Madrasato Ali Ya'cob Al-Islamie Inc.

Madrasato Ali Ya'cob Al-Islamie Inc. القرآن والسنة 📚📖

UPDATE📌 | ASATIDZ & COMMITTEE MEETINGبِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيمِALHAMDULILLAH. Sa ikatlong araw ng Madrasah-Ba...
20/08/2026

UPDATE📌 | ASATIDZ & COMMITTEE MEETING

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيمِ

ALHAMDULILLAH. Sa ikatlong araw ng Madrasah-Based Musabaqah 2026, nagsagawa ang ating Asātidz/Asātidzat kasama ang Committees ng Musabaqah sa isang mahalagang pagpupulong bago ang awarding ceremony.

Tinalakay dito ang transparency sa mga naging gastusin sa Musabaqah, gayundin ang evaluation, feedback, at mga suhestiyon para sa patuloy na pagpapabuti ng ating Musabaqah.

Jazākumullāhu khayran sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Musabaqah. Nawa’y tanggapin ni Allah ﷻ ang ating mga pagsisikap. آمِين.



18/08/2026

Musabaqah 2026 😎

نقل المال 💸😅

Isang laro na puno ng tawanan😅, excitement, at pagkakaisa ng bawat Firqah! 💜❤️💚💙

📸 Masayang alaala, masayang Musabaqah!

Look 👀|🏆 AWARDING OF PRIZES AND MEDALS 🏅August 08, 09 & 15, 2026Alhamdulillāh, sa matagumpay at masayang natapos ang tat...
16/08/2026

Look 👀|🏆 AWARDING OF PRIZES AND MEDALS 🏅

August 08, 09 & 15, 2026

Alhamdulillāh, sa matagumpay at masayang natapos ang tatlong araw na Madrasah-Based Musabaqah 2026! 🎉

Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Magulang, Mag-aaral, Firqah Leaders, MASC Officers, at mga Asatidz na naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito.

🤲 Sa aming mga minamahal na Magulang, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, pag-unawa, paghikayat at pagtitiwala sa inyong mga anak at sa aming Madrasah.

👩‍🎓👨‍🎓 Sa aming mga Mag-aaral, pagbati sa inyong lahat! Anuman ang inyong nakamit na parangal, kayo ay mga nagwagi dahil ipinakita ninyo ang inyong talento, kaalaman, disiplina, teamwork at pagmamahal sa Qur’an at Sunnah.

🏆 Sa bawat Firqah Leader, maraming salamat sa inyong pamumuno, dedikasyon at pagiging inspirasyon sa inyong mga kasamahan.

👥 Sa aming MASC Officers, salamat sa inyong aktibong pakikilahok, serbisyo at pagtulong upang maging maayos at matagumpay ang bawat gawain.

📚 Sa aming mga Asatidz, Jazakumullāhu khayran sa inyong sakripisyo, paggabay, paghahanda at walang sawang paglilingkod para sa edukasyon at tarbiyyah ng ating mga mag-aaral.

Ang tagumpay ng Madrasah-Based Musabaqah 2026 ay hindi lamang nasusukat sa dami ng medals at prizes, kundi higit sa lahat sa pagkakaisa, pagkakaibigan, disiplina, magandang asal at mga aral na ating natutunan.
بِالْعِلْمِ وَالْإِيمَانِ نَبْنِي الْأَجْيَالَ
“Building Generations Through Knowledge and Faith.”
Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT! ❤️
Jazākumullāhu khayran wa bārakallāhu fīkum! 🤲✨




📢 ANNOUNCEMENTWALANG PASOKREST DAYAUGUST 16, 2026 | SUNDAY🎉 Pagkatapos ng ating matagumpay naMADRASAH-BASED MUSABAQAH 20...
15/08/2026

📢 ANNOUNCEMENT

WALANG PASOK

REST DAY

AUGUST 16, 2026 | SUNDAY

🎉 Pagkatapos ng ating matagumpay na
MADRASAH-BASED MUSABAQAH 2026
Ang lahat ng mga mag-aaral, Asatidz, at staff ay magkakaroon ng REST DAY upang makapagpahinga pagkatapos ng mga aktibidad ng Musabaqah.

🕌 MALIGAYANG PAGPAPAHINGA!
JAZĀKUMULLĀHU KHAIRAN

Maraming salamat sa inyong pakikiisa, suporta, at aktibong paglahok sa ating Madrasah-Based Musabaqah 2026.
بالْعِلْمِ وَالإِيمَانِ نَبْنِي الْأَجْيَالَ
“Building Generations Through Knowledge and Faith”


15/08/2026

Win to Win ⛹️

15/08/2026

أكل اللابيتوس

15/08/2026

أكل الموز 🍌

13/08/2026

PANOORIN NATIN 👀 MORO DRAMA/ TAMSILIYYAH-MUSABAQAH 2026

FIRQAH FATIMA 💙
Topic: KAPAMBIDA SA WATA😔

Assalamu A'laykum Warahmatullahi Wabarakatuho..
Inaanyahan po namin ang lahat na manood, makiisa, at suportahan ang ating masisipag at mahuhusay na mga kabataang mag-aaral sa aming Madrasah sa kanilang pagtatanghal ng Moro Drama / Tamsiliyyah para sa Musabaqah 2026.

Ang kanilang mga pagtatanghal ay bunga ng sipag, tiyaga at pagtutulungan ng mga mag-aaral, Asatidz, Magulang at buong komunidad.

📖Halina't saksihan nating ang kanilang makabuluhang pagtatanghal, aral, talent, at kulturang Moro-Drama.
📷Manood, makiisa at ibahagi ang kanilang magandang gawain!
🧠Talento, Kaalaman, Kultura at Pagpapahalaga.


13/08/2026

PANOORIN NATIN 👀 MORO DRAMA/ TAMSILIYYAH-MUSABAQAH 2026

FIRQAH ZAINAB ❤️
Topic: KANGGASTO SA LALAN SA ALLAH (SWT) 💸💰

Assalamu A'laykum Warahmatullahi Wabarakatuho..
Inaanyahan po namin ang lahat na manood, makiisa, at suportahan ang ating masisipag at mahuhusay na mga kabataang mag-aaral sa aming Madrasah sa kanilang pagtatanghal ng Moro Drama / Tamsiliyyah para sa Musabaqah 2026.

Ang kanilang mga pagtatanghal ay bunga ng sipag, tiyaga at pagtutulungan ng mga mag-aaral, Asatidz, Magulang at buong komunidad.

📖Halina't saksihan nating ang kanilang makabuluhang pagtatanghal, aral, talent, at kulturang Moro-Drama.

📷Manood, makiisa at ibahagi ang kanilang magandang gawain!
🧠Talento, Kaalaman, Kultura at Pagpapahalaga.

Address

Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madrasato Ali Ya'cob Al-Islamie Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Madrasato Ali Ya'cob Al-Islamie Inc.:

Shortcuts

Share