18/08/2026
⚠️ SAFETY REMINDERS PARA SA LAHAT NG TAGA PLC SUBDIVISION, LLANO CALOOCAN CITY ⚠️
Mga ka-barangay, MAGING ALERTO AT HANDA po tayo sa mga oras na ito. Malakas ang ulan na may kasamang malakas na hangin. 🌧️💨
Narito ang 4 na dapat gawin ayon sa ating paalala:
1. MAGING ALERTO AT HANDA
Makinig sa balita at official announcements ng Caloocan LGU.
2. IHANDA ANG INYONG TAHANAN
Itaas ang mahahalagang gamit, patayin ang kuryente kung papasok na ang baha, at i-full charge ang cellphone, flashlight at powerbank.
3. MAGHANDA NG EMERGENCY KIT
🔦 Flashlight + baterya
🥫 Tubig at pagkain good for 3 araw
💊 Gamot at First Aid Kit
📄 Mahalagang dokumento (naka-plastic)
👕 Damit at kumot
🔋 Powerbank, pito at maliit na radyo
4. MANATILING UPDATED
Makipag-ugnayan sa ating Barangay at sa Caloocan Central Command. Huwag lumusong sa baha.
Ingat po tayong lahat. I-share po natin para sa kaligtasan ng bawat pamilya sa PLC.
📞 FOR EMERGENCY 24/7, TUMAWAG SA:
National: 911
Caloocan Central Command: (02) 888-25664 (888-ALONG)
Mobile: 0908-81-25664
CDRRMO: 5310-6972
Paalala mula sa Tau Gamma Phi - PLC Community Chapter