Isabela State University - Sentro ng Wika at Kultura

Directions Website

Isabela State University - Sentro ng Wika at Kultura Wikang Filipino sa matalino, makakalikasan, at makabayang Akademya at Lipunan

16/10/2026

๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐–๐ˆ๐† ๐€๐๐† ๐ƒ๐„๐€๐ƒ๐‹๐ˆ๐๐„ ๐๐† ๐๐€๐†๐’๐”๐’๐”๐Œ๐ˆ๐“๐„ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐€๐‡๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐†๐€๐–๐€๐ƒ ๐‰๐”๐‹๐ˆ๐€๐ ๐‚๐‘๐”๐™ ๐๐€๐‹๐Œ๐€๐’๐„๐ƒ๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ• ๐’๐€ ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilรกla na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larangan gรกmit ang wikang Filipino.

Layunin nitรณ na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas ng mga akdang orihinal, kabรญlang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa ibaโ€™t ibang disiplina.

May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lรกmang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.

Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng sampung nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert E. Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovella G. Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Ezekiel J. Fajardo, tesis sa antropolohiya (2017); Emmanuel S. De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018); Wenilyn F. Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); Regina Starr B. Abelardo, tesis sa musika at panitikan (2020); Roque Augustus L. Lamadrid, tesis sa araling kultural at Jonathan V. Geronimo, disertasyon sa araling kultural (2022); Kristine Mae M. Nares, tesis sa araling kultural, at Mariyel Hiyas C. Liwanag, disertasyon sa araling wika (2025); at Darwin P. Plaza, tesis sa katutubong kaalaman sa kalamidad, at Ferdinand P. Jarin, disertasyon sa panitikan ng banwa at bansa (2026).

Makatatanggap ng halagang PHP100,000.00 (net) at isang plake ng pagkilรกla ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

TUNTUNIN:

1.Ang gawad ay bukรกs sa lahat ng mga estudyante, babae man o lalรกki, sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.

2.Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasรก sa mga taรณng 2023โ€“2025.

3.Kinakailangan itong isulat bรญlang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa iba pang kaugnay na larangan.

4.Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa wikang Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bรญlang aklat, at hindi rin salin mula sa ibang wika.

5.Marapat na gamรญtin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) (i-download ang libreng sipi sa website ng KWF) bรญlang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at iba pa.

6.Para sa paglahok, kinakailangang isumite nang apat (4) na limbag na kopyang makinilyado o computerized (hardcopy). Ang kopya ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lรกmang ang pahihintulutang nakalimbag sa manuskrito.

7.Ang mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay, pahina ng grado at ebalwasyon, at iba pang katulad ay ilalakip sa isang bukod na brown envelope, kasรกma ang sumusunod:

7.1.Apat (4) na kopya ng limbag na lahok (softbound o ring bind);
7.2.curriculum vitae ng may-akda;
7.3.pormularyo ng paglahok: https://drive.google.com/file/d/1b3aKAB7jj9Us4urZiQSN4py7m3FSBHg3/view?usp=drive_link
7.4.notaryadong awtentipikasyon ng lahok;
7.5.notaryadong katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng tagapayo;
7.6.rekomendasyon mula sa dalawang propesor sa kinabibilangang larangan;
7.7.rekomendasyon mula sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
7.8.rekomendasyon mula sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo; at
7.9.dihital na kopya ng lahok na nรกsa isang universal serial bus (USB) drive.

8.Ang dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2027
Komisyon sa Wikang Filipino
2P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
1005 San Miguel, Lungsod Maynila

9.Ang hulรญng araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 30 Oktubre 2026, 5:00 nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lรกmang ng KWF ang mga lahok na naipadala bago o sa nabanggit na petsa.

10.Ang mga magwawagi sa kategorya ng tesis at disertasyon ay makatatanggap ng PHP100,000.00 (net), plake, at medalya. May isang magwawagi lรกmang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

11.Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.

12.Hindi patatawarin ang sinumang mahuhรบli nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

13.Ang mga dokumentong ipinadala ng mga lumahok, nanalo o hindi, ay hindi na ibabalik sa mga may-ari.

14.Pรกra sa karagdagang detalye, mag-email sa .

Paalala: Para sa pagbubukas ng mga link, tiyaking kayo ay naka-login sa inyong Google account upang maakses ang mga pormularyo.



๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€, ๐’๐ˆ๐†๐‹๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐’๐€8 Oktubre 2026 | Episode 27 | Kasama si Anj EllazarMamaya, makakasama...
08/10/2026

๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€, ๐’๐ˆ๐†๐‹๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐’๐€

8 Oktubre 2026 | Episode 27 | Kasama si Anj Ellazar

Mamaya, makakasama natin si Kgg. Antonio L. Tinio, kinatawan ng ACT Teachers Party-list, para sa ika-27 at huling episode ng Season 1 ng Tara Na! Usapang Wika, Sigla ng Bansa.

Bibigyang-pansin ang kaniyang tinanggap na pagkilala bรญlang Gawad Carlos Padilla 2026 ng KWF at ang kaniyang mga ambag sa pagsusulong at pagpapalakas ng wikang Filipino at mga katutubong wika.

Tatalakayin din ang Batas Republika Blg. 11106 o Filipino Sign Language (FSL) Act, ang paggamit ng FSL sa edukasyon at mga serbisyong pampubliko, at ang kahalagahan nito sa pagtataguyod ng karapatan sa wika at komunikasyon ng mga Binging Pilipino.

Alamin kung paano nagiging bahagi ng edukasyon, serbisyo publiko, at ingklusibong komunikasyon ang pagsusulong sa mga wika ng Pilipinas.

Samahan kami mamaya, 1:00 ng hapon!

Tara na! Usapang wika, batas, edukasyon, at inklusibong komunikasyon.

๐Ÿ“ข INAANYAYAHAN ANG LAHAT!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ PAMBANSANG KUMPERENSIYA SA WIKA AT KULTURA 2026Tema:โ€œMga Wika ng Luzon: Hamon at Oportunidad...
07/10/2026

๐Ÿ“ข INAANYAYAHAN ANG LAHAT!
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ PAMBANSANG KUMPERENSIYA SA WIKA AT KULTURA 2026
Tema:
โ€œMga Wika ng Luzon: Hamon at Oportunidad sa Edukasyon at Pananaliksikโ€

Ang Tanggapan ng mga SWK-LUZON ay malugod na nag-aanyaya sa mga g**o, mag-aaral, mananaliksik, manunulat, propesyonal, mga samahang pangwika, at mga institusyong pang-edukasyon na makiisa sa isang makabuluhang pambansang talakayan tungkol sa wika, kultura, edukasyon, at pananaliksik.

๐Ÿ“… Disyembre 5โ€“6, 2026
๐Ÿ’ป Online via Zoom

Tampok sa dalawang araw na kumperensiya ang mga panayam, talakayan, at pagbasa ng mga papel-pananaliksik na tumatalakay sa mga usapin ng wika, panitikan, kultura, edukasyon, dokumentasyong pangwika at pangkultura, at pananaliksik.

๐Ÿ“ REHISTRASYON
๐ŸŽ“ Mag-aaral sa Kolehiyo โ€” Php 150.00
๐ŸŽ“ Mag-aaral sa Gradwadong Paaralan โ€” Php 300.00
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ Propesyonal โ€” Php 500.00

๐Ÿ”— Registration Link:
https://forms.gle/ef7yvomEUbrsZrwb6

๐Ÿ“ฑ PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON
page: Pambansang Kumperensiya sa Wika at Kultura
E-mail: [email protected]

๐Ÿ“ฃ Makiisa. Makibahagi. Magbahagi ng kaalaman.
Sama-sama nating itaguyod ang Wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang bahagi ng ating edukasyon, pananaliksik, kultura, at pagkakakilanlan.

Kita-kits sa Zoom ngayong Disyembre 5โ€“6, 2026!








๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ!Sa likod ng ating edukasyon ay may mga tรกong hindi nagsasawang magbahagi ng kaala...
05/10/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ!

Sa likod ng ating edukasyon ay may mga tรกong hindi nagsasawang magbahagi ng kaalaman, maniwala sa ating kakayahan, at gumabay sa paghubog ng ating mga pangarap.

Halinaโ€™t ibida ang hindi malilimutang katangian o paboritong alaala tungkol sa ating mga g**o!

๐‘ท๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’€๐’๐’ˆ๐’‚๐’…, ๐‘ฐ๐’”๐’–๐’”๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐‘จ๐’Œ๐’๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’๐’Ž๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ (๐‘ฒ๐‘พ๐‘ญ)Isinusulong ng Komisyon sa Wikang Fili...
02/10/2026

๐‘ท๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’€๐’๐’ˆ๐’‚๐’…, ๐‘ฐ๐’”๐’–๐’”๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐‘จ๐’Œ๐’๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’๐’Ž๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ (๐‘ฒ๐‘พ๐‘ญ)

Isinusulong ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Pamahalaang Bayan ng Echague, at Isabela State University (ISU)โ€“Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang isang proyekto para sa paglalathala ng Kuwentong Bayan ng Echague sa anyong diglot na komiks gamit ang Wikang Filipino at Wikang Yogad, bilang bahagi ng Aklat ng Bayan ng KWF.

Layunin ng proyekto na maidokumento, mapangalagaan, at maipalaganap ang mga kuwentong bayan ng Echague sa isang malikhaing anyo, habang napapanatili ang ugnayan ng mga salaysay sa Wikang Yogad at nagkakaroon ng mas malawak na akses ang mga mambabasa sa pamamagitan ng Filipino. Inaasahang magsisilbi rin itong materyal na pangwika, pampanitikan, pangkultura, at pang-edukasyon para sa mga mag-aaral, g**o, mananaliksik, at pamayanan.

Bilang bahagi ng pagsulong ng proyekto, isinagawa noong 2 Oktubre 2026 ang isang pagpupulong ng mga kinatawan ng KWF, LGU-Echague, at ISU upang talakayin ang mga susunod na hakbang para sa pagbuo at paghahanda ng publikasyon.

Dumalo mula sa KWF sina Angelica Ellazar, Linguistics Specialist at Tagapamahala ng Aklat ng Bayan; Raymart T. Lolo at Hannah V. Salera, Senior Editors; at Rona Geneva P. Alcantara, Administrative Staff. Kinatawan naman ng LGU-Echague si Louie Simbe, Municipal and Cultural Officer. Mula sa ISU ay dumalo si Dr. Mark-Jhon R. Prestoza, Pampamantasang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, kasama ang ilang g**o ng Kolehiyo ng Edukasyon, ISUโ€“Cauayan Campus.

Sa panukalang publikasyon, ilalahad ang mga piling Kuwentong Bayan ng Echague sa pamamagitan ng komiks na gumagamit ng Filipino at Yogad. Sa ganitong paraan, mailalahad ang mga salaysay sa wikang malapit sa pinagmulan ng mga ito habang nagkakaroon ng mas malawak na akses ang mga mambabasa.

๐‘ผ๐’–๐’”๐’‚๐’… ๐‘ต๐’ˆ๐’‚๐’š๐’๐’๐’ˆ 2026, ๐‘ท๐’๐’‚๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’๐’–๐’๐’”๐’‚๐’… ๐’”๐’‚ 2027

Ngayong 2026, isusulong ang mga kinakailangang gawain para sa pagpapaunlad ng manuskrito at paghahanda ng publikasyon, kabilang ang pagsusuri, pag-edit, pag-aangkop ng teksto sa Filipino at Yogad, at paghahanda ng biswal na anyo ng komiks.

Samantala, planong ilunsad sa 2027 ang publikasyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng KWF, ISUโ€“SWK, at LGU-Echague. Isinasaalang-alang ang paglulunsad sa Isabela State University at Pamahalaang Bayan ng Echague, Isabela, bilang bahagi ng mga gawaing pangwika at pangkultura ng mga katuwang na institusyon.

Sa pamamagitan ng proyekto, layunin ng mga katuwang na mapanatili at maipalaganap ang mga Kuwentong Bayan ng Echague at higit na mapalakas ang pagpapahalaga sa Wikang Yogad at lokal na panitikan bilang bahagi ng pamanang pangwika at pangkultura ng pamayanan.

๐€๐๐€๐๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€๐๐† ๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€, ๐’๐ˆ๐†๐‹๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐’๐€24 Setyembre 2026 | Episode 25 | Kasama si Angelica EllazarSa...
23/09/2026

๐€๐๐€๐๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€๐๐† ๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€! ๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€, ๐’๐ˆ๐†๐‹๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐’๐€

24 Setyembre 2026 | Episode 25 | Kasama si Angelica Ellazar

Sa Episode 25, makakasama natin si Atty. Michael Jobert I. Navallo, Chief Communications Officer. Siya ang kinatawan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na ginawaran ng KWF Dangal ng Wika 2026 sa kategoryang samahan/institusyon.

Tampok sa panayam ang mga programa at inisyatiba ng Kataas-taasang Hukuman sa paggamit ng wikang Filipino sa mga usaping panghukumanโ€”mula sa mga katawagang legal at pahayag sa publiko hanggang sa mga diskursong may kaugnayan sa batas at katarungan.

Tatalakayin din kung paano nagsisilbing tulay ang wikang Filipino upang maging higit na malinaw, nauunawaan, at malapit sa sambayanan ang mga usaping legal at konsepto ng katarungan.

Tara na! Abangan ang isang makabuluhang usapan tungkol sa wika, batas, at katarungan.

๐ˆ๐’๐” ๐š๐ญ ๐€๐ƒ๐’๐’๐”, ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐šPinagtitibay ng Isabela State...
19/09/2026

๐ˆ๐’๐” ๐š๐ญ ๐€๐ƒ๐’๐’๐”, ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š

Pinagtitibay ng Isabela State University (ISU) at Agusan del Sur State University (ADSSU) ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng isang magkatuwang na proyekto para sa digitalisasyon ng wika gamit ang AI at NLP.

Dinaluhan ng mga mananaliksik at lingguwista mula sa ISU at ADSSU ang pulong-pagsisimula ng nasabing proyekto noong Setyembre 11, 2026, na isinagawa sa pamamagitan ng Zoom.

Naging sentro ng pulong ang pagtalakay sa direksiyon, saklaw, mga gawain, at mga susunod na hakbang para sa GabAI: Pagbuo ng Sistemang NLP para sa Digitalisasyon ng Wika. Itinalaga ang wikang Yogad bilang pangunahing wikang susubukan sa unang yugto ng proyekto.

Sa isinagawang talakayan, binigyang-diin ng bawat panig ang kahalagahan ng pagsasama ng kaalamang pangwika, pananaliksik, teknolohiya, at pakikilahok ng pamayanan sa pagbuo ng mga kagamitang digital para sa wika.

Isa sa mahahalagang bunga ng pulong ay ang paunang pagbuo ng burador ng Memorandum ng Unawaan (MOU) sa pagitan ng ISU at ADSSU. Layunin ng kasunduang ito na maglatag ng pormal na saligan para sa patuloy na pagtutulungan ng dalawang pamantasan sa pananaliksik at iba pang kaugnay na gawaing pang-akademiko.

Kabilang sa mga tinalakay na maaaring maging bahagi ng kasunduan ang magkatuwang na pagsasagawa ng mga gawaing pananaliksik, pagpapalitan ng kaalaman at kasanayan, paggamit at pagpapaunlad ng mga kagamitang pananaliksik, at iba pang gawaing kapwa pagkakasunduan ng dalawang institusyon.

Mahalaga rin sa pagpapaunlad ng proyekto ang pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Echague, lalo na sa mga gawaing may kaugnayan sa dokumentasyon, pangangalaga, at pagpapaunlad ng wika sa pamayanan.

Ang pulong-pagsisimula ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang mapag-ugnay ang mga kaalaman at kakayahan ng mga mananaliksik at lingguwista mula sa dalawang pamantasan at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa maayos na pagpapatupad ng proyekto.

Inaasahang susundan ang pulong ng karagdagang konsultasyon at pagpipino sa mga dokumento, plano, at mekanismo ng pagtutulungan, kabilang ang Memorandum ng Unawaan (MOU) na bubuo sa pormal na ugnayan ng ISU at ADSSU.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ISU- Sentro ng Wika at Kultura ng mga gawaing naglalayong mapangalagaan, maidokumento, at mapaunlad ang mga wika at kulturang lokal sa pamamagitan ng pananaliksik at makabagong teknolohiya.

Sa pamamagitan ng ugnayan ng ISU, ADSSU, at Lokal na Pamahalaan ng Echague, inilalatag ang pundasyon para sa isang mas organisado at makabuluhang pagsisikap na maiugnay ang wika, pananaliksik, pamayanan, at teknolohiya tungo sa pangangalaga at pagpapaunlad ng wika sa makabagong panahon.

๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐’๐€๐‹๐ˆ๐ ๐๐† ๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐Œ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐๐“๐€๐’๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐„๐‹๐€Inilalahad ng ISU โ€“ Sentro ng Wika at Kultur...
19/09/2026

๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹ ๐๐€ ๐’๐€๐‹๐ˆ๐ ๐๐† ๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐Œ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐๐“๐€๐’๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐„๐‹๐€

Inilalahad ng ISU โ€“ Sentro ng Wika at Kultura (ISU-SWK) ang opisyal na salin sa Filipino ng Bisyon at Misyon ng ISU, na pinagtibay sa pagsusuri ng Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Hinihikayat ang lahat ng opisina, yunit, kampus, kaguruan, kawani, at mag-aaral ng ISU na gamitin ang opisyal na salin sa Filipino sa mga kaukulang dokumento, publikasyon, presentasyon, materyales pang-impormasyon, at iba pang opisyal na komunikasyon ng Pamantasan.

Sa pamamagitan ng iisang opisyal na salin, napagtitibay natin ang pagkakaisa sa komunikasyon, identidad ng institusyon, at pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at pamamahala.

Address

San Fermin
Cauayan
3305

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Isabela State University - Sentro ng Wika at Kultura posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share