25/09/2026
Isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Paul College of Leadership! 🇵🇭✨
Bagamat sa buwan pa ng Agosto dapat ginanap ang ating pagdiriwang at hindi ito agad natuloy dahil sa mga nagdaang bagyo at malakas na pagbuhos ng ulan, hindi nito napigilan ang ating sigla at pagmamahal sa wikang Filipino! Kahapon, Setyembre 24, 2026, buong-puso nating itinuloy at naipagdiwang ang mahalagang okasyong ito.
Sa ilalim ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” naipamalas ng pamayanang PCL kung paano maipagpapatuloy ang pagpapayaman sa ating sariling wika kasabay ng modernong teknolohiya.
Naging punong-puno ng sigla ang buong programa kung saan buong-husay na ibinida ng mga mag-aaral ang kanilang natatanging talento. Lalo ring naging makulay ang entablado sa pagpapamalas ng galing, karunungan, at kagandahang-asal ng mga kandidato para sa PCL Lakan at Lakambini 2026!
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kay Ginoong Raymund Libre sa kanyang pagsuporta at sa pagkakaloob ng mga gantimpala para sa ating mga nagwaging PCL Lakan at Lakambini 2026. Ang inyong generosity ay tunay na nagbigay ng karagdagang inspirasyon sa ating mga mag-aaral!
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakiisa sa pagtangkilik, at nag-alay ng kanilang talento upang maging masaya at makabuluhan ang ating pagdiriwang. Patuloy nating mahalin, payabungin, at gamitin ang ating wika tungo sa mas maliwanag at makabagong bukas!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭💙