19/08/2026
๐ช๐๐๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ข
Linggo ng Wikang Pambansa 2026
Buwan ng ASEAN
Sa Pagsalubong ng Buwan ng Wika at ASEAN Month 2026
Inaanyayahan ng Wesleyan UniversityโPhilippines ang mga g**o at edukador na dumalo sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa wika, edukasyon, at teknolohiya:
โFilipino sa Panahon ng AI at ASEAN: Wika, Instruksiyon, at Pagkatuto sa Gitna ng Dominanteng Inglesโ
Sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI) at patuloy na pagtutulungan ng mga bansa sa ASEAN, mahalagang balikan at pagnilayan ang papel ng wikang Filipino sa pagtuturo, pagkatuto, pananaliksik, at paghuhubog ng mga mag-aaral.
Layunin ng webinar na magbigay ng pagkakataon sa mga g**o at edukador na talakayin ang mga hamon at oportunidad na hatid ng AI sa edukasyon, gayundin ang pagpapanatili ng halaga at kabuluhan ng wikang Filipino sa isang mabilis na nagbabagong daigdig.
TAGAPAGSALITA:
Prof. Rene Boy E. Abiva
Premyadong Manunulat, Iskolar, Edukador
25 Agosto 2026 (Martes)
1:30 N.H. โ 3:30 N.H.
Sa pamamagitan ng Zoom
Bukas para sa lahat ng g**o
PAGPAPAREHISTRO: http://forms.gle/2DoHcDHxsQgu8RVd6
Hinihikayat ang mga g**o at kapwa edukador na makiisa sa talakayang ito bilang bahagi ng sama-samang pagsusulong ng makabuluhang edukasyon, pagpapahalaga sa wikang Filipino, at responsable at makabuluhang paggamit ng AI sa pagtuturo at pagkatuto.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Wesleyan UniversityโPhilippines sa mga kapwa institusyon ng mataas na edukasyon tungo sa pagbabahaginan ng kaalaman, mabubuting gawain, at mga makabuluhang inobasyon sa edukasyon.
Wikang Filipino, Tulay sa Kaalaman, Kultura, at Kinabukasan!
Kasama sa ASEAN. Nag-uugnay, Nagkakaisa, Nagpapaunlad.
Sama-Samang Tinutunton ang Landas ng Ating Kinabukasan.
๐งanggapan ng Instruksiyon,
Urian para sa Panghabambuhay na Pagkatuto.
๐งanggapan ng Internasyonalisasyon at Ugnayan