03/05/2019
"Im so Sorry"
good day readers, good day admin. sana ma-post itong confession ko. itago nyo nalang ako sa pangalang "jay" libre mam-bash after nyo mabasa. pwede pahingi ng payo din. kasalanan ko din naman kase talaga lahat kaya nangyare to. medyo mahaba pero I think worth it naman basahin kahit hindi ako magaling magkwento. so eto na...
may girlfriend ako since highschool. itago natin sa pangalang "shy". matangkad, morena, slim, matalino edukada mabait. in short, wala kana hahanapin pa. kami pa hanggang ngayon(questionable). mag 12years na yata kami. pero sa loob ng 12 years na yon. mayroon akong palihim na naging gf noong ika-2nd year palang namin ni shy. itago natin sa pangalang "mia". medyo chubby. medyo maputi mas maliit lang sa aken ng konti.
naging kami ni mia ng saglit na panahon. nahuli kase ako ni shy. inamin ko naman sa kanya yon at iniwan ko din si mia. nagsisi ako sa nagawa ko. kailangan kong mamili sa kanila. alam ko nakasakit ako ng dalawang damdamin. pero mas pinili ko si Shy(1st year college ko palang yata non)
ilang taon ang lumipas, ambilis. mag t'12years na namin ni shy. going strong. wala na akong balita kay mia kundi may anak na sya sig**o mga 6 or 7 years old. hanggang sa isang araw may nag add sa fb account ko. si mia! (nakaalala sya). hindi ko naman inaccept kase may access si shy sa account ko kaya gumawa ako ng isang account saka ko sya chinat para kamustahin. nagpakilalala ako sa kanya.
una syempre kamustahan. ganito, ganyan. may anak kana pala. bla bla bla. hanggang sa kinuha ko na cp number nya para makapag text kami.
hanggang sa lumalim yung usapan. na kung bakit sya nagkaganon. na maaga nagka anak. (sila pa ng asawa nya until now) kung bakit pinili nya na iwan ang pag aaral. alam nya na masisira buhay nya pero tinuloy padin nya na maging isang ina. nasaktan ako ng sinabi nya. na dahil pala saken, para makalimot sya sa nangyari samin non nung bigla ko syang iniwan kaya nya pinili na maging magulo ang buhay. nawalan ng pangarap.
ako naman, sinabi ko sa kanya na hanggang ngayon di ko padin sya nakakalimutan.(landii) palagi ko sya ini-stalk sa fb account nya. at ayoko sana pero hindi ko napigilan, bumalik yung pagmamahal ko sa kanya nung time na yon. nasabik ako sa kanya.naging cold na ako kay shy. nagfocus ako kay mia. napakabilis ng pangyayari. alam kong mali. may anak sya. may pamilya sya. si shy naman at ako buo na yung future namin, goals namin pero bakit sobrang rupok ko pagdating kay mia.
buo na loob ko. sinabi ko sa kanya na mahal ko padin sya. sya na pinili ko. at ganoon din sya. kahit alam namin na bawal. kahit mahirap yung set-up. puro patago kami magkita. puro nakaw na oras. nagkasundo kami. ou sobrang mali ko don pero sinunod ko yung alam ko na magpapaligaya saken. may masasaktan ako. si shy, yung magulang ko at mga magulang at relatives nya. pero yun na nga. buo na loob ko.
di ko man sinabi kay shy. unti unti kong sinira relasyon namin. simpleng away. simpleng mali. simpleng galaw ni shy papalakihin ko. sisigawan ko. di na ako sweet di na ako ganon sa dati. sobrang unfair ko alam ko. napakasakit para saken na nakikita si shy sa ganong sitwasyon pero napaka tough nya na sobrang nadudurog puso pag umiiyak sya sa ginagawa ko sa kanya pero nakakapit padin sya sa relasyon namin. pero sa isang sulok ng utak ko iniisip ko na mas masaya ako kay mia.
dahil hindi naman akonnakipaghiwalay kay shy. madalas kami nagkikita dahil na din sa mga pagkakataon na malapit lang sya.medyo madalas nahuhuli ako ni mia na kasama ko si shy. sobrang nasasaktan sya kase kahit ganon set-up namin, nagseselos sya ng sobra. kahit pareho kaming "kabet?". pero pinapatawad padin nya ako. pero alam ko na hindi na sya tulad ng dati. unti unti syang nagbago. hindi na sweet. hindi na sya malambing madalas. madalang na nyanako tawagin na mahal. nagbago na sya unti unti dahil sa mga naging kasalanan ko. hanggang sa one time nahuli nya ako ulit na kasama si shy. yon na yung huling beses na kinompronta nya ako
Mia: asan ka kanina?
ako:nasa ***** ako.
M: sino kasama mo?
A: (alam kong nakita nya kami) Si shy saka yung mga kapatid nya.
M: ok fine.
mula noon hindi na sya nagparamdam, hindi na nya sinasagot mga tawag ko. ilang araw ko pinalipas yung galit nya pero wala padin. dumaan pa ang ilang araw at linggo. nung tinawagan ko hindi na sumasagot. then one time nagreply saken yung kuya ni mia, sya may gamit nung number nya. tigilan ko na daw kapatid nya. alam na daw nila lahat. dalawahan daw ako. wag ko na daw palakihin yung problema nila ayusin ko daw buhay ko o magkakagulo kami. inisip ko na ou nga. may pamilya at anak na sya. mali kami. pero bakit ganon? gusto ko padin syang ilaban. hindi na simpleng landi lang to alam ko. hindi na to simpleng flirt flirt at fling fling lang. determinado na talaga ako. gagawin ko lahat ng paraan magkausap lang kami. para magkaayos kaminsa huling pagkakataon. (at parang may tumugtog na soundtrack ng voltes V sa ulo ko)
ginawa ko lahat. tawag. text. chat. add. stalk. PM. simpleng dumadaan ko sa kalye nila. pero wala. miske anino, miske paramdam wala...alam ko sumuko na din sya. umiwas na sya saken. yung number nya na natatawagan ko pero walang sumasagot, inactive na ngayon. para akong kandila na nauupos sa pag asa. hindi ako mapakali. hindi ako makapagtrabaho. lagi akong tulala. madalas absent sa work. dinadaya ko nalang magulang ko pati mga kliyente ko sa trabaho. wala e. wala na akong lakas.
kamusta si shy? ayon. break na kami yun ang sabi ko sa kanya, pero para sa kanya hindi pa. lumalaban padin sya kahit suko na ako. kahit di ko na sya mahal. at kahit wala na si mia. kahit wala na akong inaasahan pang babalik na mia. wala na din akong nararamdaman kay shy. hindi na din ako gaanong itinitext at kinakausap ni shy. alam nya na galit ako sa kanya dahil sa isang maliit na issue na pinalaki ko. hindi nya alam na wala sa kanya ang problema ko. kung bakit ako ganon, wala syang ideya. so unfair. nakaka guilty pero sinundan ko kung san ako mas nagiging masaya. at kay mia yon.
sa ngayon. gumagawa padin ako ng paraan para makakuha ng contact kay mia. hindi ko alam kung pano pero bahala na kami ni batman. basta ang alam ko lang. sya talaga nagmay ari ng puso ko. hanggang ngayon. sana magwork, pero kung hindi man ako magtagumpay at wala na talagang pag asa. I will accept all the consequences.
para kay Mia. kung asan ka man ngayon. kung ano man yung desisyon mo tatanggapin ko. mali ko naman talaga yon. alam kong maling oras tayo nagtagpo. hindi ko iningatan kung ano mayron tayo non. ngayon sobrang nagsisisi ako. ansakit. napakahirap. hindi ako makatulog. hindi ako maka move on. pag naiisip ko bawat masasayang memories natin lalo akong pinapatay sa bangungot na wala kana saken. mag iintay padin ako sayo. salamat dahil napalapit ako sa anak mo. itinuring ko na anak ko sya kahit alam kong hindi. salamat dahil naging bahagi kayo ng buhay ko. napakasarap sa feeling na daddy ang turing sakin ni **** **********.
(tumawag kasi yung anak nya sabi nya saken:daddy! graduation ko ngayon e.hindi alam ni mama akala nya pictorial lang. madami akong medal e. yung regalo ko!?)
kay baby: anak, ou proud na proud si daddy sa mga medals at achievements mo syempre. di lang ako pinayagan ni mommy makapasok sa loob kase andon sila tito mo. ipapadala ko nalang dyan sa bahay nyo yung regalo mo saken kahit medyo late na. wag mo ipapakita kay mama mo. dudurugin yon XD sana makiss at ma akap ulit kita. kahit huling beses nalang. sana mapayagan ako ni mama mo para makapagpaalam sayo. sana.
para kay Shy: Sorry kung inaksaya ko buong oras mo saken. kung umasa ka. kung nasaktan kita paulit ulit. sorry kung di ko masabi sayo na hindi ikaw ang dapat nagsosorry ngayon kung hindi ako. hindi ako naging babaero na tipong madaming gf o nililigawan. hindi ako yung tipong popormahan lahat ng nakikitang maganda. sinundan ko lang yung alam kong sasaya ako. sorry hindi ako nakuntento. nasaktan ako ngayon pero nakangiti padin ako habang itinutuloy hanapin yung kung sinong nakalaan talaga para saken. napaka swerte ng taong magmamahal sayo. at hindi ako worth dun sa pagmamahal mo. you deserve much better. your love is so pure. I'm so sorry.
sa mga nagbasa. salamat sa oras. nasa magsilbing lesson yung istorya ko para sa inyo. hindi ko ipinost to para magmayabang o kung ano man. alam ko kase silent reader sya ng CRT SF.
-DevilMayCry