BSED MAIN 1

BSED MAIN 1 We are One, BSED1-MAIN 1 ˙⋆✮

𝐇𝐞𝐩, 𝐡𝐞𝐩, 𝐡𝐞𝐩! 👋Isang semestre na mag kakasama tayong lahat, puno ng mga ala-ala, hindi mabilang na mga tawanan, at sama...
14/12/2025

𝐇𝐞𝐩, 𝐡𝐞𝐩, 𝐡𝐞𝐩! 👋

Isang semestre na mag kakasama tayong lahat, puno ng mga ala-ala, hindi mabilang na mga tawanan, at sama-samang mag clutch tuwing 11:59 PM. Seksyon na sinubok ng mga maraming pagsubok, iyakan, sakripisyo at mga takot na bumabalot sa atin na "𝒃𝒂𝒌𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒂" pero andito tayo ngayon parang nabunutan ng tinik sa dibdib at mapapasabing "𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒌𝒐 𝒑𝒂𝒍𝒂.”

𝑩𝑺𝑬𝑫 𝑴𝑨𝑰𝑵 1, marami man na hindi pag kakaintindihan, marami man problemang sumusubok sa ating samahan, pero ito lang pala ang naging daan para tumibay yung bond natin sa limang buwan. Masaya na may halong lungkot sapagkat may kan'ya kan'ya na tayong landas tatahakin ngunit masaya ako kasi nakarating tayo ng sama-sama sa dulo.

Hindi man tumagal kung anong meron tayo ngunit ang limang buwan na ito ay nag bigay ng puso, buhay, at kulay sa BSED MAIN na meron tayo. Isang mahigpit na yakap sa ating lahat, isang masigabong palakpakan sa magagaling, matatalino, masakropisyo, mababait na seksyon ng BSED MAIN 1. Habang buhay natin dalin ang memorya ng seksyon na ating nabuo, hindi pa dito matatapos ang storya natin bawat isa, ngunit ito ang naging simula at humubog ng umpisang yugto natin ngayong tayo ay nag kolehiyo.

𝑭𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒐𝒓𝒔, para sa pangarap...

𝗪𝗘 𝗔𝗥𝗘 𝗢𝗡𝗘, 𝗕𝗦𝗘𝗗 𝗠𝗔𝗜𝗡 𝟭💛!

Address

Maharlika Highway, Barangay Bitas
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSED MAIN 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share