14/07/2026
May problemang legal ngunit hindi alam kung saan lalapit?
Sa pamamagitan ng aming Clinical Legal Education Program (CLEP), magbibigay ang UCC-College of Law ng libreng legal na konsultasyon para sa mga residente ng Caloocan City.
Layunin ng programang ito na gawing mas malapit, mas malinaw, at mas madaling maunawaan ang batas para sa bawat mamamayan.
Maaaring kumonsulta tungkol sa inyong legal na suliranin at makatanggap ng paunang payo at gabay hinggil sa mga posibleng hakbang na maaari ninyong gawin.
๐
Petsa: Lunes Hanggang Huwebes
๐ Oras: 8:00 am to 5:00 pm
๐ Lugar: CLEP Room, 2nd Floor, Administration Building, UCCโSouth
Mangyaring magdala ng valid ID at mga dokumentong may kaugnayan sa inyong concern upang mas maayos na matalakay ang inyong sitwasyon.
Dahil ang kaalaman sa batas ay hindi dapat para lamang sa iilan.
Abot-kamay ang batas. Abot-kamay ang hustisya.