21/09/2026
π·ππππ πΊπ π»πππ π½ππ-ππππ
Ang karanasan ng mga estudyanteng nag-iisa at nahihirapang makibagay
βMabait naman silaβ¦pero bakit parang ang hirap lumapit?"
Ito ang realidad na kinakaharap ng maraming estudyante, dahil sa kolehiyo, madaling mapansin kung sino ang magkakasama na. May mga sabay kumakain, magkakakilala na bago pa magsimula ang klase, at may mga grupong sanay nang magkasama. Kaya para sa iba, hindi maiwasang mapaisip, βSaan ako lulugar?β
Madalas sa pananaw ng karamihan, mababait ang mga kaklaseng pumapalibot sa kanila. Minsan, hindi naman dahil hindi palakaibigan ang mga tao. Nahihirapan lang tayong lumapit at makisali. Pero may pagkakataon ding may mga grupong hindi talaga nagsasama ng iba. Makikita ito sa mga usapang sila-sila lang ang nakakaalam o sa pakiramdam na mas napapansin at nauunang piliin ang iba. Nabubuo ang mga grupo dahil sa magkakaparehong interes, pag-uugali, o kung sino ang unang nagkakilala. Dahil dito, madaling isipin na may mali sa iyo o ayaw sa iyo ng mga tao.
Pero ang pakikibagay ay hindi kailangang magsimula sa malalaking hakbang. Maaari kang magsimula sa pag-oobserba sa isang kaklase, sa simpleng tanong, o sa pagsali sa isang usapan para mapabuti ang iyong tiwala sa sarili. At kung hindi ka komportable sa isang grupo, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, maaari ka pang maghanap ng iba pang grupo, organisasyon, o aktibidad kung saan mas komportable kang makisalamuha at makabuo ng koneksyon.
Sa kolehiyo, hindi lahat ay magiging ka-close mo. Ang mahalaga ay unti-unti mong mahahanap ang mga taong handa kang makilala at makasama.
βπ»: Matt Cartagena