Christ the King College of Calbayog City, Inc.

Christ the King College of Calbayog City, Inc. The official page of Christ the King College of Calbayog City, Inc., the pioneer Catholic Franciscan Institution of Eastern Visayas.

Franciscan Educational Institution

23/08/2026
22/08/2026
21/08/2026

𝙋𝙖𝙭 𝙀𝙩 π˜½π™€π™£π™ͺ𝙒, π˜Ύπ™π™§π™žπ™¨π™©π™ž π™π™šπ™œπ™žπ™–π™£π™¨!

Tuklasin natin ang buhay ni Benigno β€œNinoy” Aquino Jr., isang mamamahayag at lider na nagpakita ng kaniyang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng walang-sawang paninindigan, sakripisyo, at tapang na harapin at tuligsain ang mga suliraning kaniyang nasaksihan.

Ngayong Ninoy Aquino Day, balikan natin ang kaniyang kuwento at alalahanin ang mga aral na iniwan niya para sa bawat Pilipino.

Caption: Karielle B. Julaton
Videographer: Sophia Pueblos
Editor: Naiarah Lolette Naja Nabelon
CKC-IBED JHS Ambassadress: Naiarah Lolette Naja Nabelon

π…π‘π€ππ‚πˆπ’π‚π€π π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‚πŠπ‚ π„πŒππ‹πŽπ˜π„π„π’, πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 ππ€π†π–π€πŠπ€π’Pormal na nagtapos kahapon, Agosto 20, 2026, ang Franc...
21/08/2026

π…π‘π€ππ‚πˆπ’π‚π€π π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‚πŠπ‚ π„πŒππ‹πŽπ˜π„π„π’, πŒπ€π“π€π†π”πŒππ€π˜ 𝐍𝐀 ππ€π†π–π€πŠπ€π’

Pormal na nagtapos kahapon, Agosto 20, 2026, ang Franciscan Formation para sa mga empleyado ng Christ the King College of Calbayog City, Inc, na pinangasiwaan ng Center for Franciscan Identity and Mission (CFIM) na naglalayong palalimin ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga kalahok sa mga pagpapahalagang Pransiskano bilang bahagi ng kanilang paglilingkod sa institusyon.

Bilang bahagi ng huling araw ng formation, nagbigay si Rev. Sr. Maria Asuncion "Cho" Borromeo, FMM, ng kaniyang sintesis, na nagsilbing pagbubuod at paglalagom sa mga mahahalagang aral, pananaw, at pagpapahalagang tinalakay sa isinagawang formation.

Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat si Rev. Sr. Thelma Titus R. Bulagao, Vice President for Administration, sa mga naging bahagi ng programa at sa aktibong pakikilahok ng mga empleyado.

Nagtapos ang programa sa isang photo opportunity, bilang pagtatapos ng makabuluhang gawain para sa mga empleyado ng CKC.

Nakikiisa ang Christ the King College of Calbayog City, Inc. sa paggunita sa Ninoy Aquino Day ngayong Agosto 21, 2026, i...
20/08/2026

Nakikiisa ang Christ the King College of Calbayog City, Inc. sa paggunita sa Ninoy Aquino Day ngayong Agosto 21, 2026, isang pambansang araw ng pag-alala kay dating Senador Benigno β€œNinoy” S. Aquino Jr.

Sa araw na ito, inaanyayahan ang pamayanang CKC na alalahanin ang kahalagahan ng katapangan, paninindigan, paglilingkod sa bayan, at pagmamahal sa kapwa.

πŒπˆπ“πˆππ† 𝐃𝐄 𝐀𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‚πŽπ‹π‹π„π†πˆπ€π“π„ π’π”ππ‘π„πŒπ„ 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 π‚πŽπ”ππ‚πˆπ‹, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€Isinagawa ngayong araw, Agosto 20, 2026, ang Mitin...
20/08/2026

πŒπˆπ“πˆππ† 𝐃𝐄 𝐀𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π‚πŽπ‹π‹π„π†πˆπ€π“π„ π’π”ππ‘π„πŒπ„ 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 π‚πŽπ”ππ‚πˆπ‹, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€

Isinagawa ngayong araw, Agosto 20, 2026, ang Miting de Avance para sa mga kandidatong tumatakbo bilang mga opisyal ng Collegiate Student Supreme Council (CSSC) sa Assumption Province Gymnatorium, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang programa ng kolehiyo.

Binigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na ilahad ang kanilang mga plataporma, programa, at mga adhikain para sa kapakanan at kapakanan ng buong student body. Naging bahagi rin ng pagtitipon ang pagpapakilala ng mga kandidato at pagbabahagi ng kanilang mga pananaw at layunin para sa pamumuno sa konseho.

Sa pamamagitan ng Miting de Avance, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makilala at mapakinggan ang mga kandidato, gayundin ang kanilang mga paninindigan at mga programang nais isulong sakaling mahalal sa CSSC.

Hinihikayat naman ang mga mag-aaral na maging mapanuri, responsable, at aktibong bahagi ng halalan sa pagpili ng mga lider na kanilang pagkakatiwalaan upang katawanin ang kanilang mga tinig at interes sa konseho.

𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 π‚πŠπ‚ πˆππ’π“πˆπ“π”π“πˆπŽππ€π‹ πˆππ“π‘π€πŒπ”π‘π€π‹π’ πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€π†π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐀Nagsimula nang magpulungan ang CKC Sports, Culture and Art...
20/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 π‚πŠπ‚ πˆππ’π“πˆπ“π”π“πˆπŽππ€π‹ πˆππ“π‘π€πŒπ”π‘π€π‹π’ πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€π†π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐀

Nagsimula nang magpulungan ang CKC Sports, Culture and Arts Office kasama ang mga komite ngayong araw, Agosto 20, sa President’s Conference Room, bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Institutional Intramurals 2026 na nakatakdang ganapin mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 2, 2026.

Pinangunahan ni G. Gilberto C. Cagomoc III, Direktor ng Culture and Arts Program, ang pagpupulong na naglalayong tiyakin ang maayos, organisado, at matagumpay na pagsasagawa ng taunang paligsahan ng mga mag-aaral.

Kabilang sa mahahalagang tinalakay ang mga pagbabago at bagong mekanismo para sa Intramurals 2026, iskedyul ng mga gawain, paghahanda ng mga komite, mga patakaran at alituntunin sa mga paligsahan, gayundin ang iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa pangkalahatang daloy ng programa.

Inaasahang susundan pa ito ng serye ng mga pagpupulong at koordinasyon ng mga komite upang mapaghandaan ang bawat gawain at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Institutional Intramurals 2026.

Address

Magsaysay Boulevard
Calbayog
6710

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ the King College of Calbayog City, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Christ the King College of Calbayog City, Inc.:

Shortcuts

Share