12/08/2026
๐ฟ๐ต๐ญ ๐๐
๐๐, ๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ -๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐ง๐ ๐๐
๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐
Pinangunahan ng Department of Forest Biological Sciences (DFBS) ang buwanang Flag-Raising Ceremony ng College of Forestry and Natural Resources (CFNR), na isinagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni DFBS Chair Dr. Crusty E. Tinio ang kahalagahan ng pagkilala at pagpapahalaga sa ibaโt ibang wika at kultura. Hinikayat niya ang CFNR community na patuloy na pahalagahan ang sariling wika at huwag hayaang maliitin ang sariling kakayahan dahil lamang sa paggamit o impluwensiya ng mga banyagang wika.
Samantala, sa kanyang mensahe, tinalakay ni CFNR Dean Marlo D. Mendoza ang usapin ng kawalang-katarungang pangkapaligiran o environmental injustice, at hinikayat ang lahat na higit na unawain ang kalagayan ng mga marginalized o higit na naaapektuhang komunidad. Binigyang-diin niya ang pangangailangang kumilos upang magkaroon ng makabuluhang pagbabago at hamunin ang mga umiiral na istruktura ng kapangyarihan na maaaring magsamantala sa mga mahihina at maralita.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, muling pinaalalahanan ang CFNR community na ang wika, kultura, at pagkilos para sa katarungan ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng isang mas inklusibo, makatarungan, at mapagmalasakit na lipunan. ๐ฟ๐ต๐ญ