15/05/2026
๐ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ฑ๐๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ง๐ต๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ
Kaliwaโt kanang isyu ang kinakaharap ng Pilipinas sa usaping politika. Sa halip na maayos at tahimik na pamamahala, mistulang political theater na ang nagiging kalakaran sa Senado.
Sa mga nagdaang buwan, naging usap-usapan ang kontrobersyal na pagkawala ng presensya ni Senator Ronald โBatoโ dela Rosa sa ilang Senate appearances, lalo na sa gitna ng kaniyang isyu sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kampanya kontra droga. Subalit nang muli siyang humarap sa Senado, naging emosyonal ang kaniyang mga talumpati at dramatiko ang kaniyang mga apela. Sa lumalaganap na opinyon ng masa, tila hindi na obhetibong debate ang nagaganap kundi isa nang political theater.
Dagdag pa rito ang mabilisang paglipat ng mga diskurso mula sa seryosong usapin tungo sa personal na alitan. Ang mainit na palitan nina Senador Kiko Pangilinan at Robin Padilla tungkol sa ICC at kay dela Rosa ay nagpapakita kung paanong hindi na natutupad ng Senado ang tungkulin nitong magsilbing espasyo para sa maayos at makabuluhang deliberasyon. Nagkaroon pa ng bantang ethics complaint na diumanoโy nais isampa ni Padilla laban kay Pangilinan.
Mas lalo pang pinaigting ang kawalan ng tiwala ng masa sa gobyerno nang ibalitang umanoโy nakalabas na ng Senado si Senador Bato alas-2:30 ng madaling araw noong Mayo 14, 2026, matapos ang naiulat na putukan sa loob mismo ng Senado noong gabi bago ito. Naging palaisipan kung ito nga ba ay mga pakana lamang o hindi. Para sa maraming Pilipino, lalo lamang nitong pinataas ang mga tanong hinggil sa transparency, pananagutan, at katatagan ng mga institusyon. Tanong ng bayan ay, โPaano magiging pag-asa ng bayan ang kabataan kung sila mismo ay wala nang nakikitang pag-asa rito?.โ Samantalaโ katotohanan pa rin ang hiling ng mga mamamayanโ gayundin ang kaligtasan ng bawat taong inosente at may tuwid na adhikain para sa bayan.
Kaya para sa mga mamamayang Pilipino, hindi sapat ang pagiging informed lamang. Kailangan nating makiisa, magtanong, at kritikal na makialam sa mga isyung panlipunan dahil sa huli, ang lipunan ay hindi lamang binubuo ng mga nasa kapangyarihan, kundi pati ng mga mamamayang pinipiling magsalita o manahimik.
Humihina na ang malayang pananagutan. Tila ba nagiging entertainment na lamang ang politika; mas nangingibabaw pa ang dramatic confrontations at viral moments kaysa sa tunay na reporma at makabuluhang polisiya.
Sa lahat ng mga nangyayaring ito, malinaw na kung titingnan sa lente ng sosyolohiya, nagkakaroon ng mapanganib na pagnonormalisa sa dysfunction ng politika. Sa halip na tunay na mapanagot ang mga lumalabag sa batas, nagiging karaniwan na lamang ang mga alegasyon ng korapsyon, pamamayani ng mga politikal na dinastiya, at walang katapusang pagtatanggol sa mga politiko.
Sa huliโ positibo pa ring naghahangad ang bawat mamamayang Pilipino sa patas at makatarungang pamamahala. Dahil sa kabila ng mga alitang itoโ iisa pa rin ang layunin ng bawat isaโ tahimik, patas, at nagkakaisang bansa.
โ๏ธ: Diana M. Cadavizโ SS - President
๐ผ๏ธ: Kristine Abantoโ SS - ICO I