AKRHO Cardona Municipal Grand Council

AKRHO Cardona Municipal Grand Council ALPHA KAPPA RHO
International Humanitarian Service Fraternity And Sorority
Cardona Municipal Council
Official Page

31/12/2025

Happy newyear to all
Alpha kappa rho
Cardona municipal grand council

Longlive 🤟🏻🤟🏻

29/07/2025

Longlive 🤟🏻🐲

Good day mga kapatid Suportahan natin ang ating mga sis Sa proyektong FEEDING PROGRAMna gaganapin sa MARCH 2,2025(SUNDAY...
09/02/2025

Good day mga kapatid

Suportahan natin ang ating mga sis
Sa proyektong
FEEDING PROGRAM
na gaganapin sa
MARCH 2,2025(SUNDAY)
ito ay ilulunsad sa BRGY.DALIG SITIO DUPAX CARDONA RIZAL

29/09/2024

ALPHA KAPPA RHO
AKRHO INTERNATIONAL HUMANITARIAN SERVICE
FRATERNITY MCMLXXIII AND SORORITY MCMLXXV
Sec Registration No. 2022100073197-31
National Grand Council
Rizal Provincial Council

Memorandum number: 2024-0929-01

Para sa: All Municipal Council Under Rizal Provincial Council - NGC

Mula sa : Rizal Provincial Council - NGC

Kaugnay sa: Sa mga isyung kinakaharap ng mga Opisyales sa Pambansang Konseho at ang ating paninindigan dito.

Petsa: September 29, 2024

Dulot ng mga di pagkakaunawaan sa Pambansang Antas. Ang Pamprobinsyang Konseho sa Lalawigan ng Rizal ay mananalig sa interes ng ating mga nasasakupan.
Inaasahan natin ang pananatili ng ating pagkakaisa at hindi maaapektuhan ng nasabing isyu.

Kaya naman sa bisa ng Memorandum na ito bibigyan halaga natin ang ilang mga sumusunod.

Una, mananatiling Neutral ang buong Probinsya ng Rizal sa usapin ng Pambansang Konseho.

Pangalawa, anumang desisyon at pahayag ng indibidwal at/o ng antas munisipalidad ay hindi nagrereprensenta ng buong desisyon at pahayag ng Pamprobinsyang Konseho.

Pangatlo, bigyan ng pagpapahalaga ang pananatili ng pagkakaisa sa ating mga nasasakupang pangmunisipalidad na konseho sa pamamagitan ng pagtuon ng pansin ng pagpapalakas at pagpapatuloy ng mga gawain para sa Komunidad.

Pang Apat- mananatiling isa ang puso't isipan ng bawat kasapi ng ALPHA KAPPA RHO sa Lalawigan Ng Rizal

Inaasahan ang pagtalima at mas malawak na pang-unawa ng lahat ng kasapian ng ating mahal na kapatiran - ALPHA KAPPA RHO sa ating Probinsya.

Ang pagkakaisa ang ating hangad para paglingkuran ang ating mga Komunidad.
"Keep and Preserve the Good Name of ALPHA KAPPA RHO"

Bro. Floridel Bambo
Provincial Grand Skeptron
Rizal Provincial Council - NGC

Matagumpay na nailunsad ng ating mga kapatid Mula sa DELTA KAPPA ang ginanap na feeding program sa SANTOLAN ST. BRGY KUH...
22/09/2024

Matagumpay na nailunsad ng ating mga kapatid
Mula sa DELTA KAPPA ang ginanap na feeding program sa
SANTOLAN ST. BRGY KUHALA CARDONA RIZAL

napagtagumpayan ito sa pagtutulangan ng bawat isa

Tuloy tuloy na pagkakaisa .. Para sa tuloy tuloy na tagumpay



11/09/2024

Unity Statement: Ika-13 Anibersaryo ng Alpha Kappa Rho Rizal Provincial Council

Sa araw na ito, ipagdidiwang natin ang ika-13 anibersaryo ng Rizal Provincial Council,
Damhin natin ang bigat ng kasaysayan na ating binubuo—isang kasaysayang puno ng sakripisyo, pagmamahal, at walang hanggang pagkakaisa.
Sa loob ng labing-tatlong taon, bawat miyembro ng ating konseho ay naging bahagi ng isang dakilang layunin, isang misyon na nagpapalaya sa atin mula sa indibidwal na interes upang maglingkod sa mas mataas na adhikain ng kapatiran at serbisyo.

Sa bawat pagtapak natin sa landas ng pagkakaisa, ramdam natin ang bawat hakbang na pinagtagpi-tagpi ng mga panata at pangako—mga pangakong buo nating tinupad sa kabila ng mga pagsubok. Nasa ating mga alaala ang mga gabi ng pakikipagkaibigan,
Ang mga umaga ng pagtulong sa kapwa, at ang mga oras ng pagdadamayan sa gitna ng unos. Sa bawat luha, sa bawat tawa, sa bawat galak, ang Alpha Kappa Rho Rizal Provincial Council ay patuloy na naging ilaw at gabay, nagsisilbing tahanan para sa bawat isa na nagnanais ng tunay na kapatiran.

Hindi naging madali ang ating paglalakbay. Maraming unos ang ating hinarap—may mga pagkakataong sinubok ang ating tatag, pinilit tayong bumitiw, ngunit tayo’y nanatili.
Sa bawat pagsubok na dumating, nagtagumpay tayo dahil sa ating pagkakaisa at sa ating pananampalataya sa isa't isa.
Ang ating samahan ay higit pa sa isang grupo; ito ay isang pamilyang binuo ng dugo, pawis, at luha—isang pamilyang handang ialay ang lahat para sa kapatiran at bayan.

Ngunit sa gitna ng ating tagumpay, hindi natin maikakaila ang mga hamon na dinala ng pulitika at iba pang mga salik na nagbunsod ng pagkakahati sa ating hanay. Sa mga nakaraang taon, nasaksihan natin ang pagkakawatak-watak ng ating mga opisyales, hindi lamang sa loob ng ating pamprobinsyang konseho kundi maging sa antas nasyonal. Ang mga pag-aaway at hindi pagkakaunawaan ay nagdulot ng lungkot at panghihinayang, ngunit ito rin ay naging paalala na ang tunay na kapatiran ay sinusubok hindi sa mga oras ng kasaganaan kundi sa mga oras ng krisis.

Sa harap ng mga pagsubok na ito, tayo ay nananatiling matatag. Ang Rizal Provincial Council ay hindi magpapadaig sa anumang hamon. Sa halip, tayo’y magsisilbing inspirasyon para sa lahat—upang ipakita na ang tunay na kapatiran ay hindi nasisira ng mga alitan, kundi lalo pang pinatatag ng mga ito. Ang ating diwa ng pagkakaisa ay mananatiling buhay, umaalab, at patuloy na magbibigay ng lakas sa bawat isa sa atin.

Sa paggunita natin ng ika-13 anibersaryo, tayo’y muling magpapaalala sa bawat isa kung bakit tayo naririto.
Tayo ay magsama-sama hindi lamang para ipagdiwang ang mga nagdaang tagumpay kundi upang muling pagtibayin ang ating mga pangako sa hinaharap. Sa bawat araw na lilipas,
patuloy nating dadalhin ang apoy ng Alpha Kappa Rho sa ating mga puso—isang apoy na walang hanggang mag-aalab, magbibigay liwanag, at magpapainit ng damdamin para sa kapwa.

LONGLIVE ALPHA KAPPA RHO!
LONGLIVE RIZAL PROVINCIAL COUNCIL!

"SKEPTRONS: STRONGER TOGETHER, BETTER TOGETHER"

kaya wag mong sayangin at gamitin sa hindi maganda ang salitang akrho
24/08/2024

kaya wag mong sayangin at gamitin sa hindi maganda ang salitang akrho

07/08/2024

HAPPY 51st FOUNDING ANNIVERSARY
ALPHA KAPPA RHO

Patuloy na Pag ningasin ang apoy ng PAGKAKAISA
Para sa pagtulong sa komunidad



Matagumpay na nailunsad ng Alpha kappa rho Cardona municipal grand council LAMBDA KAPPA CHAPTER ang proyektong feeding p...
04/08/2024

Matagumpay na nailunsad ng Alpha kappa rho
Cardona municipal grand council
LAMBDA KAPPA CHAPTER
ang proyektong feeding program
Sa brgy looc cardona rizal

Katuwang ang mga kapatid sa lanang chapter
At sangguniang kabataan ng brgy looc

Tuloy tuloy na pagkakaisa at pagtutulungan

LONGLIVE LAMBDA KAPPA CHAPTER
LONGLIVE CARDONA MUNICIPAL GRAND COUNCIL
LONGLIVE RPC-NGC
LONGLIVE ALPHA KAPPA RHO 🤟🏼

25/07/2024

ALPHA KAPPA RHO CARDONA MUNICIPAL GRAND COUNCIL CLEAN UP DRIVE PROJECTWAVE 1 and 2 Patunhay-Calahan elementary schoolnap...
06/05/2024

ALPHA KAPPA RHO
CARDONA MUNICIPAL GRAND COUNCIL
CLEAN UP DRIVE PROJECT

WAVE 1 and 2

Patunhay-Calahan elementary school

napag tagumpayan ng alpha kappa rho
Cardona municipal grand council ang ginanap na
Clean up drive project
Wave 1 (May 1,2024)
wave 2(May 5,2024)
sa Patunhay-Calahan elementary school

Address

Cardona

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AKRHO Cardona Municipal Grand Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share