17/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ang kabuluhan ng ating wika ay walang kupas at nananatiling makapangyarihang instrumento sa pagpapahayag ng ating paninindigan sa mga usaping panlipunan. Sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng makabagong teknolohiya, patutunayan ng bawat Letranista na ang ating talento, kakayahan, at pagmamahal sa bayan ay hindi mapapantayan at hindi kailanman mapapalitan. Kaya naman, inihahandog ang ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐ sa ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐ na may temang โ๐๐๐ค๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐.โ
Magsasama-sama tayo sa isang serye ng mga kapana-panabik na gawain na magpapamalas ng ating galing at pagpapahalaga sa sariling wika. Tampok dito ang online na pagsasalaysay ng kuwento na โ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด: ๐๐ฟ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ!โ mula sa mga mag-aaral ng Edukasyon, ang patimpalak sa pagkuha ng larawan na โ๐ข๐ฃ๐ง๐๐๐: ๐๐ถ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐น๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ปโ, at ang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay na โ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป: ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐โ para sa ating mga mag-aaral sa kolehiyo. Maipamamalas din ang malikhaing sining sa โ๐ฆ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ผ: ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐๐ฎโ at ang tapang ng boses sa patimpalak ng malikhaing pagbigkas ng tula na โ๐๐-๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ!: ๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป.โ
Bukod sa mga patimpalak, magkakaroon din ng isang makabuluhang talakayan na pinamagatang โ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ฆ๐ถ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐บ๐๐บ๐๐น๐ฎ๐ ๐จ๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐
๐ฆ๐ถ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ, ๐๐, ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎโ, upang magbigay-linaw sa tamang pag-unawa sa artipisyal na katalinuhan at sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa ating lipunan.
Ang gawaing ito ay sa sama-samang pagtataguyod ng Letran Calamba Student Government, School of Education, Arts, and Science and Technology Student Council, Communication Arts Society of Letran, Letran Computer Analysts, Information Technology of Letran, Psychological Function Society, at Young Educatorsโ Society.
Manatiling nakatutok sa ating opisyal na pahina para sa iba pang mga anunsyo at karagdagang detalye mula sa iba't ibang organisasyon.
๐๐ซ๐ซ๐ข๐๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ! ๐โค๏ธ