17/08/2026
SHURTIYYĪN & OFFICERS CLEAN-UP DRIVE 2026
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa paligid ng Mahad Iman Al-Islamie, Inc., isinagawa ng mga Shurtiyyīn at mga opisyal ng Mahad ang sama-samang paglilinis ng paligid ng Mahad.
Pinangunahan ang gawaing ito ni Student President Mu’adz Abdulguiabar, kasama sina Norsida Guiamaludin at Mus’ab Guiaber, ang Qā’idah at Qā’id ng Shurtiyyīn, katuwang ang iba pang mga myembro ng samahan.
Ang simpleng gawaing ito ay nagpapakita na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa posisyon, kundi sa kahandaang maglingkod, makiisa, at kumilos para sa kapakanan ng lahat.
Sa malinis na kapaligiran, mas maayos ang pag-aaral. Sa sama-samang pagkilos, mas matatag ang Mahad.
_______________
Basta —Imáanians! Maninindeg!