30/04/2026
[ENGINEERING BM GODWIN]
Higit pa sa kalubusan ng lahat ng pasasalamat.
Isang hamon na humarap, tumayo, at tumindig—kapuwa mga hamon na hinarap ng bawat estudyante sa isang taong ito. Ngunit sa kabila ng lahat, narito tayo at nagpapatuloy.
Isang taon muli ang magmamarka sa unti-unti, dahan-dahan ngunit nagpapatuloy na mga hakbang tungo sa iisang layunin. At sa pagsuong sa mga hamon ng isang taong ito, nanatili ka, inhinyero.
Isang pagbati sa bawat estudyante at kapuwa mga mag-aaral, tunay kayong inspirasyon. Ang inyong bawat pagpapagal, paglalaan ng mahahabang oras, at pakikiisa ay patuloy n nagbubunga. Isang pagwawaging para sa bawat isa. Isang pagsaludo sa dedikasyon at sa bunga nitong ating tinatamasa.
Isang pagkilala sa mga kawani ng pamantasang nakipag-kapuwa—yaong sa ati’y ipinabatid na hindi tayo nag-iisa, walang hangganang pakikipagbahagian ng kaalaman, pagbubulay-bulay sa sining at agham ng inhinyeriya.
Isang pagyakap sa kapuwa ko mga nagsipaglingkod, susunod na magsisipaglingkod, at sa bawat isang patuloy na maglilingkod. Isang malaking karangalan ang magsilbing kasama ninyo, magkakabalikat.
Isang taos-puso at bukal sa kaloobang pasasalamat at pagkilala sa buong komunidad ng ating departamento. Ang nagdaang taon ay hindi lamang naging sukat ng ating talinoat patuloy na pagtanaw sa mas malinaw na bukas, kundi naging patunay din ng katatagan at pagkakaisa bilang mga mag-aaral ng Inhinyeriya.
Isang taon. Isang pagkilala. Isang hanggang sa muli.
Isang salita: Salamat! 🫶🏻