14/05/2026
Kilalanin ang masisipag na estudyanteng nasa likod ng Mahad Ahlol Elm page โ SALENDAW: The Mahad Publication.
Ang nagsimula lamang bilang isang grupo na may kakaunti o walang karanasan sa documentation, photography, at pagsusulat ng artikulo ay ngayoโy naging isang masigasig na koponan na nakatuon sa pagkuha at pagpreserba ng bawat makahulugang sandali ng mga aktibidad at programa ng Mahad. Mula sa pagdodokumento ng mga programa, pagkuha ng mga larawan, at paggawa ng mga artikulong nagbibigay-buhay sa bawat litrato, unti-unti silang naging mga indibidwal na natutong pahalagahan ang bawat anggulo, bawat bahagi ng aktibidad, at bawat taong nasa likod ng tagumpay ng bawat programa.
Ang mga kahanga-hangang indibidwal na ito ay pawang mga estudyante lamang na kusang naglalaan ng kanilang bakanteng oras upang gawing mas makabuluhan at mas engaging ang kanilang page. Patuloy silang natututo, nagsasaliksik, at hinahasa ang kanilang kakayahan sa bawat tungkuling kanilang ginagampanan.
Hindi tulad ng ibang publication, pangunahing nakatuon ang SALENDAW sa pag-cover ng mga aktibidad na may kaugnayan sa Mahad at Tarbiya. Maaaring hindi pa sila katulad ng ibang publication na regular na naglalathala ng mga balita, feature stories, at iba pang media content, ngunit sila ay mga nagsisimula pa lamang na may taglay na dedikasyon, pagsisikap, at matinding kagustuhang mas mapabuti pa ang kanilang kakayahan.
Para sa mga nais maging bahagi ng team, huwag mag-atubiling bumisita sa Admin Office upang sumailalim sa training at magkaroon ng mahalagang karanasan.
Dahil ang MAEAANS ay laging handang humarap sa mga bagong hamon at sabay-sabay na maabot ang mas matataas na tagumpay!