-aaral sa Bustos Ca...
16/03/2026

BulSUans, muli naming ipinakikilala ang ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” nating handang tumindig para sa kapakanan ng bawat mag-aaral sa Bustos Campus. ๐ŸฉตโœŠ๐Ÿป

Sa bawat hamon na kinakaharap ng mga BulSUan, higit kailanman kailangan ang mga lider na may matibay na paninindiganโ€”mga lider na hindi uurong sa pagharap sa mga isyu, hindi mananahimik sa harap ng mali, at patuloy na titindig para sa kapwa estudyante.

๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€, !

๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—”๐—ง๐—ข๐—ฅ: Cassandra "๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—ฅ๐—”" Mamangon
๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฅ: Jenoy Mario "๐—๐—˜๐—ก๐—ข๐—ฌ" Silvio
๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฅ: Cyrel Rose "๐—–๐—ฌ" Salvania

๐—•๐—œ๐—ง ๐—•๐— : Mark Dale "๐——๐—”๐—Ÿ๐—˜" Valderama
๐—•๐—œ๐—ง ๐—•๐— : Nikki Chello "๐—ก๐—œ๐—ž๐—ž๐—œ" Delos Santos
๐—•๐—ฆ๐—•๐—” ๐—•๐— : Princess Mayumi "๐—ฌ๐—จ๐— ๐—œ" Bendaรฑa
๐—•๐—˜๐—˜๐—— ๐—•๐— : Micha Nerize "๐— ๐—œ๐—–๐—ฆ" Santos
๐—•๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—•๐— : Ronald Arriz "๐—ฅ๐—”" Gatchalian
๐—•๐—ฆ๐—œ๐—ง ๐—•๐— : Bench "๐—•๐—˜๐—ก๐—–๐—›" Ignacio
๐—•๐—ฆ๐—˜ ๐—•๐— : Rosei "๐—ฆ๐—˜๐—œ" Peรฑaloza

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ: Iesu Cruz
๐—•๐—ถ๐˜€๐—ฒ-๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ: Selwyn Almeida



15/03/2026

Bustos Campus, anoโ€”tara?

Tara para sa isang konsehong may tunay na pananagutan, may paninindigan, at handang kumilos para sa kapakanan ng bawat estudyante.
Panahon na upang sama-samang itaguyod ang pamumunong tapat, makatao, at para sa lahat.



๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป,  ! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™Bustos Campus, napakaraming hamon, hinaing, at pangarap n...
15/03/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™

Bustos Campus, napakaraming hamon, hinaing, at pangarap ng mga Iskolar ng Bayan na kailangang pakinggan at tugunan. May mga isyung dapat aksyunan, mga boses na dapat bigyan ng puwang, at mga estudyanteng nararapat paglingkuran ng lider na may malasakit at paninindigan. Kaya ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ninyo kami sa pagsusulong ng isang konsehong bukas para sa lahatโ€”kung saan kinikilala ang bawat sektor, pinapakinggan ang bawat boses, at ang bawat programa ay tunay na nakatuon sa kapakanan ng mga estudyante.

Naniniwala kami na ang tunay na pamumuno ay walang iniiwan; ang konsehong para sa estudyante ay konsehong nagbibigay kapangyarihan sa kapwa estudyante.

๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—”๐—ง๐—ข๐—ฅ: Cassandra "๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—ฅ๐—”" Mamangon
๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฅ: Jenoy Mario "๐—๐—˜๐—ก๐—ข๐—ฌ" Silvio
๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—š๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ฅ: Cyrel Rose "๐—–๐—ฌ" Salvania
๐—•๐—œ๐—ง ๐—•๐— : Mark Dale "๐——๐—”๐—Ÿ๐—˜" Valderama
๐—•๐—œ๐—ง ๐—•๐— : Nikki Chello "๐—ก๐—œ๐—ž๐—ž๐—œ" Delos Santos
๐—•๐—ฆ๐—•๐—” ๐—•๐— : Princess Mayumi "๐—ฌ๐—จ๐— ๐—œ" Bendaรฑa
๐—•๐—˜๐—˜๐—— ๐—•๐— : Micha Nerize "๐— ๐—œ๐—–๐—ฆ" Santos
๐—•๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—•๐— : Ronald Arriz "๐—ฅ๐—”" Gatchalian
๐—•๐—ฆ๐—œ๐—ง ๐—•๐— : Bench "๐—•๐—˜๐—ก๐—–๐—›" Ignacio
๐—•๐—ฆ๐—˜ ๐—•๐— : Rosei "๐—ฆ๐—˜๐—œ" Peรฑaloza

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ: Iesu Cruz
๐—•๐—ถ๐˜€๐—ฒ-๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ: Selwyn Almeida


Nandito na ang mga susunod na titindig at patuloy na magiging boses ng mga BulSUan.Kilalanin ang mga tatakbo para sa Gob...
06/03/2026

Nandito na ang mga susunod na titindig at patuloy na magiging boses ng mga BulSUan.

Kilalanin ang mga tatakbo para sa Gobernador, Bise Gobernador, at Senadorโ€”mga lider na handang makinig sa hinaing, manindigan sa tama, at kumilos para sa kapakanan ng bawat estudyante.

Sapagkat ang tunay na pagbabago ay nagsisimula kapag pinipili nating maging mulat, magkaisa, at tumindig.


Sa kabila ng mga hamon, ang kababaihan ay patuloy na humahakbang pasulongโ€”may dignidad, may paninindigan, at may tapang ...
06/03/2026

Sa kabila ng mga hamon, ang kababaihan ay patuloy na humahakbang pasulongโ€”may dignidad, may paninindigan, at may tapang na hindi matitinag.

Hindi ka lamang bahagi ng kuwento. Ikaw ang may-akda nito.

Sa bawat pagtaas ng boses at sa bawat pagkilos para sa tama, pinatutunayan: kapag ang kababaihan ay tumitindig, may pagbabagong sumusunod.

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข para sa Kababaihan!


Bulwagan ng BUSTOS, KASAMA ka pa rin! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™Mula pamantasan hanggang bayan, mananatiling KASAMA ang Bustos na titindig para...
05/03/2026

Bulwagan ng BUSTOS, KASAMA ka pa rin! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™

Mula pamantasan hanggang bayan, mananatiling KASAMA ang Bustos na titindig para sa paninilbihang may pananagutan!

๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ:
๐—๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ โ€œ๐—๐—˜๐—ก๐—ข๐—ฌโ€ ๐— . ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐˜ƒ๐—ถ๐—ผ
๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ:
๐—–๐˜†๐—ฟ๐—ฒ๐—น โ€œ๐—–๐˜†โ€ ๐—ฉ. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฎ

๐—•๐—ผ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€:
(๐—•๐—ฆ๐—•๐—”):
๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—บ๐—ถ โ€œ๐—ฌ๐—จ๐— ๐—œโ€ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ปฬƒ๐—ฎ
(๐—•๐—ฆ๐—˜):
๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ถ โ€œ๐—ฆ๐—˜๐—œโ€ ๐—˜. ๐—ฃ๐—ฒ๐—ปฬƒ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‡๐—ฎ
(๐—•๐—ฆ๐—˜๐——):
๐—ฅ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฑ ๐—”๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐˜‡ โ€œ๐—ฅ๐—”โ€ ๐—š๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป
(๐—•๐—ฆ๐—œ๐—ง):
๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ต ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ โ€œ๐—•๐—˜๐—ก๐—–๐—›โ€ ๐—š. ๐—œ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ
(๐—•๐—œ๐—ง):
๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐——๐—ฎ๐—น๐—ฒ โ€œ๐——๐—”๐—Ÿ๐—˜โ€ ๐—•. ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ
(๐—•๐—œ๐—ง):
๐—ก๐—ถ๐—ธ๐—ธ๐—ถ ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ โ€œ๐—ก๐—œ๐—ž๐—ž๐—œโ€ ๐—ฉ. ๐——๐—ฒ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€
(๐—•๐—˜๐—˜๐——):
๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ ๐—ก๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜‡๐—ฒ โ€œ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐˜€โ€ ๐— . ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ: Iesu Cruz
๐—•๐—ถ๐˜€๐—ฒ-๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ: Selwyn Almeida
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€:
Alex Martizana
Chas Sevilla
Elson Luna
Gelay Querol
Grace Terrenal
Jon Mejia Jr.
Robi Cadeliรฑa

๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฎ๐—ณ๐—ฎ๐—ฒ๐—น: Kirbie Enriquez
๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐˜€: Sandra Mamangon
๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ผ๐˜†: Apple Hormigas
๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐˜€: Yoko Ota
๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ: JC Roรฑo




Sa Ika-walong taon, KASAMA ka pa rin, Bustos Campus.๐Ÿ’™โœŠ๐ŸปHindi tayo titigil dahil patuloy tayong titindig at mananatiling ...
02/03/2026

Sa Ika-walong taon, KASAMA ka pa rin, Bustos Campus.๐Ÿ’™โœŠ๐Ÿป

Hindi tayo titigil dahil patuloy tayong titindig at mananatiling magkakasama sa bawat laban. Magpapatuloy tayo sa adhikain na sinimulan natin para sa paninilbihang may pananagutan at para sa karapatan ng lahat.


40 Taon ng EDSA People Power RevolutionApatnapung taon na ang nakalipas mula nang patunayan ng sambayanan na kapag nagka...
25/02/2026

40 Taon ng EDSA People Power Revolution

Apatnapung taon na ang nakalipas mula nang patunayan ng sambayanan na kapag nagkaisa, kayang patalsikin ang pang-aabuso at ibalik ang demokrasya. Ngunit ang diwa ng EDSA ay hindi lamang pag-alala sa nakaraanโ€”ito ay panawagan ng pananagutan sa kasalukuyan.

Sa gitna ng patuloy na isyu ng korapsyon sa bansa, mas malinaw ang hamon ng ika-40 anibersaryo: hindi sapat ang paggunita kung walang paninindigan. Ang People Power ay hindi lamang laban sa diktaduraโ€”ito ay laban sa anumang anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, pang-aabuso sa kapangyarihan, at pagtalikod sa tiwala ng mamamayan.

Ang tunay na pag-alala sa EDSA ay ang paniningil ng pananagutan.

Ang tunay na paggalang sa kasaysayan ay ang hindi pagpayag na maulit ang mga pagkakamali.
At ang tunay na diwa ng People Power ay ang mamamayang mulat, mapanuri, at handang manindigan laban sa korapsyon.

Kung buhay ang alaala ng EDSA, dapat buhay rin ang ating paninindigan para sa katotohanan at pananagutan.


10/11/2025

๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—”๐—ข. ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก.

Taon-taon, laging sinasalubong ang ating bansa ng mga malalakas na bagyo na sumisira sa kabuhayan, kalikasan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit, taon-taon ding mag-isang bumabangon ang mamamayan mula sa bangungot ng hagupit ng kalikasan, habang ang mga nasa kapangyarihan ay pilit tinatakasan ang kanilang responsibilidad, bitbit ang yaman na dapat pumoprotekta sa masa.

Sa halip na unahin ang mga imprastraktura at sistemang magpapanumbalik sa sigla ng kalikasan, inuuna ng mga ganid na kapitalista, kasabwat ang mga korap na politiko ang pagputol sa mga kagubatan, pagmina ng ating mga kabundukan, at higit sa lahat ang pagbubulsa ng pondo para sa proyektong pang-baha.

Kung tutuusin, hindi bagyo, lindol o anumang kalamidad ang tunay na pumapatay sa ating bansa, kundi ang kapalkpakan at kasakiman ng mga naghaharing uri na inuuna ang personal na interes bago ang kapakanan ng bayan. Ang tunay na pumapatay sa ating bayan ay ang mga buwayang kurakot na nagpapakasasa sa yaman ng bayan.

Mula sa Monterrazas de Cebu na nagdulot ng matinding pagbaha, hanggang sa Bulacan Airport na patuloy na nagpapalubog sa ating bayan, at sa tuloy-tuloy na pagkalbo sa kagubatan ng Sierra Madre, patunay itong ang ating bayan ay isinuko sa kasakiman ng iilan. Hindi makatarungan na ang mga ordinaryong Pilipino ang sasalo ng pinsala dinulot ng mga naghaharing uri. Hindi makatarungan na hayaang malunod ang mamamayang Pilipino sa kapabayaan at kawalan ng maayos na aksyon laban sa hagupit ng kalikasan.

Hustisya ang kailangan ng bayan.
Habang patuloy tayong bumabangon at umaalalay sa mga kababayang sinalanta ng bagyo, ipagpatuloy din natin ang pagbaha ng galit laban sa mga kurakot. Wala nang buhay ang dapat maputol dahil sa kapalpakan ng pamahalaan at wala nang bayan ang dapat lumubog dahil sa korapsyon at kasakiman.

Panahon na para maningil ang sambayanan. Singilin ang mga pulitikong inuuna ang ginto bago ang buhay ng masa, at igiit ang hustisyang matagal nang ipinagkait sa mamamayan.

๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ข๐—ก๐—š-๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก.


Nasimulan na ang laban โ€” itutuloy natin ito, mas malakas, para sa ating pamantasan at bayan!Sa harap ng patuloy na pagsu...
22/10/2025

Nasimulan na ang laban โ€” itutuloy natin ito, mas malakas, para sa ating pamantasan at bayan!

Sa harap ng patuloy na pagsubok sa ating mga karapatan at kapakanan bilang mga Iskolar ng Bayan, tungkulin nating manindigan at kumilos. Sa BulSU-Bustos, buhay ang diwa ng pakikibakaโ€”at bahagi ng misyon ng KASAMA-BUSTOS ang pagtindig para sa bawat estudyanteng patuloy na lumalaban para sa isang makatarungan at makabayang edukasyon.

Sa sama-samang pagkilos at pagkakaisa, itindig natin ang isang BulSU-Bustos na tunay na para sa mga estudyanteโ€”malaya, makabayan, at palaban para sa karapatan ng Iskolar ng Bayan at ng masang Pilipino.

Sumama sa LABAN ay maging opisyal na kasapi ng KASAMA - BUSTOS!

๐Ÿ“Ž http://bit.ly/3We3rWx
๐Ÿ“Ž http://bit.ly/3We3rWx
๐Ÿ“Ž http://bit.ly/3We3rWx

Palawakin ang ating hanay. Itindig ang ating karapatan. Sama-sama, lalaban!

Sumama sa LABAN!



Address

Poblacion
Bustos
3007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KASAMA BulSU - Bustos Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share