13/11/2017
I just want to share some of my experinces about my hubby. Nadaong sila dito sa Pinas kaya dinalaw namin sya with our eldest kid. Sabi ko kaya ko sya isinama ay para makita ang workplace ng tatay nya. Di yung puro internet at gadget ang iniisip nya. Sinasalubong palang kami sa gate ng port halatang pagod sya sa work, nanlilimahid sa kalawang,pintura,alikabok at grasa. At halatang bigat na bigat din sa safety shoes nya. Pagkaakyat namin sa barko napaatras ako ng papasok kami sa cabin nya kasi akala ko bodega haha. Sabi ko, "di kaba naglilinis ng cabin mo?!" sabi nya "busy kami sa work,at pagkatapos naman ng work need ng magpahinga kaya di ako lagi nakakapaglinis." Iniwan na kami kasi back to work na uli sya kasi di pa tapos yung duty nya. After ng duty, mayamaya tinatawagan na naman at may extra work pa. Those days na inilagi namin dun same routine parin. Naluluha tuloy ako sa awa kasi nakita ko na hindi biro pagod nila sa trabaho at sakripisyo ng malayo sa pamilya. Syempre di ko naman pinapahalata basta normal reaction lang pag nakaharap sya. Dito kasi sa bahay buhay prinsipe sya pero di ko naisip na ganun pla kahirap ang work nila at pag onboard mga magagandang pictures lang ang ipinopost nya sa fb.Simple lang ang pamumuhay namin dahil din sa minimum lang naman ang salary ni hubby.May guilt feeling din sa part ko kasi dati nasasabi ko na di pa namin totally naeenjoy ang salary ng tatay namin dahil di naman kami maluho ng kids kung ano meron kami ay yun lang ang pinagkakasya namin. Tapos pagdating nya sangkaterbang seminar at report pa sa opisina. Ngayon ko narealize na kahit wala day off ang pagiging nanay, mas mahirap parin yung risk,hirap at pagod nila sa trabaho plus malayo sa pamilya,at least ako kasama ko ang kids ko. Mas tumaas ang pagtingin ko sa hubby ko, at mas pinahahalagan ko na ang bawat sentimo na kinikita nya. Sana po sa mga wifey diyan na demanding sa time, bigyan natin sila ng mas mahabang pang unawa at tiwala. Kung minsan kahit off duty nila they text or call us para lang kumustahin tayo pero kung tutuusin pagod na sila sa work at kailangan na nila magpahinga para makabawi uli sa susunod na duty. Saludo po ako sa ating mga Marino kasi marangal ang kanilang trabaho. Tinitiis ang pagod,hirap, at nagsasakripisyo para mabigyan tayo ng maayos na pamumuhay. In return, bigyan natin sila ng tiwala,malawak na pang unawa, pagpapahalaga at syempre BIG BIG LOVE para lalo silang ma-inspire.
-'til next time po uli.have a nice day sa mga SGC ;-)
Wala na pong time maglinis ng cabin. Dahil sa pagod sa trabaho.. pagpasok sa Cabin derecho na higa po
From Seaman's wife