06/03/2026
BOOK TALK | ๐๐ข๐ฌ๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ฑ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ข๐ด๐จ๐ข๐ด: ๐๐จ๐ข ๐๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ
Ibinabahagi ang anunsyong ito mula sa BA English โ Creative Writing, UP Mindanao
Inaanyayahan ang lahat sa isang hapon ng talakayan tampok ang aklat na ๐๐ข๐ฌ๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ฑ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ข๐ด๐จ๐ข๐ด: ๐๐จ๐ข ๐๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ ni Kaw. Prop. Jay Jomar F. Quintos ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
"Ang aklat ay binubuo ng labing-isang kuwento na umiinog ang naratibo sa iba-ibang lugar sa Mindanaw na kadalasan ay sa lungsod ng Davao. Nakaugnay ang bawat kuwento sa mga kayarian at kabatirang nakaangkla sa konstelasyon ng kaalamang-bayan, araling Mindanaw at Sulu, at politika. Ang mga piyesa sa aklat ay masasabing bunga ng halos isang dekadang pananaliksik at pamamalagi sa isla rehiyon at karatig na arkipelago ng Mindanaw at Sulu. Kalakip ng mga kuwento sa aklat ang hinaharayang kasaysayan ng emosyon na nagtatampok sa patuloy na armadong pakikibaka sa kabukiran, oral na tradisyon ng mga Tausug, politika ng mga makapangyarihang balyan, naratibo ng extra-judicial killings, mga natapos at hindi natapos na pagnanasa, at pag-aasam sa panlipunang katarungan ng makapangyarihang tanod ng Bundok Apo. Kung minsaโy tradisyunal ang anyo ng mga kuwento na sumusunod sa kumbensyon ng nakagisnang maikling kuwento, ngunit kadalasan naman ay may pagtatangkang maging eksperimental na sinusubukang hamunin ang porma ng binabanggit na anyong pampanitikan sa pamamagitan ng mga talababa, alaala, Wikipedia format, bakas, at kung ano ang mga nalalabi." (๐๐ข๐ฌ๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ฑ๐ข๐ฌ ๐ฏ๐ข ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ข๐ด๐จ๐ข๐ด: ๐๐จ๐ข ๐๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ Sinopsis)
Makakasama sa talakayan si Bb. Malaya Amistad Lapiรฑa (Departamento ng Agham Panlipunan, UP Mindanao) bilang Tagapagtalakay, at si Bb. Stephanie Camille Hayag (Departamento ng Sining Pantao, UP Mindanao) bilang Tagapagpadaloy.
๐ CHSS Mini Theater, UP Mindanao
๐
Marso 10, 2026
โฐ 2:30 N.H. โ 5:00 N.H.