La Identidad Filipina

La Identidad Filipina Ang La Identidad Filipina (Ang Pagkakakilanlang Pilipino) ay ang opisyal na Organisasyong Pang Historikal at Kultural ng Kolehiyong Emilio Aguinaldo. JUANITO L.

Ang pagtatag ng organisasyong ito ay masalimuot. Dahil alam ng mga bumuo nito ang magiging responsibilidad nila at ng mga susunod na mamamahala sa mga darating na taon. Hulyo 2016 ang petsa ng pagkakatatag nito. Noong buwang din iyon idinepensa nila G. Johnzen Hugo at G. Ronald Mark Barredo sa Administrasyon ng EAC - Kabite upang magarantiya ang pagiging isang ganap na organisasyon ng LaIF. Setyem

bre 15, 2016 nang igawad ang sertipiko ng pagkilala sa LaIF bilang isang Probisyunal na organisasyon. Pebrero 10, 2017 nang idaos ng organisasyon ang una nitong proyekto. Ang proyektong ito ay isang lektura na pinamagatang Saysay Kamalayan Year I: Ang Dasmariñas Noon, Ngayon at Bukas: Trends, Issues and Challenges. Ito ay tungkol sa mga simulain at pagsubok na kinaharap ng lungsod ng Dasmariñas sa paglipas ng 150 taon. Ito ay pinaunlakan ng mga piling mag - aaral mula sa Paaralan ng Edukasyon at HUMSS Strand ng EAC - Cavite at ng mga mag - aaral ng Agham Panlipunan ng DLSU - Dasmariñas. Ang La Identidad Filipina ay nagsisimula na ring magkaroon ng mga koneksyon sa iba’t ibang mga asosasyon at organisasyon sa labas ng institusyon. Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang pakikilahok at pakikipag ugnayan sa ANGKOPP (Alyansa ng mga Pangkasaysaysang Organisasyong Pang mag aaral ng Pilipinas). Ito ay isang bagong tatag na organisasyon para sa mga mag - aaral ng Kasaysayan at Agham/Araling Panlipunan. Ito ay pinangungunahan ng mga organisasyon mula sa UP Diliman, Ateneo de Manila University, DLSU - Manila, Miriam College, PUP, PNU atbp. Bukod dito, ang LaIF ay ninanais rin na umanib sa Cavite Historical Society. Unang Administrasyon ng LaIF (taong 2016 - 2017)
The Beta Administration

Pangulo: Renz Gerard P. Empino
Pangalawang Pangulo: Ronald Mark B. Barredo
Kalihim: Coleen T. Valenzuela
Proyektong Tagapamahala: Eizchelle Giovie H. Manila
Proyektong Tagapamahala: Nicaila T. Ramos
Ingat - Yaman: Erica Joyce V. Macutay
Tagasuri: James Louie Porquez
Pampublikong Tagapagsalita: Erna R. Bengilo
Pampublikong Tagapagsalita: Amin Azis

Tagapayo: G. PERANDO

Address

EAC - Cavite, Burol Main
Dasmariñas
4114

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+63 908 266 0575

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La Identidad Filipina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to La Identidad Filipina:

Share

Ang Pagtataya ng Kasaysayan (Ang Kwento ng LaIF)

Taong 2015, sa kalipunan ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng pang Sekondaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa larangan ng Araling Panlipunan, sa ilalim ng Eskwelahan ng Edukasyon ng Emilio Aguinaldo College-Cavite, ay nasimulan ang unang hakbang sa pangarap na makapagtatag ng isang organisasyong pang institusyonal na siyang tatalakay sa kamalayang Pilipino. Isang organisasyong magmumulat sa mga talakayang hindi lamang pang kasaysayan ngunit pang makalipunan, kasama nito ang mga usaping pang Heograpikal, Pulitikal at Ekonomikal. Dumaan ang mga panahon para sa paghahanda at pagsasakatuparan ng masidhing mithiin para sa organisasyon. Hanggang sa dumating ang taong pang-akademiko 2016 sa buwan ng Hulyo, matagumpay na naidepensa at naipresenta sa harap ng Direktor ng Office of the Student Affairs nina G. Renz Gerard P. Empino (Tagapagtatag), G. Ronald Mark B. Barredo (Tagapagtatag), at G. Johnzen B. Hugo (Tagapagtatag) upang magarantiya ang pagiging isang ganap na organisasyon na binigyang pagkakakilanlan bilang La Identidad Filipina o LaIF. Nagpatuloy ang tagumpay ng pagsisikap upang tuluyang maitaguyod ang organisasyon hanggang sa makamit nito ang Sertipiko ng Pagkilala at bingiyan ng tungkulin bilang isang probisyunal na organisasyon noong Setyembre 15, 2016 na siyang araw din ng pang institusyonal na pagtupad ng mga katungkulan bilang mga pinuno ng iba’t-ibang organisayon at konseho ng mag-aaral.

Pebrero 10, 2017 nang idaos ng organisasyon ang una nitong proyekto. Ang proyektong ito ay isang lektura na pinamagatang Saysay Kamalayan Year I: Ang Dasmariñas Noon, Ngayon at Bukas: Trends, Issues and Challenges. Ito ay tungkol sa mga simulain at pagsubok na kinaharap ng lungsod ng Dasmariñas sa paglipas ng 150 taon. Ito ay pinaunlakan ng mga piling mag - aaral mula sa Paaralan ng Edukasyon at HUMSS Strand ng EAC - Cavite at ng mga mag - aaral ng Agham Panlipunan ng DLSU - Dasmariñas.

Ang La Identidad Filipina ay nagsisimula na ring magkaroon ng mga koneksyon sa iba’t ibang mga asosasyon at organisasyon sa labas ng institusyon. Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang pakikilahok at pakikipag ugnayan sa ANGKOPP (Alyansa ng mga Pangkasaysaysang Organisasyong Pang mag aaral ng Pilipinas). Ito ay isang bagong tatag na organisasyon para sa mga mag - aaral ng Kasaysayan at Agham/Araling Panlipunan. Ito ay pinangungunahan ng mga organisasyon mula sa UP System, Ateneo de Manila University, DLSU - Manila, Miriam College, PUP, PNU atbp. Bukod dito, ang LaIF ay ninanais rin na umanib sa Cavite Historical Society o/at sa Local Historical Committees Network (LHCN) ng National Historical Commission of the Philippines.