27/08/2026
PART 2 | BUWAN NG WIKA 2026: TALENTO AT KULTURA, BUMIDA SA TANGHALI ๐ต๐ญ
Ipinagpatuloy sa DEBESMSCAT โ Cawayan Campus ang masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng ibaโt ibang paligsahan at pagtatanghal na nagbigay-buhay sa wikang Filipino, sining, at kulturang Pilipino.
Pagsapit ng tanghali, naging tampok ang mga paligsahan sa Kundiman, Balitaw, Pagbigkas ng Tula, at Spoken Poetry o Tulaang Pasalita, kung saan naipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pag-awit, pagbigkas, pagpapahayag, at malikhaing paggamit ng wikang Filipino.
Sinundan ito ng pagpili ng Lakan at Lakambini, na nagbigay-diin sa talento, kultura, at pagmamalaki sa pagiging Pilipino. Naging makulay rin ang Kantahan at Sayawan sa Nayon, na nagbigay-buhay sa mga awit, sayaw, sining, at tradisyong sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng bansa.
Bilang pagkilala sa husay at pakikilahok, isinagawa rin ang pagbibigay ng mga gantimpala at sertipiko sa mga kalahok at nagwagi sa ibaโt ibang gawain.
Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang, muling nasilayan ang yaman ng kulturang Pilipinoโsa bawat awit, sayaw, tula, at tinig na nagpapaalala sa kahalagahan ng ating wika at pagkakakilanlan.
๐ท: Janief Allysa Camacho
Kiszhea Pear Auman
Ernie Ano-os
Jazmen Cueva
โ๏ธ: Janief Allysa Camacho