02/03/2022
The TCOC 📜
Ang Pag pasok sa Mahal nating Kapatiran ay pagyakap sa ating mga pamantayan!
Kalakip nito ang malalim na paniniwala sa Panginoon, Pangangalaga sa Kalusugan, Pagtataguyod ng Pamilya , Pagpapaka dalubhasa sa iyong napiling larangan ng pagsusumikap , pakikipag Kapwa Tao at Pagmamahal sa Kapatiran ❤💯
Mga Kapatid di Po naten kailangan maguluhan, Matagal ng may pamantayan ang ating pinaka mamahal na Kapatiran, Matagal na tayo may sapat na batayan! Para mapanatiling maayos at payapa ang ating Kapatiran, Nuon pa protektado na ng TCOC and Constitutional Law ng Frat ang ating Mahal na Kapatiran ang kulang lang po sa aten ay ang pag papatupad ng may TIGAS at TINDIG gamit ang Tamang Prinsipyo ng may TAPANG, RESPETO at PAGmamalasakit sa Kapwa Triskelion, Magsaliksik Po tayo at Pag-aralan ang mga yan! Mag obserba o magmasid ! Tulungan naten ang mga naliligaw ng Landas/Turuan naten matuto ang mga mangangalaga ng Susunod na Henerasyon, Ibalik ang TINIG ng ating mga GRAND TRISKELION! Panatihin ang pangangalaga sa PANGALAN at DANGAL ng ating Kataas Taasang Kapatiran TAU GAMMA PHI/SIGMA ❤️.
Lagi naten pakatatandaan na ang katagang KAPATIRAN - ay nagdudugtong at nagbibigay daan at pagkakataon sa bawat indibidual na tao na MAKIPAG-KAPWA tungo sa katotohanang pagbubuklod at magpapatibay sa tunay na KAPAYAPAAN! Ang TAO ay KAPATID ng KAPWA nya TAO, Kaya naman ang TRISKELION ay KAPATID ng kapwa nya TRISKELION ❤️.
MABUHAY ang MALAKAS at MALAYANG Kapatirang TAU GAMMA PHI/SIGMA 💪
Bro. Mao
Marytown Community Chapter
Katipunan Area
Salute!
CTTO.