22/05/2026
๐ก๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Isang malaking hakbang ang pagpasok sa kolehiyo, at alam nating mas magiging matagumpay ang ating mga estudyante kung magkasama ang paaralan at ang tahanan sa paggabay sa kanila.
Kaya naman inaanyayahan namin ang mga magulang at tagapangalaga ng ating mga incoming 1st Year Students sa ating gaganaping Family Orientation sa darating na Hunyo. Makatatanggap kayo ng text o tawag para sa inyong schedule.
Bago pormal na magsimula ang bagong yugto ng inyong mga anak sa kolehiyo, mahalagang magkasama-sama tayo upang mas malinaw na maipaliwanag ang mga programa, suporta, at tulong na inilaan ng paaralan para sa kanilang tagumpay.
Ang inyong presensya ang unang hakbang sa paggabay sa kanilang kinabukasan. Kita-kita po tayo, mga kapamilya! ๐ค๐