Blk_n_wht21 stories

Blk_n_wht21 stories stories

LAST TEARS book 1 ( PAST )CHAPTER 8Leona's pov Nasa bahay ako ngayon nakatingala sa kisame ng aking kwarto. Nag- iisip. ...
07/06/2025

LAST TEARS book 1 ( PAST )

CHAPTER 8

Leona's pov

Nasa bahay ako ngayon nakatingala sa kisame ng aking kwarto. Nag- iisip. Nagmuni- muni. Walang pasok ngayon dahil sa Sabado ngayon. Wala rin akong lakad dahil hindi ako pinapagagan nila mom at dad dahil parusa ko raw ito! Parusa sa kadahilanan na sinuway ko ang utos nila at nalantad ang katotohanan.

Hindi ko lubos maisip na naging ganito ang takbo ng buhay ko dahil sa ginawa ng kakambal ko. Bakit ba sila ganito sa akin? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang sundin ang kagustuhan nila kaysa sa kagustuhan ko hah!

Napatulo nalang ang aking luha sa aking mga mata. Mahina kong hikbi ang namayami sa aking silid.

Hindi ko na kaya ang pagpapahirap at pagpapasakit sa akin ng mga taong minahal ko ng lubos! Ano ba talaga ang kasalanan ko at bakit ginaganito nila ako? Grabe ba ang pagkamuhi nila sa akin? Pati si Cain na best friend ko at matagal ko ng napupusuan ay nilayoan na ako't nagmahal na siya ng iba, at iyon ay kasalanan ko. I've ruined my twin's relationship!

Napatakip nalang ako ng aking mukha at hinahayaang pinadaloy ang mga luha ko.

Kailan ko kaya maangkin ang kasiyahan at kalayaan?

KRINGGG....

Napahinto ako sa aking pag- iyak at pinahiran ang luha ko gamit ang k**ay ko at umupo sa aking k**a.

Sino kaya ang tumatawag?

Inabot ko ang eyeglasses ko na nasa aking mesa at isinuot ito bago inabot ang cellphone kong nagri-ring.

UKNOWN?

Sino kaya itong unknown number? At bakit napatawag ito sa akin? Sagutin ko nga at baka si Trich to.

Pinindot ko ang 'accept' button upang masagot ang tumatawag sa akin.

"Hello?",pauna kong ani at inantay ang sagot nang taong nasa kabilang linya ng tawag.

"Is this Ma'am Leona?" Sino kaya ang babaeng tumatawag sa akin ngayon? Ano kaya ang pakay nito sa akin?

"Yes. Bakit po? Ano po bang pakay niyo?"

"Andito po kasi si Sir ano name noon bhe?" Dinig kong lintanya nung babae na nasa kabilang linya ng tawag."Cail ata iyon?" Dinig ko namang sagot nang isa pang babae.

Cail? Or Cain?

"Cain?" Bakit napasama ang name niya?

"Ah oo. Cain pala. Andito kasi siya sa Makati Bar. At ngayon, ito siya nagwawild po at hindi po mapigil- pigil ng mga tao po rito. Sana po ay puntahan niyo siya rito at awatin niyo po kasi kanina pa bugbog sarado ang mga boun-" I cut off what the girl might saying.

May jowa iyong si Cain at bakit ako pa ang tinawagan nila? Are they out of their mind?

"Maybe hindi po ako ang kailangan niya. May jowa po ang tao na iyan at Tiffany po ang pangalan. Baka pwede po siya nalang at tawagan ninyo. Baka andiyan sa phone niya ang number.", lintanya ko pa at napabuntong ng malalim na hininga.

Kay aga nagwawild! Sa Bar pa!

"Ma'am. Pangalan mo po kasi ang tinatawag - LEANA! PLEASE COME BACK TO ME!" Did I hear it right? LEANA hindi LEONA!

"It's LEANA not LEONA. So excuse me miss dahil may gagawin pa ako." Pinatay ko na ang linya at baka ano pa ang marinig ko sa kabilang linya na mas lalong duduroh sa puso kong nangungulila.

LAST TEARS book 1 ( PAST )CHAPTER 7 CAIN's povSobrang saya ko ng nagbago na ang babaeng mahal ko. Alam kong napakagago k...
07/06/2025

LAST TEARS book 1 ( PAST )

CHAPTER 7

CAIN's pov

Sobrang saya ko ng nagbago na ang babaeng mahal ko. Alam kong napakagago ko upang mahalin si Leana na hindi naman talaga ako minahal kagaya ng pagmamahal ni Grae sa akin. Ngunit siya kasi ang tinitibok ng aking puso simula ng bata palang kami. Ngunit nadismaya ako dahil sa aking nalaman. Si Grae pala ang kasa- kasama ko halos tatlong buwan na? Paano niya nagawa sa akin ito?

FLASHBACK...

"Babe wait!",sigaw ko pa at dali- daling hinila si Leana papaharap sa akin. Hindi na ako nagpaligoy- ligoy pa at niyakap ko siya nang kay higpit.

Ayaw ko ng pakawalan pa ang babaeng ito. Mahal na mahal ko siya.

Hinalikan ko sa kanyang noo. Sanay ako gawin ito sa kanya. Simula nung naging kami, tanging sa noo ko lang hinahalikan siya tanda ng pagiging gentleman ko.

"I love you.",nakangiting wika ko at kumawala sa pagyakap kay Leana.

Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo. Kaya sigurong hulog na hulog ang puso ko sa kanya.

Napakurap- kurap muna si Leana bago sumagot sa akin na nagpangiti sa akin nang kay laki.

"I love you too.",sagot ni Leana at dali- daling binuksan ang gate ng mansion nila.

Bakit siya nagmamadali? Hindi naman siya ganyan noon ah!

Nakakapanibago nga si Leana simula nung pumunta ng U.S si Grae. Bakit kaya?

Ang jacket ko!

Akmang hahakbang sana ako papasok ng gate ng mansion nila Leana ng marinig ko ang malamig na boses ng dad niya. Dahil sa nacu- curious ako ay nakinig ako sa usapan nila.

"So, umalis ka na pala ng walang paalam, Leona!" L- Leona? D- diba si Leana ang k- kakapasok lang ng gate nila?

Bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Kinakabahan ako sa isasagot niya. Hindi ba siya si Leana? Bakit siyang tinawag ng Leona ng dad niya?

"I'm s- sorry." Napatuod ako sa aking kinatatayuan.

H- hindi pwede ito! Sa halos tatlong buwan, s- si Grae pala ang kasa- kasama ko at hindi si Leana? It can't be!

Dali- dali akong lumisan sa labas ng gate nila Leana at marahas na binuksan ang pinto ng aking kotse.

NAKAKADISMAYA! P**A!

End of flashback....

Andito ako ngayon sa may pool sa likod ng bahay namin. Nakaupo lamang ako sa dulo ng pool habang nakababad ang aking mga paa sa tubig ng pool namin.

Nakakagigil. Bakit niya ako nilinglang? Bakit siya nagpanggap bilang si Leana? Ganun na ba talaga kadesperada si Grae upang magpanggap bilang si Leana?

"Honey, may naghahanap sa'yo." Malamig ko lang tinapunan ng tingin si Mom. Tsk. Sagabal.

"Sino naman po, Mom?",cold kong ani at tumingala sa kalangitan.

Napakaaliwalas ng kalangitan na para bang gusto kong lumipad kagaya ng mga ibon.

"Hi mahal! Bakit hindi ka na pumasok ng school?",maarteng wika ng isang boses ng babae.

Tsk. It's Tiffany. Siya lang naman ay isang admirer ko. Hindi ko siya type pero siya lang iyong andiyan upang mawala ang aking galit.

"Bored?",cold kong wika at ipinikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin at humawak sa aking bisig. Tsk.

"Alam mo ba mahal. Nakakagigil iyong nerd kanina sa school. Alam mo bang halos hindi na siya umaalis sa room natin kung hindi ka raw niya makikita. So gross, right?" Napamulat ako ng aking mga mata dahil sa sinabi ni Tiffany.

So bumalik pala siya at inantay talaga niya ako sa room namin? Tsk. How desperate is she? Kahit sinaktan ko na siya mapa- emotional pa man at physical ay habol na habol pa rin siya sa akin? Tsk.

"At alam mo ba. Andun din iyong pinsan mo. Pilit niyang hinihila papalayo iyong nerd paalis ng school. May relasyon ba kayo ng nerd na iyon?" Napalingon ako sa gawi ni Tiffany at ningitian siya ng peke.

"Relasyon? Sa isang nerd? Baliw ka ba?",cold kong ani at tumayo sa pagkakaupo.

"Ang desperada niya kasing antayin ka sa labas ng room e. May namamagitan ba sa inyo?" Alam kong mali ito! Alam kong mali ang maghanap ng iba habang kami pa ni Leana kahit nasa malayo siya ngunit ginagawa ko lang ito upang lumayo sa akin si Grae dahil hindi ko kayang makita siya. Hindi ko alam kung bakit! Ngunit hindi ko pa kayang harapin siya ng may ngiti sa aking labi.

"Let her be. Alam mo naman na maraming nagkakagusto sa boyfriend mo." Napabuntong nalang ako ng hininga bago siya tinalikuran at lumakad papaalis ng pool.

Gusto kong mapag- isa. Ayaw ko munang may didisturbo sa aking pag- iisa.

LEONA's pov

Andito kami ngayon ni Trich sa may gym. Marami- rami ring nag- aantay sa team ni Cain dahil sa may practice sila ngayon ng basketball. Gusto ko ring kausapin siya't linawin sa lahat- lahat.

Ito na pala ako ngayon. Bumalik na ako sa aking sarili. Sa pagiging nerd na ikinagalit nila mom at dad ngunit wala na silang magagawa dahil sa ito ang nararapat at dahil na rin nabunyag ang sekreto na pinapagawa nila sa akin. Sa pagiging isang walang kwenta't walang karapatan na si Leona.

"Leona, andirito na sila Cain." Dali- dali kaming tumayo ni Trich at masayang sinundan nang tingin ang team ni Cain.

Alam kong malaki ang kasalanan ko Cain. Sana ay mapatawad mo ako. Sana ay pakinggan mo ang sasabihin ko. Alam kong nagmumukha na akong desperada ngunit kailangan ko itong gawin upang mapatawad mo ako.

"Cai- MAHAL!" Hindi ko naituloy ang pagtawag ko kay Cain dahil sa may babaeng tumakbo nang kay lakas patungo kay Cain at siya'y niyakap.

A- anong?

"Tiffany!" Napalingon ako sa gawi ni Trich. Pati rin pala siya ay nabigla.

Familiar sa akin ang babae. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko maalala. Sino ba siya? Kaano- ano ba niya si Cain?

"Did you know her, Trich?",taka kong tanong kay Trich na ngayon ay malungkot na tinitigan ako bago umiwas ng tingin sa akin.

May mali rito.

"She's - LADIES AND GENTLEMEN. SO ANDITO ANG LAHAT HINDI DAHIL SA PRACTICE NG TEAM SPARROW NA PINAMUMUNUAN NI CAIN KUNDI MAY SASABIHING MAHALAGA ANG ATING STAR NG UNIVERSITY. LET'S ALL WELCOME CAIN MESH CRIMSON." Napakaingay ng paligid.

Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi ng MC dahil sa sobrang ingay.

"Leona, halika na. Umalis na tayo rito." Bakit nagmamadali si Trich? Bakit gusto niyang umalis dito? May mangyayari bang masama?

"Bakit, Trich?"

"Basta tayo na." Nagpatangay nalang ako sa panghihila ni Trich ngunit napahinto rin kami dahil sa boses ni Cain na nag- eecho sa buong gym. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Cain.

"Good morning all of the students. Gusto ko lang palang malaman ng lahat ng naririto na itong babaeng nasa aking tabi." Liningon ni Cain ang kanyang katabing babae. Maganda rin ang babaeng ito. Kahit kayumanggi ang kulay ng balat niya ay hindi mo maaalintana ang ganda niya lalo na't may chinita siyang mga mata."She's Tiffany. My NEW GIRL. I hope tanggapin niyo siya ng buong puso at huwag niyo sana siyang husgahan. Ako po ang may gusto sa aming relasyon. Kung magtatanong man kayo ukol sa amin ni Leo I mean Leana ay WALA NA PO KAMI. Tinapos na po namin ang aming relasyon kahapon lang. Kaya sana po sa LAHAT ng nakikinig, sana ay galangin niyo siya kagaya ng paggalang niyo kay Leana." Napatulo nalang ang aking luha dahil sa nasaksihan.

Nakangiting hinalikan ni Cain ang babaeng katabi niya sa pisngi nito.

Bakit Cain? Bakit ganito? Gusto ko lang sana magpaliwanag ngunit ako pala itong maliliwanagan. Kay saklap naman ng buhay ko.

Niyakap ako ng kay higpit ni Trich.

"Leona." Napaiyak nalang ako ng tahimik sa balikat ni Trich.

Sana ay panaginip lang ito. Sana ay hindi ito totoo. Sana ay guni- guni ko lang ito. Sana lang! Sana lang!

"I LOVE YOU MAHAL." Ayaw ko ng makinig sa boses mo Cain. Ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin mo. Ayaw ko ng malaman ang tungkol sa iyo. Ayaw ko na!

"Wahhhh!"
"Ang sweet!"
"New love team."
"Napakabagay niyong dalawa."

Hindi na ako nagpapatinag pa at humiwalay na ako sa pagkayakap kay Trich at dali- daling tumakbo papaalis ng gym.

Gusto ko ng kalimutan ang lahat. Gusto ko ng kalimutan ang sakit.
Gusto ko ng kalimutan ang mapait kung buhay.

"Leona! Wait!"

Hindi ko na inantay pa si Trich. Gusto kong mapag- isa. Gusto kong mapalayo rito. Gusto ko ng magpahinga.

Hindi ko namalayan na sa rooftop pala ako ng building ng mga seniors ako dinala ng aking mga paa.

Napapikit ako sa aking mga mata.

Kay lamig ng simoy ng hangin. Kay init ng yakap ng araw.

Napaangat ako ng tingin. Kay gandang tingnan ang maasul- asul na kalangitan.

Kay sarap abutin ng ulap at lumipad papalayo rito sa aking kinatatayuan.

Dahan- dahan akong naglakad papunta sa dulo ng rooftop. Ang sarap tumalon mula rito patungo pababa. Kung wala lang sanang humahadlang sa daan ay sana ay kanina pa ako tumalon dito.

Kinuha ko ang earphone sa aking bulsa at ipinaskil ko ang dulo nito sa mismong pasukan ng phone ko.

I hope MUSIC could ease my pain.

🎧Ikaw na pala,
Ang may- ari ng damdamin ng minamahal ko.
Pakisabi nalang,
Na huwag nang mag- alala at okay lang ako.

Sabi nga ng iba,
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo.
Hahayaan mo na mamaalam,
Hahayaan mo na lumisan. Hmmmm.

Kaya't humihiling ako kay bathala,
Na sana ay hindi na siya luluha pa.
Na sana ay hindi na siya mag- iisa,
Na sana lang.

Ingatan mo siya,
Binalewala wala niya ako dahil sa'yo.
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal,
Na kay tagal ko rin binubuo,
Na kay tagal ko rin hindi sinuko.🎧

"Leona!" Napalingon ako sa taong yumakap sa akin bigla.

It's Trich. Mabuti at andito ka Trich. Mabuti at bumalik kana sa akin. Mabuti at nasa aking tabi kana. Dahil kung wala ka, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pa sa akin.

My life sucks! I'm so hopeless. I'm so dumb! I'm so useless!

Hindi ko na kaya pang mabuhay sa mundong ito. Hindi ko na kaya pang lumaban. Dahil ang taong sekreto kong sinubaybayan at minamahal noon ay wala na. Dahil nasa iba na naman siya. Tatlong buwan lang pala ako naging masaya. Tatlong buwan lang kitang nakasama. At tatlong buwan ko lang naramdaman ang init ng iyong yakap.

Napatulo nalang ang aking mga luha. Naangat nalang ako ng tingin at pinikit ulit ang aking mga mata.

Sana ay hindi ako nabuhay. Sana ay ako nalang iyong namatay sa panahong gulong- gulo ang buhay ko. Sana ay ako nalang ang nawala upang hindi ko na maranasan ang sakit na aking nadarama ngayon.

Kuya Lucio. Sana ako nalang ang nariyan sa langit. Sana ako nalang ang nagbuhis ng buhay. Sana ay ako nalang ang sumangga ng bala.

-------

End

LAST TEARS book 1 ( PAST )CHAPTER 6  LEONA's povMabuti at wala na ang lagnat ko kay ganda pa naman ng panaginip ko. It s...
07/06/2025

LAST TEARS book 1 ( PAST )

CHAPTER 6

LEONA's pov

Mabuti at wala na ang lagnat ko kay ganda pa naman ng panaginip ko. It seems like a reality kumbaga. At andun daw ang kaibigan kong si Trich. Nalaman niya raw ang katotohanan at nagsorry daw siya dahil sa nagawa niyang pag abanduna sa akin sa ere.

Kahit sa panaginip lang ako naging masaya ay masaya na rin ako.

"Buti at pumasok pa siya!"
"Hindi ba siya nahiya?!"
"Nakakasuka siya!"
"Gross!"
"Desperada na nga! Ambisyosa pa!"
"A good pretender to be exact!"

Bakit lumalayo sa akin ang mga estudyanteng nakapaligid sa akin? May nangyari ba habang wala ako? Bakit parang nasusuka sila sa akin? Did I do something?

"The LIAR is here." Napahinto ako sa aking paglalakad dahil sa sigaw ng isang babae. Kilala ko iyon hah!

Nilingon ko ang babaeng nasa aking likuran.

"B- Beauty?" Bakit ang sama ng tingin niya sa akin? At anong LIAR? Sino? Ako ba? Did they know the truth?

"Bakit ka nabigla? May nasabi ba akong TAMA na ikinabigla mo hah, NERD?",napasinghap ako. Dahil sa tinawag niya. Paano niya nalaman?

"A- ano bang pinagsasabi mo, Beauty? Sinong nerd?" Alam kong may mali rito. Bakit niya tinatawag akong nerd?

"Huwag ka nang mag maangmaangan pa! Nabisto kana! Nalaman na ng lahat ang kasinungalingan mo! You're not LEANA and you will never be HER! Dahil hamak na NERD, MADUMI AT MABANTOT ka lang na si LEONA at hinding- hindi ka magiging si Leana." Nakikita ko ang galit at sakit sa pagmumukha ni Beauty. Bakit ka nasasaktan Beauty? Bakit?

"A- ano? Nasa abroad si Leona. Ano bang pinagsasabi mo, Beauty?" I need to pretend. I need to lie para lang hindi ako mabisto.

"LIAR!! Leana already talked to us! Sinabi niya sa amin ang katotohanan. Desisyon mo pala ito kaya siya pumunta ng abroad. Para ano? Para magawa mo ang hindi mo nagawa noon? Para mafeel mo na may nagmamahal at nagpapahalaga sa'yo sa mismong katauhan ni Leana? O gusto mo lang masolo ang mga taong nagmamahal kay Leana kaya siya ang pinapunta mo ng abroad embis na IKAW!"

Dumaloy ang aking luha sa aking mga mata.

Napakasinungaling mo Gail! Bakit ako ang ibinaliktad mo? Ganyan kaba talaga kasama?

"H- hindi totoo iyan. Ako ito! Si Leana na kaibigan niyo." Alam kong nakakaawa na ako ngayon ngunit wala akong pakialam.

Hahawakan ko sana ang k**ay ni Beauty ng umurong siya papaatras na siyang ikinalungkot ko.

"Just stop pretending to be Leana. Be yourself girl. Kahit kailan hinding- hindi mo mapapalitan si Leana. You will never be like her. Magkaiba kayo. Kaya umalis ka nga sa harapan namin at huwag na huwag mo akong hahawakan o kakausapin man lang. Nagkakaintindihan ba tayo, LEONA the NERD!",wika pa ni Beauty habang dinuduro- duro pa ako.

Wala na! Wala na ang taong kahit maarte ay pinaramdam pa rin nila sa akin I mean kay Leana na totoo silang kaibigan.

Naiwan akong nag- iisang lumuluha rito mismo sa hallway ng school. Wala na ang mga estudyanteng nanonood sa amin kanina. Sumunod na sila kay Beauty na lumakad papalayo sa aking kinaroroonan.

Ganito nalang ba palagi? Akala ko ba okay na? Akala ko ba na ito ang kagustuhan niya? Bakit siya pa ang nagsabi ng katotohanan sa mismong kaibigan niya? Nahihibang na ba siya?

"GRAE!" Napatuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa malamig na boses ng isang lalaki na nasa aking likuran.

S- si Cain iyon hah! Boses niya iyon.

"B- babe!" Kahit takot man ay nakangiti pa rin akong lumingon sa kanya kahit dumadaloy pa rin ang aking mga luha sa aking mukha.

"Don't call me 'BABE'. Wala namang tayo hindi ba? Hindi naman ikaw si Leana! Bakit babe kapa ng babe sa akin?",cold niyang ani at malamig akong tinititigan.

Bakit ganito? Ay thought sasaya na ako?

"B- but I'm Leana.", pagsisinungaling ko pa at bahagyang yumuko. Ayaw kong makipagsukatan ng titig sa kanya. Natatakot ako. Nakakatakot ang titig niya.

"You're not LEANA! You're GRAE. Bakit ba ipinipilit mo ang sarili mo bilang si Leana? Alam mo namang sobrang layo ninyong dalawa hindi ba?",sigaw niya pa sa akin habang ang dalawa niyang k**ay ay nasa balikat ko't pinipisil ito ng mariin.

Sobrang sakit nang pagkapisil niya. Gigil na gigil ata siya. Alam kong nasaktan ko siya dahil sa nagawa ko ngunit sinusunod ko lang naman ang kagustuhan ng parents ko.

Napaangat ako ng tingin at malungkot siyang tinitigan.

This is enough! Ayaw ko na! Ayaw ko nang magpanggap! Ayaw ki nang magsimulang pa! Dahil marami ang nasasaktan at umaasa!

"Oo! Sobrang layo naming dalawa! Pero naging masaya ka naman hindi ba? Dahil sa akin naramdaman mo ang pagmamahal na hindi naibigay ni Gail!" Namanhid ang aking kanang pisngi dahil sa pagsampal sa akin ni Cain.

Ang sakit! Ang sakit lang dahil siya pa mismo ang sumampal sa akin. Parang nagising ako sa katotohanang wala talaga akong karapatan at wala akong silbi sa mundong ito!

"Hindi IKAW ang kailangan ko! At hindi ikaw ang nagpapasaya sa akin, GRAE! Si Leana ang kailangan ko! At siya lang ang nagpapasaya sa akin!" Malamig niya akong tinititigan.

"B- bakit, Cain? Pwedeng ako na naman? Pwedeng ako na naman ang piliin mo? Pwede bang ako na naman ang siyang magpapasaya sa'yo? Pwede bang ako na naman ang mahalin mo? Ayaw ko na kasing maramdaman ang pangungulila sa pagmamahal ko sa'yo. Ayaw ko ng magparaya pa." Humahagulhol na ako ng iyak. Ang sakit kasi e. Simula pa ng bata pa kami, mahal ko na si Cain. Kaso iba ang minahal niya noon hanggang ngayon e. At iyon ay ang kakambal ko. Kaya nga nagparaya ako at hindi na ako nagmahal pa ulit.

Nakita ko ang pagdaan ng mga emosyon ni Cain sa kanyang mukha ngunit pumaibabaw pa rin ang pagkagalit at pagkalamig ng kanyang mukha.

"Ganyan ka ba ka desperada, Grae? Ganyan ka ba kababaw? Ganyan ka ba talaga? Umaasa kalang! Umaasa kalang sa wala GRAE! Dahil ni minsan hindi kita tinuring na matalik na kaibigan man lang o maging kasintahan. Dahil ni minsan hindi ko binigyan ng kahulugan ang pag- eexist mo sa mundong ito! I HATE YOU GRAE! I HATE YOU!" Napatuod ako sa aking kinatatayuan. Kusa atang huminto ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mga mata. At kusang humina ang tibok ng aking puso dahil sa sinabi ni Cain.

Ayaw din niya pala sa akin? Bakit niya pa pinadama sa akin noon ang kahalagahan at pagmamahal niya bilang kaibigan ko? Bakit niya ako pinaasang tinuring niya akong MATALIK NA KAIBIGAN? Bakit?

"Sana maaga pa lang sinabi mo na! Upang sana ay hindi ako pumayag sa kagustuhan ng parents ko at ni Gail. Sana sinabi mo noon na hindi mo ko kailangan bilang matalik mong kaibigan upang sana ay maaga akong dumistansya sa'yo. Salamat Cain hah! Salamat at kahit peke lang lahat ng pinadama at pinakita mo sa akin ay naging masaya ako.",cold kong ani at tinalikuran na siya. Pabarag akong naglalakad palabas ng school.

Gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede kong isigaw ang lahat ng hinanakit ko!

Gusto kong magpakalayo- layo rito. Gusto kong lumaya sa hawlang nakapalibot sa akin. Gusto kong makawala sa hinanakit na aking nararamdaman simula noon hanggang ngayon.

"L- Leona!" Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko na masyado pang naaaninag ang taong nasa aking harapan. Hindi ko na masyado pang naririnig ang pinagsasabi niya.

Sino ba siya? At ano ang pinagsasabi niya?

TRICIE's pov

Ito ako ngayon kakababa lang ng aking kotse. Ewan ba, parang kinakabahan ako na ewan!

Naglakad nalang ako papasok ng school. Napakatahimik ata! Bakit walang masyadong estudyante sa paligid? Maaga pa naman ah!

Binalewala ko nalang ang aking nakikita at nagpatuloy sa paglalakad ng may naanigan akong dalawang taong nag- uusap sa mismong gitna ng hallway.

Si Cain at si F**K! IT'S LEONA!

Dali- dali akong naglakad patungo sa kinalalagyan nila ngunit huli na ako! Nakita ko nalang na tinalikuran ni Leona si Cain habang malamig na nakatingin ito sa kawalan!

Pabarag siyang naglakad patungo sa akin. A- anong pinag- usapan nila at tila ba ang lalim nito?

Nasa harapan ko na si Leona. Ang blangko ata ng pagmumukha niya at dumadaloy ang mga luha sa kanyang nga mata? Bakit siya umiiyak?

"Leona?" Alam kong hindi na niya ako maaaninag pa dahil sa pinapaliit niya masyado ang kanyang maliit na mga mata.

"Leona, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Anong pinag- usapan ninyo ni Cain? Tell me Leona?" Tila hindi niya ako naririnig. Para siyang lantang gulay na naglalakad papalayo sa akin.

Hindi niya ba ako nakikilala? Hindi niya ba ako naririnig?

"Leona! Wait! Ano ba?" Pilit kong hinahawakan ang bisig ni Leona. Alam kong wala na siya sa katinuan. She need someone to lean on at alam kong ako lang ang masasandigan niya.

Hindi pa rin siya nagrerespond sa pagtawag ko sa kanya kaya hinila ko na siya at niyakap ng kay higpit.

Hindi ka ganito Leona! You're strong and kind woman. Hindi ka basta- basta umiiyak sa kahit na kanino. Pero bakit kay Cain ganyan kana? Bakit?

"K- Kuya L- Lucio!" Napayakap nalang ako ng kay higpit sa kanya dahil sa paghagulhol niya ng iyak.

Wala na si Kuya Lucio mo, Leona. He already passed away. Wala na ang nag- iisang taong dumadamay at nagpapasaya sa'yo. Wala na!

Dahil hindi ko na makaya pa ang nakikita ko kay Leona ay inalalayan ko siya papunta sa aking kotse. Sasamahan ko siya kahit saan niya gusto. Gusto ko lang bumawi sa lahat ng nagawa kong mali sa kanya.

Ipinasok ko na si Leona sa aking kotse at inilagay ko na rin ang seatbelt niya.

Bumalik muna ako sa kinaroroonan ni Cain na ngayon ay nakatayo't lumuluhang mag- isa.

Bakit siya umiiyak? Nasasaktan din ba siya?

"Cain!" Tawag ko pa sa kanya.

Mabuti naman at natauhan na siya at pinahiran na niya ang luha sa kanyang mukha gamit ang panyong kulay itim at may nakaukit na letrang G. Kanino iyan galing? Galing ba iyan sa babae niya?

"What do you want?",cold niyang tanong sa akin.

Kahit anong ekspresyon mo sa akin Cain hinding- hindi ka makakawala sa akin. Alam kong nasasaktan ka rin ngunit hindi mo lang maipapakita ito dahil sa takot ka! Takot kang sabihin ang katotohanan na nahulog kana sa bagong Leana na si Leona na dati mong bestfriend.

"Anong nangyari sa inyo ni Leona?"

Taka niya naman akong tinitigan at biglang umismid.

"So alam mo rin pala! Kailan niyo pa ako niloko hah, Cie?" Niloko? Gago ba siya? Ako nga rin naloko nga. Kung hindi ko lang pinaimbestiga si Leona hindi ko malalaman ang totoo.

"Bago ko lang din nalaman ang katotohanan, Cain. Pina- imbestiga ko si Leona dahil alam kong may mali sa Leana na nakilala natin.",wika ko pa at tinalikuran siya."At iyon din sana ang sasabihin ko sa'yo kahapon dahil nga akala ko ay may nangyari na sa inyo kaso nagk**ali ako. Napakabusy mo nga sa babae mo kahapon kaya hindi ko naisawalat sa'yo kahapon ang nalaman ko."

Iniwan ko na si Cain na mag- isa. Ayaw ko ng makinig pa sa sasabihin niya. Ang importante sa akin ay masamahan ko si Leona kung saan niya gusto. Alam kong malalim na ang sugat sa kanyang puso kaya tutulungan ko siya. Tutulungan ko siyang gamutin ang puso niyang lumuluha.

-----

End..

Chapter 7
https://www.facebook.com/share/p/1YmBXANAqU/

LAST TEARS book 1 ( PAST )CHAPTER 5  TRICIE's pov Isang linggo. Isang linggo ng hindi pumapasok si Leona na nagpapanggap...
07/06/2025

LAST TEARS book 1 ( PAST )

CHAPTER 5

TRICIE's pov

Isang linggo. Isang linggo ng hindi pumapasok si Leona na nagpapanggap si Leana. I knew it! Hindi talaga siya ang kaibigan ko. Ang maarteng kaibigan ko. She's my kind friend Leona. At nalaman ko na rin kung bakit nagpapanggap si Leona. Dahil iyon ang kagustuhan ng parents niya na sinang-ayunan ni Leana. I pity for Leona. Nalaman ko pala ito dahil pina- imbestiga ko si Leona.

"Girl, bakit ba absent si Leana?" Napairap nalang ako sa akaartehan ni Margot. Tsk. Bakit ba ako nasama sa mga maarteng ito?

"I don't know e. Tinatawagan ko nga ang number niya kaso nagri- ring lang ngunit hindi naman sinasagot." Napantig ang aking tainga sa sinabi ni Beauty.

Bakit naman hindi niya sinasagot ang mga tawag ng kaibigan ni Leana? Nagtatago na ba siya?

"I heard may ibang kasama raw ang boyfie niya. I thought ok sila? I mean ok naman talaga sila pero ngayon bakit may ibang girl si Cain? May alam ka ba, Tricia?" Napatingin ako kay Beauty na ngayon ay nakakunot ang noo.

Ewan ko ba! Kahit pinsan ko nagbago. Iyong dating masayahin at cheerful ko na pinsan naging cold at malungkot? Why?

"I don't know. Kahit ako hindi ko alam.",tanging sagot ko at nag- iwas ng tingin.

I need to know what's happening to Leona ang Cain. Paano kung alam na ni Cain ang tungkol kay Leona? O baka nakipaghiwalay si Leona dahil hindi niya kayang magpanggap bilang si Leana mismo sa harapan ni Cain na bestfriend niya?

KRINGGGGG...

Lunch time na. I need to talk to my cousin Cain. Gusto kong malaman kung anong nangyayari.

Dali- dali akong tumayo sa aking kinauupuan at walang pahintulot na lumabas ng classroom. Hindi ko na pa inantay ang dalawa. Alam naman nila sigurong I hated both of them.

Pupuntahan ko nalang siguro si Leona sa mansion nila. Nakakabagot kasing pumasok sa susunod na subject after ng lunch lalo na't wala siya. I have to clarify everything hindi iyong nagtatago siya palagi sa katauhan ng ibang tao. Hindi ganoon ang nakilala kong Leona.

Sana may rason siya dahil handa akong makinig kung ano man iyon. Ayaw kong gumagawa siya ng ikakapahamak at ikakasakit niya.

Just wait for me Leona! Just wait! Alam ko mang may mali ka pero itatama ko iyon.

At MCDALFE'S MANSION....

Nakapasok na ang kotse ko sa gate ng mansion ng mga Mcdalfe. Nakapatahimik. At napakaaliwalas ng paligid. Bakit hindi ko maaninag ang anino mo LEONA? Bakit wala ka sa garden sa labas ng mansion niyo?

Ipinark ko na ang aking kotse sa harapan ng mansion nila ni Leona at kalmadong bumaba ng kotse.

Napalingon- lingon pa ako sa paligid. Ang tahimik talaga. Nasaan na ba ang mga maids at hardenero nila? At nasaan ang parents mo Leona?

Biglang bumukas ang malahiganteng pinto ng mga Mcdalfe at lumabas ang matandang yaya ni Leona?

"Iha! Andirito ka pala. Akala ko'y sila Sir Lilbert at Ma'am Gratilia na ang nasa labas ng mansion." Bakit parang balisa si Manang Midred? Natatakot ba siya sa akin?

"Manang, nasaan po si Leona?",wika ko pa at sumandal sa aking kotse.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa kanyang mukha. Tsk. Tama nga ang pag- iimbestiga ko. Si Leona nga ang andirito at hindi si Leana.

"N- nasa abroad si Lady Leona, iha. Ang tanging narito ay si L- lady L- Leana." Alam kong nagsisinungaling ka Manang. Sa pawis pa namang dumadaloy sa pagmumukha mo! Alam na alam ng nagsisinungaling ka.

"Really? I thought si Leana ang nasa abroad at si Leona ang narito sa Pilipinas?" Let's play their game. Aacting pa sila e the best detective ako kumbaga. No lies can pass me.

"Iha naman! Alam mo namang si Leana talaga ang narito." Napatawa nalang ako ng mahina ng pekeng tumawa si manang. Hay naku!

"Pwede po bang makita si LEANA, Manang? May pag- uusapan lang kami.",pag- iiba ko ng usapan namin. Nakakaimberna na kasi. Napakainit kaya rito sa labas ng mansion.

"Sige iha. Sasabihan ko nalang si L- Leana na andito ka." Binuksan na ni Manang Midred ang pinto ng mansion at naunang naglakad sa akin.

I need to stop her.

Mas mabuti ng masorpresa ko si Leona kaysa sa malaman niyang andito ako.

"Huwag mo ng sabihan siya, Manang. I already talked to her through call naman. And she agreed.",pagsisinungaling ko pa na ikinahinto ni Manang Midred at balisang napalingon sa akin.

Don't be afraid, Manang. Lilinawin ko lang ang lahat- lahat ukol sa kasinungalingan ng alaga mo.

"Tumawag ka na pala sa kanya, iha! Sige. Puntahan mo nalang siya sa kwarto niya. Ilang araw na kasi siyang hindi nagpapasok ng mga tao sa kwarto niya." Taka kong tinignan si Manang. Malungkot siyang nakatingin sa akin.

Anong pinagsasabi niya?

"Why? Paano siya kakain? Bumababa siya?",taka kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Manang.

"Dinadalhan lang namin siya ng pagkain. Kaso sa labas lang niya ito ipapalagay." Bakit ka nagtatago Leona? "Kaunti nga lang kinakain niya." Bahid ng kalungkutan ang boses ni Manang. Alam kong nasasaktan si Manang sa kanyang alagang si Leona. Manang cares Leona that much. Dahil nga sa mabait si Leona kaysa kay Leana.

"Nasaan po pala sila Mr.& Mrs. Mcdalfe?",cold kong ani at napalingon sa may hagdanan.

"Out of town daw sila mga isang buwan." WHAT? Are they serious?

"Kaya pala ang tahimik. Sige na Manang. Pupuntahan ko na si Leana sa kwarto niya." Dali- dali akong humakbang patungo sa hagdan ng mansion at hindi ko na inantay pa ang isasagot ni Manang.

Andito na ako sa harapan ng mismong kwarto ni Leana. I knock on the door. And waited Leona to come out. Kaso ilang oras na akong nakatayo rito sa mismong labas ng kwarto ni Leana ngunit niano niya hindi ko makita. Damn!

"Leona! Open these GODDAMN DOOR!",sigaw ko pa habang hinahampas ang pinto.

Baka natutulog ito? Grrr. Hindi ka naman tulog mantika if tulog ka man hindi ba Leona?

"T- Trich!" Malamig kong tinapunan ng tingin ang taong nasa katapat ng kwarto ni Leana.

Napangisi ako sa reaksyon ni Leona na ngayon ay namamawis na't nababalisa.

So totoo nga!

"Leona.",cold kong ani at masama siyang tinitigan.

Dahan- dahan akong naglakad patungo sa harapan ng pinto niya at tinulak ang pintong ibunuka lang niya ng kaunti.

"I- I'm not Leona. Ako si Leana. Your f- friend." Nagsisinungaling ka na naman sa akin Leona!

"I already knew the truth, Leona. Alam kong hindi ikaw si Leana at alam kong desisyon din ito ng parents mo. Bakit ka pumayag hah! Bakit ka pumayag na maging si Leana? Bakit hindi mo inisip ang sarili mo! Hah?" Galit na ako! Galit na galit na halos gusto ko ng saktan si Leona kaso hindi ko kayang gawin. Hindi ko kayang saktan ang kagaya niyang mabait.

"H- how? How did you find the truth? Did Manang told you? H- hindi mo dapat malaman ang totoo!",sigaw pa niya at umiyak.

I pity for her. Alam kong nahihirapan siya subalit kinakaya niya ang lahat ng ito.

"Hindi si Manang ang nagsabi sa akin. It's YOU! Hindi naman ako tinatawag ni Leana ng Trich hindi ba? Doon palang nalaman ko na hindi ikaw si Leana. At sa totoo lang MAARTENG- MAARTE umakto si Leana while the new Leana so fragile at napakabait." Napasabunot nalang ako sa aking buhok at isinarado ang pinto ng kwarto niya't inilock ito.

This is our privacy.

"S- sorry Trich if hindi ko sinabi sa'yo. Sorry if I pretend to be her. Ito lang kasi ang makakaya ko upang maging proud ang parents ko sa akin. But I'm wrong. Mali pala ako. Si Leona pa rin pala ang tingin nila sa akin at hindi si Leana. I thought I'm free but I'm not. Nakakulong pa rin ako sa mga k**ay nila. They never let me felt the freedom I wanted." Napaluha nalang ako sa sinabi ni Leona. Alam kong nasasaktan na siya. Alam kong gusto niyang umahon sa kanyang paghihirap kaso she always failed. Gusto ko man siyang tulungan but I can't.

"Naging masaya ako noon ng makilala kita, Trich. I thought may mapagsabihan at masasandalan na ako. But I'm wrong. Katulad ka rin pala ni Cain. You two abandoned me. Mas sobrang sakit nun kaysa sa dinanas ko sa k**ay ng mga kadugo ko. You left me empty. You left me crying!" Halos mapunit na ang puso ko sa sinabi ni Leona.

Yeah! I abandoned her! Its because I wanted to protect her. Gusto ko siyang protektahan sa k**ay mismo ni Leana. Gusto kong mailayo siya sa mga bully. Gusto kong mamuhay siya nang walang nagpapasakit sa kanya but I'm wrong. Inabanduna ko ang taong siyang dahilan ng mga ngiti't tawa ko noon na ngayon ay hindi ko na magawa- gawa.

"I- I'm sorry if I abandoned you. Hindi ko alam na sinasaktan ka pa rin ni Leana hindi nga lang sa physical but you hurt emotionally. Sorry kung ang pagpapakalayo ko sa'yo ang tangin naisip ko upang maprotektahan ka. Kaso nagk**ali pala ako." I froze when she hug me so tight. Namiss ko ito. Namiss ko ang init ng yakap niya. Namiss ko ang Leonang minsan ko ng naging matalik na kaibigan.

"Thank you." Napangiti ako. I miss you Bi.

Biglang lumuwag ang pagkayakap sa akin ni Leona. I don't know but I feel weird!

Inangat ko ang mukha ni Leona. Nakayuko kasi siya. Napalaki ang aking mga mata. Nakapikit siya habang dumadaloy ang kanyang mga luha sa kanyang mukha. Napakahagard niya. At- at ang init niya. She's sick! F**k it!

Dali- dali kong inalalayan siya patungo sa kanyang k**a at ipinahiga siya ng maayos.

Pinaikot ko ng aking tingin ang kwarto niya. At nakita ko ang sira- sirang jacket na alam kong pagmamay- ari ni Cain at Pajama at Blouse na violet na nasa sahig na punit- punit din. Anong nangyari? Who did these to you? It is Cain?

I need to do something. Dapat mong pagbayaran mo ang ginawa mo Cain. Pagkatapos mong makuha ang gusto mo kay Leona sa ibang babae ka na naman nagpapakasaya.

Iniwan ko muna si Leona sa kwarto niya at bumaba na ng 2nd floor.

"Manang Midred, pakiluto po ng sopas si Leona at pakibigyan na rin po siya ng gamot. Inaapoy kasi siya ng lagnat. At may pupuntahan mo na ako. Pagbabayarin ko ang gagong iyon.',cold kong wika at lumakad na papalabas ng mansion nila Leona.

Hindi ko na pinakinggan pa ang sigaw ni Manang Midred at tuloy- tuloy na akong pumasok sa aking kotse.

Patay ka sa akin! Cain!!!

-----------

End...

Chapter 6
https://www.facebook.com/share/p/16gSr7nCP3/

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Blk_n_wht21 stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share