29/08/2026
๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐๐-๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐ง๐จ๐จ๐ง๐ ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ, ๐๐๐๐
Ipinagdiwang ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon Kampus ng Castilla ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ noong Agosto 26, 2026. Masiglang lumahok sa okasyong ito ang mga opisyales, g**o, kawani, at mga mag-aaral ng SorSU upang ipagdiwang ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga makukulay, tradisyunal, at modernong kasuotang Filipiniana at katutubong Pilipino na kanilang ipinakita sa pamamagitan ng isang parada.
Sa pambungad na pananalita ni Dr. Milagros N. Ebuenga, Direktor ng Kampus ng Castilla, ipinaalala niya sa atin na marapat nating huwag kalimutan ang sarili nating wika at kultura sa harap ng makabagong teknolohiya; sa halip, ito ay dapat nating payabungin.
Sa mensahe naman ni Dr. Felisa D. Marbella, Direktor ng SorSU Sentro ng Wika at Kultura, kaniyang nabanggit na mahalagang matutong gumamit ng bagong teknolohiya at sumuri ng impormasyon, ngunit kailangan pa ring ipagmalaki at gamitin ang sarili nating wikaโt pagkakakilanlan.
Sa paningit na bilang ay nagpamalas naman ng talento sa pagsayaw ang Agrikorista de Castilla, na binubuo ng mga kaguruan at kawani ng Kampus ng Castilla. Ang kanilang sayaw ay kumuha ng inspirasyon sa bansang Myanmar, isa sa ating mga kapatid sa Timog-Silangang Asya. Sumunod naman sa Agrikorista de Castiila ang mga mananayaw ng Kultura at Arte sa isang makulay at labis na nakabibighaning numero.
Sa kanyang mensahe, ipinaalala sa atin ni Pangulong De Jesus ang malalim na kahalagahan ng ating wika. Ayon sa kanya, ang wikang Filipino at ang mga katutubong wika sa bansa ay hindi lamang instrumento sa pakikipagtalastasanโang mga ito ay haligi ng ating kalayaan, kasarinlan, at pambansang dangal. Kaniya ring binigyang-diin na hamon at pananagutan nating bawat isa na buhayin, pangalagaan, at ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa ating sariling wika, kultura, at pagkakakilanlan saan man tayo magtungo.
Nagpamalas din ng husay sa pagsayaw ang daan-daang magaaral na nasa una at ikalawang taon nang sila ay sumayaw ng Pantomina de Sorsogon. Mayaโt maya naman at silaโy dinaluhan ng mga opisyales, g**o, at kawani ng paaralan kayaโt nagmistulang pistahan ang pagdiriwang. Matapos naman ang sayawan ay nagsalusalo ang lahat sa Kainan sa Uma.
Ginanap naman kinahapunan ang Laro ng Lahi, at ibaโt ibang patimpalak, tulad ng ng pagbigkas ng sariling tula, isahang pag-awit, at dagliang talumpati. Pagkatapos ng paligsahan ay ginawaran ng parangal ang mga nanalo sa ibaโt ibang patimpalak at ang mga mag-aaral na may pinakamahusay na kasuotan.
Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay patunay lamang na sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng makabagong teknolohiya tulad ng AI, nananatiling buhay at nag-aalab ang pagmamahal ng komunidad ng SorSU Castilla sa pambansang wika at kulturang Pilipino. Sa pagtatapos ng makabuluhang okasyong ito, baon ng bawat opisyales, g**o, kawani, at mag-aaral ang hamon na patuloy na gamitin ang wika hindi lamang bilang kasangkapan sa karunungan, kundi bilang habambuhay na simbolo ng pambansang dangal at pagkakakilanlan.