08/03/2026
[Huwag mag-komento kung hindi nabasa ng buo]
May nagtanong sa akin patungkol sa Initiation rites o ang proseso ng pagsali sa SRB.
Sabi ko hindi kita masasagot ng direcho, pero may ibibigay akong dalawang argumento na pwede mong kuhaan ng ideya at timbangan kung ano ang dapat sundin.
Una, Ang sabi ng mga maka-tradisyon.
-- Hindi dapat maalis sa SRB ang tradisyunal na pamamaraan ng pagsali. Hindi dapat mawala ang Sili na pampakalma, Indian Run, Belting & Candling at ang pagdampi ng Tsokolate sa Finals at Ritual Rites. Kasi unfair sa ibang brods at sis na halos magbuwis ng buhay para lamang makasali ng SRB. Hindi madali sa kanila na makasali sa SRB tapos may magpapakilalang mga brods at sis na hindi dumaan sa tradisyon? Malabo! Hindi nila mamahalin ang SRB dahil hindi nila naramdaman ang sakit, hindi sila nahirapan sumali.
Ang pangalawa, Ang bumasag sa tradisyong sakitan at tumalima sa batas ng pilipinas.
-- Hindi na tayo dapat dumaan sa tradisyon na sakitan. Ilang tao na ang nagbuwis ng buhay para diyan. At madadagdagan pa ng madadagdagan kung ipagpapatuloy pa. May nga alternatibo namang pamamaraan para makasali ang isang indibidwal ng hindi siya nasasaktan at dumadaan sa paghihirap ng katawan at pag iisip. Pwede namang tanggalin na ang Tradisyunal na sakitan sa pagsali at palitan ng "Community Service" nalang at bugbugin nalang pagdating sa "Lecture o katuruan ng SRB". Maaari namang bigyan nalang ng specific na bilang ng oras kung ilang oras sila dapat mag-community service sa kanilang lugar o mag-report sa nga lords and ladies. At bilang SRB, diba dapat Law abiding citizen tayo? Eh, Ang pananakit sa utak, emosyon at pisikal ay kabilang sa R.A. 11053 o ang batas sa pilipinas tungkol sa pagbabawal sa Pananakit mentalidad, emosyonal at pisikal na nilagdaan noong 2018 na may kaparusahang 40 years na pagkakakulong at pagbabayad ng perang danyos sa pamilya ng biktima sa sinumang mapapatunayang gumawa. Minsan na din tayong naitampok sa balita nang dahil sa namatay na "Pledgee". Isang namatay matapos ng Initiation rites at ang isa naman ay babaeng pledgee na namatay nang dahil sa nabaril ng brods sa ulo ng hindi sadiya habang nagrereport sa kanila ang babaeng pledgee. Huwag na sanang maulit at madagdagan pa.
Ano ang Antiz Hazing Law i Republic Act. No. 11053?
Ang Anti-Hazing Law o Republic Act No. 11053 ay isang batas sa Pilipinas na nagbabawal sa hazing o anumang uri ng pananakit o pang-aabuso sa mga tao, partikular sa mga miyembro ng mga fraternity, sorority, at iba pang organisasyon. Ito ay nilagdaan noong 2018 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Narito ang mga mahahalagang punto ng batas:
1. Pagbabawal sa Hazing: Bawal ang hazing o anumang gawaing nagdudulot ng pisikal o emosyonal na pinsala sa mga tao.
2. Pagtatangka sa Hazing: Hindi lamang ang mga sasailalim sa initiation rites ang maaaring kasuhan, kundi pati na rin ang mga nagtangka ngunit hindi nagtagumpay na magsagawa ng Initiation.
3. Requisito sa Initiation Rites: Ang mga organisasyon ay kinakailangang magsumite ng mga detalye ng kanilang initiation rites sa mga otoridad at kailangang walang hazing na kasama.
4. Pananagutan ng mga Opisyal ng Organisasyon: Ang mga opisyal ng organisasyon ay maaaring kasuhan at panagutin kung mayroong hazing na nangyayari sa loob ng kanilang grupo.
5. Parusa: Ang mga nagpapahazing ay maaaring makulong hanggang 40 taon at magbayad ng danyos sa mga biktima.
6. Proteksyon sa mga Biktima: Ang mga biktima ng hazing ay may karapatang magpahinga at magsumite ng reklamo sa mga otoridad nang walang takot sa paghihiganti.
7. Edukasyon at Kamalayan: Kinakailangan ang mga paaralan at organisasyon na magtayo ng mga programa upang ipakilala ang mga panganib ng hazing at promosyon ng kultura ng paggalang at pagmamalasakit.
Ang batas na ito ay isang hakbang ng gobyerno upang maprotektahan ang mga buhay at karapatang pantao ng mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan at mga mag-aaral, mula sa mga mapaminsalang gawaing hazing.
So, Tayo nalang ang mag timbang kung ano ang dapat gawin. Malaking usapin ito. Huwag basta-basta mag komento lalo kung hindi masyado nakakaintindi sa argumento. Proud ako na dumaan ako sa tradisyonal na pamamaraan, hanggang ngayon naka bakat parin sa hita ko ang tamis ng dinaanan ko. Pero hindi ko iminumungkahe na mangyari din yun sa iba
Note : Basahin at intindihin ng may malawak na pang unawa.